Kung may isang tao na hinahangaan ko ang prinsipyo, diskarte sa buhay at paniniwala sa pagkakaibigan, isang tao ang hihigit sa pamantayan at tibay ng marami.
Si Romeo. Isang kaklase, confidante at kaibigan.
Apat na taon ko ng kaibigan simula highschool, ako ang una at isa sa iilang tao na nakaka-alam ng buo nyang kwento. It was in senior year when I got to know him. Being the first honor of his junior class III-16, he got a spot on the elite section to which I belonged. Until now, I still wonder how we became close. Ako isang aktibo-aktibista, perpetual representative ng batch since first year sa student council, chill at maingay habang sya ang isang uri ng estudyanteng pinaka-ayaw ko: tahimik, masipag at ubod ng sipag. Myembro sya ng notorius group nung 4th year kasama ni Bartolome (ang kaklase kong isang bulate na lang ang di pumipirma), Denmark (CAT officer na may prublima ang dila) at Cyril ( ang kaklase kong may natatanging ngiti: parang one seat apart). Sila ang counterpart ng Placenta Boys, ang grupo ng mga lalaki sa section namin na malaki ang paniniwala sa sabon at pulbo.
Atchwali, mahiyain si Romeo kaya malamang ay lasing ata kami o sobrang busog sa pancit canton ng makwento nya ang buhay nya. Sa Tacloban ang childhood setting ni Romeo. Isang dosena ata silang magkakapatid kaya dahil sa hirap ng sitwasyon ay kung ano-anong shit ang natutunan nya. Sa edad na labing tatlo, pumuslit sya sa barkong papuntang Pier ng Maynila. Umiiyak na yata ako nung nagkekwento sya kasi nakalimutan ko na ang lahat ng detalye basta ang alam ko, napasok nya halos lahat ng pwedeng pasukang raket para mabuhay at makakain ng dalawang beses isang araw. Sa edad na labing pito, nakatakas sya sa maruming kalye ng prostitusyon at nakahanap ng legal na trabaho. Magsasampung taon na yata sya sa dorm na tinitirhan nya.
Bitter si Romeo sa pamilya nya pero sa pagdaan ng panahon, hindi nga yata maalis sa isang taong may bait sa sarili ang prinsipyo ng pagiging bahagi ng isang pamilya. Sadyang napaka misteryoso ng buhay ooh.
He believes in education more than anyone I have met in my life. In the days when none of us is giving a thought on what exactly we want life would be, Romeo would tell me that he will get a degree in Banking and Finance, be a banker, fly to Vienna and settle for there good. I cannot remember if I was able to ask him why of all places, he picked the Austrian city. Years passed and we would meet occassionally over a family sized pizza, some cold bottle of beers or several plates of pasta to talk about our studies, the phony industry we belong, his thesis proposal and the dreams. Nito lang nakaraan ay first time kong nakitang humagulgol ang tado. Basted. Haha. Akala ko talaga nun nag-suicide na sya.
Romeo has already established his life. Talo ako sa pustahan ng mauna syang makabili ng laptop mula sa sweldo nya sa industriya kesa sa akin. Habang ako ay babalik sa pag-aaral sa pamantasan sa diliman, aakyat sa entablado ang kaibigan ko ngayong linggo pagkatapos ng pag-aaral ng tatlong taon para sa isang regular na 4 years degree for Banking and Finance. Kasama ng isang highschool friend, kaming dalawa ang sasaksi sa graduation rites nya. Hanggang ngayon, natatawa pa din ako kapag naaalala ko nung binigay nya samin yung ribbon for parents at yung kopya ng grad pic nya. Secretly, I am very happy that he will be graduating. My highschool friend is one step closer to his plans and dreams.
Plano sana naming magpunta ng Puerto Galera sa katapusan bilang treat nya sa sarili . 25th birthday na din kasi ng loko. Plantsado na ang lahat ng detalye ng makatanggap ako ng text sa kanya. Na-diagnosed ang nanay nya ng breast cancer, stage two. Sobrang malaking dagok na naman ito para sa kanya pero alam kong sa relasyon lang si Romeo umiiyak. At bilang mababait na kaibigan, pinili na din naming wag nang tumuloy sa galera maski nakabili na ko ng ultra cute na beach shorts upang matuloy ang operasyon ng nanay nya. Babawiin na lang namin sa matinding kainan, alak at matinding laughtrip ang lahat (:
Ang problema, parang si pareng Erap at iba pang presidentiables (o si erap ba talaga ang problema? haha). Babalik at babalik ang mga ito para subukan ka. Para mang-asar. Para tignan kung ano ang magiging reaksyon mo sa mga challenge na ibabato nito syo. Pero kilala ko si Romeo.
Kampante akong kahit anong mangyari at kahit ilang Ondoy ang gumulantang sa buhay nya, kaya kaya. Sya pa.
Tagay.
+AMDG