Showing posts with label lupang hinirang lupang hinarang. Show all posts
Showing posts with label lupang hinirang lupang hinarang. Show all posts

The youth are the foremost victims of the Reproductive Health Bills pending in both houses of Congress. It is our generation that will face the reality of the many risks so intimately involved in this measure. It is our welfare that is on the line. It is our voice that we seek to be heard today.

We are for responsible parenthood and we, too, desire to see every Filipino family free from the burdens of poverty.  However, spending for a measure to fiddle with demographics is a gross misallocation of scarce resources. Addressing needs for quality education and opportunities for employment hits poverty at its core. Massive government spending for contraception and mandatory sex education in all schools enlivens the risk of aggravating the decline of our demographics, of eroding our values, and of reshaping our society after the designs of foreign intervention. There is no warrant against this. This is a gamble of our future.
  
We are for reproductive health and we, too, intend to shield mothers and their children from the risks of complications at childbirth. However, pregnancy is not the disease that can find a cure in contraception. Massive government spending for products with known health detriments is tantamount to a government serving our people harm.  Improving access to pre- and post-natal care, of which the RH Bills speak so scarcely about, addresses maternal mortality directly. The RH Bills, instead, advocate reproductive health by heavily promoting mismoderated use of artificial contraception, neglecting the impracticability and impossibility of “informed choice” in the poorest, most populated hospitals and health centers. This ultimately risks the rise in the number of victims of contraceptive failure, the development of a contraceptive mentality, the erudition of family values, and the eventual demand for abortion. There is no warrant against this. This is a gamble of our future.

We are for population management and development and we, too, dream of progress. However, genuine progress can never be achieved until our government invests genuinely in our people.  Our population is an asset. Government must treat it as an asset. Rural development, entrepreneurship, improved standards of education, expansion of opportunities for employment, intensified thrusts for scientific research and development, cultivation of our arts and culture – these constitute genuine investments in our people. This is the way to secure our future.

While the RH Bill posits itself as a comprehensive attempt to relieve our people of a particular ill, it is this very claim of comprehensiveness that blinds it from its cons. We cannot afford to gamble our future. We cannot afford to legislate what constitutes harm to our people.

The youth, in defense of our welfare, can and will invest our support in legislators who know how to genuinely invest in us.

In solidarity, we declare our opposition to the RH Bill. This is our voice. This is our vote.


ELIAS JAYSON TOLENTINO
College of Social Sciences and Philosophy | UP Diliman
News Writer, Philippine Collegian
Member, Center for Nationalist Studies
Convenor, UP For Life
Convening Member, UP Scholars Choose Life Coalition
Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay.
-mula sa bantayog ni Rizal, Luneta

Saludo, Ka Roger.
Ipagpapatuloy ang paglilingkod sa Bayan!

In the movie “Philadelphia,” the lead character talks about the “the thrill of standing up for a person you believe to be innocent.” There is little thrill in representing a person who is forced by poverty to admit a crime he may not have committed.

While it has been said that we have too many lawyers, I think we still need more lawyers—the kind who are willing to stand up for the Eds and Jims who are waiting in jail for their day in court.
-Youngblood: Guilty?, Xenon Rapatan



Kung ang bawat simula ay bunga ng bawat pagtutuldok, at kung ang bawat reyalidad ay nag-uugat sa mga pangangarap, tuwiran ang pagtukoy sa pag-asang nagsisimula sa isang panibagong yugto. At kung sa bawat taong mamanata sa pagbabagong dulot ng bukang-liwayway ay mananatiling may paninindigan, hindi mawawala ang pananalig.

Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Labintatlong taon ang pagpaplano at paghahanda ni Simon upang isakatuparan ang isang mabuting layon na nauwi sa pagkukubli sa masama. Ang isang piging na maluwalhati na sana'y isang lagim ay nauwi sa pagtugis at mga katotohanan. Kung tutuusin, nagsimula ang lahat sa ibabaw ng kubyerta, sa isang bapor na hugis tabo na umuusad sa payapang ilog pasig. O nagsimula ang lahat sa kamatayan ng pag-ibig o ng tao, sa isang pagtutuldok? Maaring nagsimula ang lahat sa kahit anong ugat. Ngunit ang naging bunga ng pagtatangka ay isang hinagpis ng pagkamatay sa isang ilang, sa kamay ng isang pari sa malungkot na baybayin ng silangan.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Sa isang nobela, naniwala si Simon na ang higit na mahalaga ay ang magiging bunga ng layon kahit na masama ang paraan. Ilang siglo ang nakalipas, isa pang Simon ang nagtakda at nagpatunay na higit kailanman, ang tao ang syang huhubog at gagawa ng mabuting paraan.

Sapagkat dilaw ang kulay ng kalayaan.

Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Nagsimula ang lahat noong nakaraang taon, sa isang pagpanaw at sa isang imbitasyong hamunin ang sistema. Walang ambisyon ang anak na mamuno, walang pangarap na maging pinakamakapangyarihan. Ngunit ang katotohanang ang kapangyarihan ay naghanap ng mabuting mga kamay, nakatagpo ito ng tahanan sa puso ng isang taong may mabuting paghubog at takot sa Dyos. Sa panahong ito, tao ang naghusga sa sarili nyang dumi at yumi, sa sarili nyang kinabukasan at kasaysayan at sa sarili nyang mga tuntunin at mga pangarap.

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

Ito ang pinagkaiba ng sa nobela at sa kasalukuyan. Ang nauna ay naghangad ng paghihiganti sa lahat ng kasawiang nangyari, sa lahat ng paghahamak at sa lahat ng pagmamaliit. Ang huli ay mapangarapin, puno ng pag-asang hindi lahat ay tulog sa gabi ng ating mga ninuno, at na ang pagbangon ay makakamit sa unang hakbang; sa pagpili ng mga tamang mamumuno, at ang bawat humahamak at nandaya ay dapat bigyan ng hustisya. Kung meron mang bayaning dapat bigyan ng parangal, ito ay ang mga may malaking pangako sa bayang takot lang nila na baliin. Panahon lang ang makapaghuhusga't makapagsasabi.

Sapagkat sa huli't huli ang tanging mahalaga ay ang pagkadakila ng isang layunin, ng isang pagpapasya.
'To live without faith, without a patrimony to defend, without a steady struggle for truth, is not living, but merely existing.' - Pier Giorgio Frasseti


This is why I am ending the silence. Kaya nga ba ayoko talagang nanonood ng local television. Hina-highblood ako.

--------------------------------------------

Halong tawa at inis ang naramdaman ko ng makita ko ang balita tungkol sa pagkaka-appoint ng manikurista ni GMA bilang member ng board of trustee ng PAG-IBIG Fund. May katwiran na pasok ang nasabing manikurista sa mga simpleng kwalipikasyon ng pagiging board of trustee ngunit hindi ko rin mahanapan ng dahilan kung bakit sa lahat ng higit na may maaring matutulong sa naturang ahensya eh isang myembro ng presidential household ang mailuluklok. Ano na naman bang pumasok sa isip ni Gloria? Bumaba tuloy ang tingin ko (at alam ko pati ang marami sa atin) sa pamantayan at kapangyarihan ng PAG-IBIG. Jusme. Sumasakit ang migraine ko.

--------------------------------------------




Sa dokumentaryo ni Kara David na Paraisong Uhaw, ipinakita ang kahabag-habag ng kalagayan ng mga mamayanan sa isang bayan sa Leyte tuwing tag-tuyot. Imagine sa isandaang pamilya, wala pang dalawampu ang may balon. Hindi ka pa makakasiguro kung ilan sa mga balon na iyo ang may tubig na maiinom o di kaya'y maski malinaw dahil marami sa mga ito ay maputik, mabaho at madals, tuyot na. Naawa ako sa statement ni barangay captain na inabot sya ng syam syam upang i-lobby ang halagang ten thousand pesos upang ipang-pagawa ng sementadong balon. Naisip-isip ko, ten tawsan pesos pahirapan pang maibigay ng pamahalaan? Bwiset. Gusto kong mahabag sa mga batang himbis na maglaro ay sapilitang maghahanap ng bukal at maghuhukay. Anak ng jingle ni Manny Villar.


Isa pang dokumentaryong napanood ko ay ang Batang Bubog ni Rhea Santos. Tameme ako sa wish ng batang buong araw na naghahalukay ng basura para makahanap ng bubog; ang makabili ng tsinelas para hindi sya mabubog. Magkano ang tsinelas? 35 pesos. Nayayamot ako. Sa halagang 35 pesos ay susuong ang batang yun sa disgrasya. Anak ng patetik siopao.

--------------------------------------------

At sinong pumayag sa mga Ampatuan na mag-presscon? Ano sila, Malakanyang? Anak ng butete, nakakayamot pa ang iladlad nya ang listahan ng susuportahan nilang mga kandidato. As if makakatulong ang pagpapakita ng suporta para tumabla ang kaso nila. Ghaaad. Grabe ang black propaganda. Nakakaawa ang kalagayan ng Pilipinas kapag napawalang sala ang mga pumatay. Saludo ako kay Atty. Harry Roque. (:

--------------------------------------------
Hmmkei, wala talaga akong masabe. Letse.

Dalawampu't anim na araw mula ngayon.

These are desperate times, indeed, and as in the magical realm of the Boy Who Lived that was threatened to be ruled over by He-Who-Must-Not-Be-Named and his minion of Death Eaters, we need to rally over one hero to fight the tyranny of corruption and moral degradation spawned by the wicked bitch of Third World hell. It is high time for good to triumph over evil and I'm not even speaking about a celebrated young adult novel's plot. [...] Those who are most qualified to hold power are those who least want the power. - Lio



--------------------------------------------------

post script:

'Difficult times lie ahead.'

Napagpasyahan kong lumiban muna sa responsibilidad kong magblog pansamatala bilang pagpapa-alala ko sa sarili kong marami akong tanong at planong kailangang hanapan ng solusyon at pagtuunan ng atensyon. Isisi nyo na lang paghimpil ko sa katahimikan sa muling pagtakbo ni Erap at sa nakaka-LSS na ponyetang jingle ni Manny Villar.

Sabihin na lang nating gusto kong maging mas close kami ng sarili ko. Kailangan ko kasing i-tune up ang sarili ko sa mga bagay na nagaganap at maari pang maganap sa kinabukasan. Sabog sabog na kasi ang prinsipyo ko kaya lahat ng aksyon ko, kung hindi natatagalan, laging mali.

Wala sa pagmamayabang ngunit alam ko, maayos ko din ang sarili ko ng hindi naiistorbo ang ibang tao katulad ng mga nagbabasa dito. Ayoko na kasing ipaalam sa iba ang mahahabang kabanata ng aking pagsasarili. The introvert in me acts on impulse. Please do not get me wrong. I am not lost. It could be days, weeks, months or seasons I don't know. One thing is for sure: this phase is ephemeral.

I still be reading your blogs, they keep me sane. Sa mga iilang bagay na binibigyan ko ng pagpapahalaga, ang pagbabasa ng first love ko.

So there, hayaan nyo muna akong maglakbay mag-isa. Hanggang sa susunod na pagkikita, hanggang dito na lang muna at maraming salamat!


+AMDG

Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.
Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.

Murderers. May you live forever. May you never rest in peace.


Headlines.

Minsan lang ako manood ng local news. Jusme, akala ko nanonood ako ng Bubble gang.

Magpapalabas daw ng milyong pondo ang DOH at World Bank para sa pag-aangkat ng condom (na iba iba ang flavor. yay!) para maiwasan daw ang pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa. Sabi nila, mataas ang rate ng kaso ng sakit na ito sa industriya ng mga puta sa telepono na kinabibilangan ko. Kung iisipin, ang industriyang ito ang isa sa mga industriyang malaki magpasahod. Ang naiisip ko lang na hindi naman sa pagmamayabang, makakabili ang isang tipikal na call center agent ng kahit ilang pirasong condom kung gugustuhin nya talagang maka-iwas. Hindi kailangang mamigay ng DOH ng imported condoms katulad ng sa mga free taste samplers sa supermarket. Maliban sa mga mahilig mang-trip at mga walang magawa, hindi magiging epektibo ang pamimigay dahil una, hindi cute tignan ang humingi nito sa mga health center (manong: dok, pahingi po ng condom, double dutch flavor. magseseks kami mamya ng gelpren ko); pangalawa, ang condom ay hindi katulad ng campaign flyers na pwedeng ipamigay sa mga sidewalk ng EDSA.

Maski tradisyunal ang pananaw ng Simbahan tungkol sa Reproductive Health Bill, masasabi kong may katwiran ang pagtutol nito sa mga balak ng pamahalaan. Kung maituturo ng wasto sa mga mamayanan ang responsibilidad hinggil sa pakikipagtalik at pagpapamilya, malaki ang posibilidad na maiwasan ito. 'What is important is the behavior change of the people that they become responsible in their sexual life.' sabi ni Bishap Pabilyo ng CBCP. Totoo, mas mainam na mamuhunan sa moralidad ng tao at hindi sa condom. Para na din kasi natin sinabing mas mainam na mag-angkat ng bigas sa Thailand (dahil mas masarap ito sa NFA rice) at hayaan na nakatiwangwang ang mga lupa sa tagtuyot kaysa gumawa ng epektibong patubigan upang maging handa ang mga magsasaka sa el ninyo. Prevention is better than cure ika nga ni Kuya Kim (kaya ugaliing uminom ng ampalaya plus!). Very true, teach a man wisdom and he will never be lost.

Maganda ang adhikain ng DOH na maiwasan ang pagkalat ng HIV/ AIDS. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit naka-focus ang programa sa condom. Mukang mapupunta na naman sa iilang tao ang pondo. Abangan ang susunod na kabanata.

Sumasakit ang migraine ko.

Ang mga bagay tulad ng maling pagkanta ng Lupang Hinirang, tamang kulay ng public urinals sa kalakhang Maynila at mga artistang nag-eendorse ng politiko ang inuuna ng pamahalaan na aksyunan kaya hanggang ngayon ang kaso ng mga magsasaka ng Sumilao, kaso ng mga pinatay ng mga Ampatuan, kaso ng Hello Garci tapes at Nicole rape case sa Subic ay nanatiling isinisigaw sa kalye't lansangan, pagal na hinihingan ng hustisya at nag-aabang na lamang sa susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, tahanan ng ating lahi at duyan ng magiting, ang ating lupang sinilangan.

Sabi ni Manny Pacquiao, suportahan daw natin kung sino man ang i-eendorso nya sa pagka-pangulo. Eh gago pala sya eh. Ano bang akala nya sa pagiging pangulo, magnulya melk drenk?

Napaka-kwela ng balita. Susme.


(the following are some of the actual photos sent in our internal email.)





Fifty-seven (according to the Armed Forces of the Philippines) were murdered last Monday. Thirty of them belonged to the media, 30 men and women whose presence in this benighted country has become the one assurance that the worst will not happen. No guns will be drawn while a camera rolls, but even that safety is gone. Not once in the history of journalism has carnage like this happened to so many. There are no more rules, no lines left to cross. The government would like to give Andal Jr. his dignity, they want to make sure he is treated fairly, they trip over their own tangled lies for his sake. And yet there was no dignity left in the men and women found bloated and half-naked in Sitio Masalay, stripped of notebook and camera and wallet, stripped of face and name, until some unfortunate daughter recognizes Papa’s shirt or Mama’s pants.



[...] This is what the men who fired those machine guns last Monday did not know: that there is no journalist today who will not stand for those who were lost. Remember what happened here, on a lonely hill in a quiet town, where a blue sky sweeps over sprawling green. Remember Ampatuan, and remember their names.
- Carnage, Patricia Evangelista (c)Philippine Daily Inquirer, 11/28/2009
Pagod sa pagpuputa at galing sa paglalakad sa bwakinang kay inet sa araw, binuksan ko ang telebisyon para makahanap naman ng konteng kaligayahan sa mundong paulit-ulit ang takbo.

Wala pa ring cable at internet sa nilubog naming barangay. Ang nakakapagtaka pa dito, tatlong bwan na ding di dumarating ang bill ng selpown ko. Jusko, subukan lang nilang pagsabay-sabayin ang dating ng bayarin, magbibigti ako. Isama mo pa dito ang pakulong Globe Tattoo internet na yan, mas mabilis pa ang dial up. Kaya laking pasalamat ko sa SM Marikina at sa Burger King, naiibsan ang stagnant kong buhay tuwing rest days.

So balik tayo sa kwento. Dahil walang cable, magtitiis ka talaga sa anim na channels na nasasagap ng TV. At dahil linggo, consuelo de bobo na ang manood ng mga concert tv. Ewan ko ba. Mas malinaw ang Dos ngayong araw na to. So wala akong magawa, nadatnan ko ang sarili kong nakatingin sa mahabang baba ni Ai Ai Delas Alas.

At poof. Dun nagsimula ang pagsakit ng sikmura ko.

May pamliyar na mukha na kumakanta. Medjo sablay at mababa ang boses, parang galing sa impyernong walang kasing lamig. Nagulantang ang buo kong pagkatao ng bumulaga sa akin ang muka ng dati kong Presidente- kumpleto sa porma, get-up at wristband. Hoodlum na hoodlum. Fresh na fresh. Parang walang nangyari.
.
Gusto kong pumatay este patayin ang TV. Basura na naman ang laman ng boobtube ng madla.
.
Hindi ko mapatay ang TV gawa ng nanood ang Lola kong pumipila sa takilya nung kadalagahan nya para manood ng mga action movies ng dati kong Presidente. Tyak na magagalit yun kapag nilipat ko. Idol nya si Mr. Ex-president. Gusto ko sanang bigyan ng leksyon ang lola ko tungkol sa Edsa Dos na nagpatalsik sa bata nya at nagluklok sa isang dyosa na walang alam kundi ang gawing pocket money ang buwis ng mga khowl zehner agents na nakikipagpatintero sa gabi. At dahil sa pagod na din, hindi na ko nakatayo para maglaslas sa kusina. Dalawang minuto akong tortured kakatawa.
.

Tumatawa sa ka-ipokritohan ng media, ng showbiz at ng kamera. Napaka-ayronik ng mundo. Ang magnanakaw nakakagawa ng pelikula kung san isa syang huwarang OFW tatay habang ang sinungaling na nagpalaya sa kanya eh nagluluxury dinner sa Manhattan kasama ng mga askal nyang tuta. Di ko alam kung mayayamot ako sa walang humpay na kalokohan na nakikita ko. Pero dalawang bagay lang ang alam kong sure na sure na mangyayari. Una, pipilahan ng masa ang come back movie ni Erap para sa mahirap (watda? hmmkei.) dahil kelangan nilang matawa at pangalawa, mababaon na naman sa limot ang resibo ng kinain ni Gloria. Dito ako naguguluhan sa mga Pinoy- kaya nating tawanan ang problema delubyong mala-armageddon man ito o pambansang panggagahasa.

Natural na sa atin ang baha at landslides sa parehong paraan na normal na satin ang tungkol sa mga korap at mandaraya. Nagagawa pa nating kumaway sa kamera pagkatapos ng unos sa parehong paraan na wala tayong pakielam kung totoo nga bang marunong mag-multiply ng boto si Garci. Kung pagbabasihan ang kasabihang ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw, isang malaking angkan ng magkakamag-anak ang pamahalaan at lipunan. Ito ang kultura ni Juan. Mapagtimpi. Marunong magtago ng sikreto. Mahinahon. Tamad.

Natapos ang kanta ni Erap pero di pa sya abswelto sa atraso nya sa atin. Kung ako ang tatanungin, bukod sa Simbahan at Estado na di dapat pagsamahin, idagdag sana nila ng showbiz pa sumaya naman ang mundo ng telebisyon. Mas marami pa sana tayong oras para sa panood ke Darnang paiba-iba ng artistang gumaganap at sa PBBng wala namang naituturong maganda bukod sa sumunod ka ke Kuya kung hindi eh vote out ka.


Uso na naman ang Erap jokes na nagpapadagdag sa sakit ng migraine ko. Pero naniniwala ako kay de Quiros;
.
May araw din tayo.

"Some lives are like that. They do not die. They do not die in ways that go beyond their thoughts continuing to influence people, their example continuing to inspire people, their memory continuing to cling to the minds of kin and friends. They do not die in ways not unlike those who are visited daily in their resting places by those who loved them indelibly deeply, who are kept company, who are caressed with words. They do not die because they remain a throbbing reality. They do not die because the detonation of the gigantic solidity of their lives scatters their atoms into the interstices of space, filling it, suffusing it, making themselves part of it. They do not die because they are, in every sense, still there."


- Conrado de Quiros, By way of Goodbye
Philippine Daily Inquirer 08/06/2009

+++


This is what a hero is – the man, or woman, who is confronted by the choice to do right, and who chooses it, not because of convenience, or power, or vengeance, but because it is right. People did not fill the streets of Edsa with bodies willing to die simply because they hated Marcos. They did because they believed in a woman who stepped forward when she was called, whose very ordinariness made her choice so much more.

Land of the morning, pearl of the east, cradle of the brave. The brave wore yellow in my imagination, yellow dresses and big glasses and had slim white hands. She loomed over my dreams long after Rainbow Brite ran out of magic stars, long after Prince Charming fell off his charger and Arthur stopped being the once and future king. It had all the flavor of magic—the ruthless enemy, the fate of the nation, the bold hero, the pure, white-flamed heroine, and most importantly, the necessary end: good triumphing over evil. And because it was real, it was possible.
Cory Aquino may be dead, but because she lived, I can write this today and believe that even if the dragons are still everywhere, the last dragon slayer is not dead.


-Patricia Evangelista, After Cory
Philippine Daily Inquirer 08/02/2009

-And when I have done all that I could,
Yet there are hearts I cannot move.
Lord give me hope.
That I maybe Your heart today.
(Your Heart Today, Himig Heswita)

Kudos. Addio.
Hindi ko na kailangang magpaliwanag tungkol sa pamagat. Sumasakit lang talaga ang mata ko kapag nakikita ko kung gaano kababaw ang media at showbiz ngayon pagdating sa kung sino ang pasisikatin. Malinaw, nabibili talaga ang entablado.

Hindi na rin kailangang magkwento pa ng mahaba tungkol sa kanya. Hindi naman madadagdagan ang buhay nya kung mag-aalay ako ng kakarampot ng mga salita sa blog na to. Ngunit katulad ng mga isinigaw ng mga naka-dilaw, Cory, di ka nag-iisa.

Hindi ko talaga kailangang magkwento pa. Nakikita nyo naman. Ang telebisyon, unti-unti nang nagiging sabungan ang mga politiko. At walang kang pakielam. Dahil ang tanging nasa-isip mo ay kung kailan lalabas ang pelikula ni Aling Dionesia.

Sumasakit ang migraine ko.

Magrereport ka mamaya sa bayang siyam na taon mo nang pinanglilingkuran. At kung ano mang uri ng paglilingkod ang ginagawa mo, hindi ko mapagtatanto. Magsasalita ka tulad ng ginagawa mo tuwing Hulyo sa kuta ng mga lobo at buwaya. At mula doon, manonood na naman ang buong bayan ng isang masayang palabas na pang-perya. Kundi mo man alam, ang tanging inaabangan ng madla ay kung ano ang suot mo at ang mga bilang ng palakpak, hindi ang mga mahahabang pangungusap na isang taon mo inensayong bigkasin.

Mag-uulat ka ulit tungkol sa mga bagong kalsada, sa mga bagong gusaling pampaaralan at mga kulay pink na tulay. Magbabanggit ka malamang ulit ng mga pangalan ng mga mukhang ngayon lang makikita. Maririnig ulit namin ang mga salitang GDP, GNP, stock, purchasing power, global market, America at OFWs. At malamang sa malamang, may mga madadagdag sa speech mo tulad ng automated election, contitutional change at call center. Kung sino man ang writer ng speech mo, magaling syang magmanipula ng ating lenggwahe.

Inaabangan ng lahat ang talumpati mo para sa ibat-ibang dahilan. Reporters, kritiko, snatchers, artista, producers, kandidato, aktibista, estudyante, suicide bombers, terorista. Bukod sa mga taga-nayon na pinangakuan mo ng linya ng kuryente, ang tanging grupo ng mga tao na hindi makakarinig sa sasabihin mo ay ang mga putang pagod at paos sa pagsasalita sa telepono.

Ito ang tanging pagkakataon na maririnig ka namin tungkol sa mga ginawa mo pagkatapos ng isang taon. Ang nakakayamot nga lang, walang question and answer part after the speech. Pili din ang mga pwedeng makapasok. Kung anong sinasabi mo, wala kaming paraan para mag-tanong.

Nasaan na ang bangkang papel? Hanggang kelan tayo mag-aangkat ng bigas at asukal? Nasaan na si Garci? Ilan lang ba dapat ang bata sa isang silid-aralan? Napirmahan mo na ba ang magpapababa ng presyo ng gamot? Hanggang kelan ka may malalaking tarpaulin kasama ang kung sinong mga politiko kapag may inaayos na kalsada? Mangungutang ba ulit tayo? Bakit mas mahal ang isda kesa baboy? Nasa China ba si Abalos? Tumataya ka ba sa jueteng? Masarap ba ang noodles na binibigay ng DepEd? Nakotongan ka na ba ng mga pulis sa Pasig? Bakit masungit ang mga empleyado ng PAG-IBIG? Mamimigay ka ba ulit ng kalendaryong may malaki mong piktyur sa bagong taon?

Alam ko. Masyadong malaki ang Pilipinas para buhatin mag-isa. Kaya nga maraming nurse at teachers na pumupunta sa ibang bansa.

Tungkol saan nga ba ang lahat? Para saan ba ang lahat? Para mamaya? Eh anong meron bukas?

Teka, anong oras ka nga ba magsasalita?