Showing posts with label diliman diliman. Show all posts
Showing posts with label diliman diliman. Show all posts



Hi, Sam. Tanda mo ang ilang Pasko at Bagong Taon na pare-parehas tayong ulila sa Katipunan? Mga panahong idolo kita dahil parang alam na alam mo na ang life project mo. Ang husay mo, yung tipong lowkey pero kapag nagkwentuhan na, pucha mapa-Hogwarts man yan or Economics eh napapanganga ako. Sagrado man o karnal, malaliman o mababaw na usapan, kaibig-ibig ka lagi pakinggan. At marunong ka rin makinig gamit ang puso mo.

Sa lipunang maari kang maging kahit sino, pinili mo ang maging guro. Kasi sabi mo, sino ang hahamon sa mga susunod na henerasyon na magmahal at magsuri? Kaya nagturo ka sa Pisay.
Pagpasok ko ng seminaryo, isa lang ang bilin mo: Pangatawanan mo yang hayop ka.; maging mabuti kang Father Elias. Naging mas madalang ang usap natin, nung birthday ko, ikaw ang humingi ng pabor - panalangin. Ambilis, dati covid covid lang usapan natin ngayon, Stage 3 agad. Napakadaya, ang tapang mo.
Umiinom ng gawa mong lemonda, sa pagitan ng mga upos ng sigarilyo, habang matingkad ang kulay ng langit sa balkonahe mo. "Elias, paano ba mag-start ng devotion?" Dun ko naramdaman na dinadala ka ng tapang mo palapit sa Diyos. Sa totoo naman, hindi ka lumayo kahit kaylanman. Minsan, walang pangalan ang Diyos sayo. Madalas, sigurado kang sya ang tumawag at umiibig sayo.
Kaya pala nitong mga nakaraang mga araw, bukambibig ko ang kantang "Stay With Me, Lord" eh hindi naman ako deboto ni Padre Pio. With matching teary eyes pa minsan kapag kinakanta ko habang naka-upo sa inodoro. Paulit-ulit, ilang araw na ganun. Sabi ng kanta:
Stay with me Lord, that I may never forget you.
Stay with me Lord, because I'm weak.
Yun pala ang mga araw na hinang-hina ka na. Hindi ko man lingid noon, naiintindihan ko ngayon na hinehele ka ng mga panalangin ko kasi hindi biro ang kirot ng sanlibong karayom. Bisperas ng pista ni Padre Pio, sinundo ka nya pabalik sa Bathala ng mga bahaghari, ng mga bituin, ng mga kalupaan, ang ng lahat ng mga nasa pagitan. Salamat naman, tapos na ang mga pasakit.
Pahapon na ngayon, katulad noong huli nating pagkikita. Salamat sa kakaibang pagkakaibigang nabuo sa Katipunan. Hindi mo man akalain, kasama ka sa mga humubog sa akin. Natuto akong umibig nang lubos at maglaan ng buhay sa makabuluhang bokasyon.
Samahan ka nawa ng mga pusa sa langit. Isang mataas na pagpupugay sa'yo.



I am a huge fan of the musical Les Miserables. When I was in elementary, I read a short version of the novel written by Victor Hugo and a full version in college and I quite enjoyed it, but it was the musical that made me fall in love with the story. I consider Les Miserables an epic, spanning decades and interweaving dozens of plots to point towards the narrative of Jean Valjean, the man who spent years in prison for stealing food. He could have been jailed for a short while, but he frequently attempted to escape thus his sentence prolonged. When he finally got his parole and desperate to start his life again, he resorted to stealing silver candlesticks from a bishop, the only person who looked on him and treated him like a normal person.

 

I cannot help but remember the story of Jean Valjean during the discussion of the philosophy of encounter of Emmanuel Levinas. Going above ethical principles, Levinas worked out his ideas of relationship and personhood based on encounters with other people. For Levinas, encountering another person places him to a spontaneous act of responsibility. In fact, he argued that it is the encounter with other people that marks the start of true ethics. In ways grand and minute, I agree with Levinas on this based on an observation and personal experience of treating people differently depending on many factors. For example, there were times when several people will ask to borrow something from me, but I respond differently to each depending on how close they to me are, their credibility, and many other factors. But regardless, the situation compelled me to act and, in the process, challenged my convictions and values.

 

Here, Levinas challenged us to look into the face of the Other to genuinely engage with them, to make a response. And regardless of what the response will be, it is an evidence that we are obligated in some way and some form towards the other.

 

Going back, I relate this encounter with the face to the story of the bishop and Jean Valjean. Too many a time, Jean Valjean was looked down by the society. An ex-convict seemed to have no place in the French society. Yet here is an old and wise man who showed Jean Valjean that since they have encountered each other, he is responsible for Valjean’s soul. In simple gestures and very few words, the bishop showed Valjean that he is a good man despite all the negative things that others told him otherwise. The kindness of the bishop was the impetus for Valjean to live an honest life, carrying with him the silver candlesticks across time as a visible reminder of his duty towards others. Thus, circling back to what ethics is – the quest for the good for the other.

 

What do we owe to each other? In my life, I have always striven to insist that I should treat everyone the same with equal dignity and respect. While I only learned much of it from things I read and from observing others, I can say that I am (more or less) consistent in applying good behavior towards others. For example, I make sure to call waiters and salesladies by their names as a sign that he or she matters to me and just some transactional entity. In a world that is cruel and relationships are reduced to give and take, the least that I can do is to be kind.

 

I think perhaps this is the reason why God became man just like us. He wanted to encounter us in the level that is very humane and very ordinary so that each encounter with another person will have depth and holiness. Our God is a god of encounters. What you do to the least of your brethren, you do to Me. In this season of advent, I am challenged to make more genuine encounters by looking at the face of the others and choose to act in love and compassion. Any philosophizing will not matter if it does not make my heart grow fonder.


What bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things?

4 Days is a story somewhere between nearness and longing, of wanting, and the distance between two beds. It follows Derek and Mark in hallways, empty benches, and steps all too familiar for anyone who has found wisdom and love in UP Diliman. Wait, I found wisdom and love in Diliman. The difference is that the love I found there, I lost there too.

And what about compromise? What does compromise play in the process of becoming our more genuine selves? Is there really a right time to become more true to ourselves, to others? The first letter of Saint Paul to Corinthians tells that love is patient, that love is kind. But if you were Mark, what would you do?

The film will make your heart bleed at first then at the end, hope waits. To all those who lost their great love or would-have-been-their-great-love because of their non-negotiables, watch this film. It teaches a thing or two.
I am writing this in my best friend’s sala. While watching her sleep after a discussion about love coming and going, I thought of how faithfully you guarded my house from those brain-eating freaks yesterday afternoon. While discussing which plants to defend my backyard, I started to feel that in ways more than one, good things come to those who wait.

You called it oxygen when you willingly accompanied me to smoke outside Ateneo’s theater. I didn’t have a stick to light. You were amazed how I got a stick from and a lighter from a stranger. I was amazed that you actually brought a black jacket accidentally, surprised as if you really planned to watch a stage play that night. In ways more than one, good things come to those who wait.

I was expecting a busy Saturday running from home to Diliman to Makati to Katipunan. Then when you laughed hard to the fact that I just started beating zombies, I got the feeling that this day shall be spent planting cherry bombs and a good friendship.

Next thing I knew? I did not run from anywhere, the moon is showing up in the sky and all was well.
Alam mo nung umaga na pumunta ako ng Vito Cruz para mag-lunch kasama mo kasi sabi mo vacant mo ng 9:20 - 11:30 AM, todo effort akong gumising umaga. Dapat alas dyes ako gigising dahil alas onse ang oral exams ko kaso dahil sabi mo libre ka at pwede naman akong mag-extra mile sa relasyong ito eh gumising ako ng alas otso. Alas dos ng madaling araw ako nakauwi sa bahay galing ng opisina nung araw na yun. Spell effort talaga diba?

At nung dumating ako ng before ten na naka-polo with chinese collar sa Mcdo sa harap ng CSB, akala ko nandun ka na. Tama, blue ang checkered polo ko and naka-black pants with black shoes ako sapagkat oral prelims ko sa epistemology. Huli ko na nalaman na 10:30 pala ang tapos ng klase mo. Pero dahil mahal kita, naghintay ako sa Mcdo at nagreview ng mga questions na pwedeng itanong sakin ng prof kong sira-ulo. Imagine andaming batang taga-la salle sa paligid. Di ako makapagconcentrate. Tumunog ang cellphone ko at tinatanong mo kung nasan ako naka-upo dahil di mo ko makita. Heller, nasa likod mo lang kaya ako.

Tinanong kita kung anong kakainin natin. Sabi mo kumain ka na. Okay, so anong oorderin mo? Gusto nya daw ng pink McFlurry at pink McFloat. Kaya umorder ako ng pink McFlurry at pink na McFloat. Dahil di pa ko nag-aalmusal, umorder ako ng cheeseburger meal. Pagdating sa upuan, bigla mong inannounce na kailangan mong bumalik sa press room kagad sabay abot sakin ng dalawang issue ng pahayagang la sallista. Gusto kong kumunot ang ulo pero dahil mahal nga kita, tinanong na lang kita kung nasan sa magazine na yun ang likha nya. Infairness, okay sa olrayt ang drawing mo ng icon ng UE Red Warrior. Ikaw lang ang nagdrawing na anime inspired.

Umikot ang usapan natin sa pagdodrowing mo para sa pahayagang plaridel at kung paano kayo nahihirapan sa pagpoprodyus ng isyu dalawang beses isang buwan dahil sa paglalapat ng lay-out. Naishare ko lang naman sayo na ang Kule ay lingguhan kung maglathala at ang pinaka mahirap na parte siguro ng pagpoprodus ng isyu ay kung paano hahanap ng pambayad sa publishing house. Di ko maakila na maganda ang papel at kulay ng plaridel. Di din naman ako nagmamayabang na wala sa kalingkingan ng Kule and pahayagang plaridel pagdating sa laman at kalidad ng editoryal. Totoo yun. Buti di ka na umangal at inaway ako.

Labing walong minuto lang ata tayong nagkaharap habang kumakain pagkatapos ng isang buwan nating di pagkikita. Papasama pa sana ako sa'yo bumili ng regalo sa MOA kasi alam kong freetime mo kaso di ako pwedeng humarang sa tawag ng pamamahayag. Eh nagmamadali ka kaya. Sa labing walong minutong yun, nakabaling lang sayo ang paningin ko maski umuulan ng maaamong mukha at singkit na mga mata sa paligid. Para akong scanner slash xerox machine sa pagtanda ng itsura mo at kung pano lumubog ang pimpols mo sa lalim ng pamatay mong dimpols. At nung saktong tapos mo nang nguyain ang huling piraso ng french fries, niyaya mo na kong lumabas at kailangan mo nang bumalik. Hinatid kita sa gate ng pamantasan mo, nangakong magpapakabait at dumiretso sa istasyon ng tren upang bumalik sa diliman. Saka lang bumalik sa isip ko na may exams nga pala ako.

At ngayon naman dahil prelims mo, di ka naman nagpaparamdam. Kapag nagtatanong ako, madalang pa sa regla ng bakla ka magreply. Ako naman ang sinusungitan mo. Ano ba to, karma? Sumasakit migraine ko.

Gusto kong sumigaw o kaya magtampo sayo pero di ko magawa. Gusto kong sabihin sa'yong yamot ako na mas matagal pa ang byahe ko kesa sa pagkikita natin. Gusto kong magreklamo kung bakit kapag may investigation ka sa akin eh nagrereply kagad ako pero kapag ako naman ang nagtanong eh walang napupuntahan ang tanong ko. Alam mo kung baket di ko magawang magreklamo at magdemanda sa barangay? Di ko ma-explain pero alam ko kung bakit. Ewan. Sarap mong lasunin.... sa pang-unawa.

Sa dinami-dami ng kailangang isipin araw-araw, dumagdag ka pa. Pero sa lahat ng problemang nakalista sa notebook ko, ikaw ang masarap hanapan ng tamang sagot, kasama ang formula at solution equation.


Ilang beses na naming inikot ang Academic Oval ng pamantasan. Naituro ko na ata sa kanya ang lahat ng mga bagay na only in UP na alam ko. Kumain ng isaw, kumain ng pancit canton meals, magsosyalan sa Vargas museum cafe, mamili ng maroon baller sa SC, tumambay sa AS steps, umupo sa sakto pwet benches sa Sunken Garden. Literal na pinalipas namin ang hapon at gabi na nag-uusap tungkol sa maraming bagay liban sa pag-ibig. Yun kasi ang dahilan kung bakit kami nagkita.

Pagbabalik at pagsisimulang mag-muli. Ito ang aking pagyakap sa langit.

Maraming naging dahilan kung bakit inabot ng halos isang taon ang pagtigil ko sa pag-aaral pero hindi yun naging hadlang para matutunan ko ang mga prinsipyo at aral ng buhay. Sabi nga ng isang manunulat, lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Sa maraming araw na ang tanging dahilan ng pagbangon ko ay ang pumasok sa opisinang sinusustentuhan ang mga pangangailangang hindi maubos-ubos, sa mga panahong kailangan kong isakripisyo ang pagpapahinga at pagtulog para sa mga isinumpang tungkulin bilang youth leader sa simbahan, sa mga minutong pinapalipas ko sa ilang stik ng yosi hanggang sa mga pagkakataong tanging mga bote ng alak ang nakakaintindi sa aking mga katahimikan. Namarkahan na nga akong nagsayang ng panahon ng marami. Kibit balikat. Walang dapat magsabi kung ano ang dapat at di dapat sa pagkakaroon ng mabuting pamumuhay dahil nauubos man ay hindi naman talaga nasasayang ang oras. Hindi ako nanghihinayang sa mga panahong wala ako sa skwela. Marami akong natutunan sa buhay.

Hindi ko kaylanman tinanong ang sarili ko kung handa na ba talaga akong bumaik sa pamantasan sa kabila ng mga responsibilidad ko bilang isang kuya pero ito ako, ang parehong estudyante sa ilalim ng panibagong student number. Palihim ang mga hakbang ko upang makapag-apply muli liban sa iilang taong lubos ang pagtitiwala ko. Madalas kasi, ang mga planong na binobroadcast ko ay hindi nasasakatuparan. Ito yata ang pinakawirdong aral na natutunan ko, ang matutunang isorpresa ang sarili.

Malaking gulo ang pinasok ko sa muling pag-aaral sa pamantasan. Ang pagganap ko ng tungkulin bilang pangalawang ama, uring manggagawa, estudyante ang mga bagay na haharapin ko sa mga susunod na panahon. Maiintindihan naman siguro ng Dyos ang dahilan kung bakit ko bibitawan ang Youth Ministry. Sa maraming bolang binabalanse ko sa ere, ang tanggapin ang katotohanang hindi ko kayang pagsabayin ang lahat ay isang hamon. Maiintindihan ako ng Dyos sa mga desisyon ko at kung magkamali man ako ng hakbang ay malaki ang pag-asa kong patatawarin nya ako. Trabaho nyang patawarin ako. Tayo.

Kahapon ay hinain ko na ang sapilitang resignation letter sa opisina ng parokya. Sulat kamay at walang porma, iniwan ko ang sulat sa palatanong na sekretarya upang maging huling palatandaan ng aking pagiging leader kabataan. Mamamaalam na din ako sa mga myembro't kaibigan. Sinimulan ko na ding asikasuhin ang maraming shit sa proseso ng enrollment. Pala-isipan pa rin kung paano ko maiipon ang halaga ng tuition. Gam zeh yaavor. These too shall pass.


Sa seminaryo ko unang nalaman ang kahibangan ng pag-iwan sa mga bagay na itinuturing kong mahalaga upang magbigay daan sa pagtanggap ng iilang bagay na mas mahalaga. Ito rin ang aral ng mga manlalakbay, hindi mo dapat dalhin ang laman ng buong bahay sa daan. Ito din ang natutunan ko sa mga mga dormistang nakilala ko sa Espanya. Dahil sa daan natin makikita ang mga kailangan natin at sa daan din iiwan ang mga ginamit. Pagkat lahat ay uuwi at uuwi ring walang pasalubong na peanut brittle o walis tambo maliban sa mayamang karanasan at aral. Ang oras ay nauubos pero katulad ng system loss shit ng meralco, binabayaran mo pa din ito. Kaya talo ang hindi matututo.

So babalik na nga ako sa pag-aaral.

Malaking hamon ang pag-aaral sa diliman kasabay ang pressure sa trabaho sa putahan. Idagdag pa dito ang pagbabalik ko sa bahay dahil ang tatay ko ay magnenegosyo sa Subic at si ate ay babalik sa kanyang trabaho sa isang duty free sa dating base militar. Ito na siguro ang simula ng ultimate challenge ko. Jusme.

Student 2010-81321, baon sa utang, bagong gupit at malapit na magdisi-nwebe sa ilang araw. Ganito ko sasalubungin ang bagong kabanata ng buhay ko. Malaki ang tiwala ko sa sarili. Naniniwala akong ngingiti din ang araw sa bayan ko.

Hehe. Sulong.


+AMDG


photo from here.