Showing posts with label ranting ranting ranting. Show all posts
Showing posts with label ranting ranting ranting. Show all posts


A large part of the priestly formation is the study of philosophy. Philosophy, as a discipline, is the fundamental preparation for studying theology. I'd like to believe that the level of philosophical understanding acquired by a seminarian has very significant impact on how he will deal and survive theology since philosophy exercises rational rigor and coherence which are very crucial when one begins to study divine revelations and Church teachings.

Last semester I was juggling nine units of philosophy (Metaphysics, Special Ethics, History of Modern Philosophy) along with Latin grammar and general education and research courses. While I admit that it is no easy task to teach and understand the subjects, I think I fared well. And this semester, I am taking another nine units of philosophy subjects (Epistemology, Augustinology, and History of Medieval Philosophy) along with yet another bout of Latin grammar and teaching courses.

But something worries me since the the first time I went to class: our religious formators' (priest and brother professors) pedagogy.

Not that I am concluding that I find their instruction of no worth. In fact, there are rare moments when I could say some of them really know their subjects well and there is no doubt about that (generally). My fear is that our learning is sub-optimal because their teaching method and how they manage the courses are sub-optimal too. I came to the seminary expecting a rigorous philosophical training but I find my our formators too lax and lazy. One particular priest-professor does not even prepare a course syllabus or guideline, something that is both basic and essential for any course. He's not very old but he gets away with reasons that such things are not necessary. His classroom management is totally obscure and is largely dependent to his mood. Blocking almost anything "modern" as development being introduced in our formation, he likes to say that the seminary has survived all these years without these "new stuff". And until now, like most of our religious formators, he has not yet submitted our grades from the last semester, given that their responsibilities are comparatively light. They have no additional task other than seminary responsibilities. I wonder what consumes their time which prevent them from preparing for class and computing grades.

They like saying along the lines such as "Read and study by yourself. That's the only way you will learn. Do not depend on me to learn. You cannot question my authority on this subject. If you do not understand, it's not my problem anymore. Everything has a connection, so me telling you about a totally unrelated stuff which came across my mind is still considered part of the class' lesson. The book's example is no better than what I said, so take my word instead of the book. You are asking a question out of your ignorance." Most of us do not understand, or understand only a point or two, after each lesson. Yet in the history of the seminary, very few would flunk their subjects.

Seminarians would advice the new ones with survival guides. "If you want a smooth semester and pass the evaluation, don't ask questions. Always affirm. If they mock you or belittle you, take it all, that's humility. Read in advance and try to absorb as much as you can. No one has ever said the right answer in his class. Never question their authority on the subject even if the error is glaring at your face."

It's as if we are only being taught to get by.

While everything seems bleak at this angle, I enjoy other classes whose professors give their best to the call of teaching. Such are Miss Carbonel of my psychology class and Fr. Almayo of metaphysics.

And I enjoy my prayer and community life too. Though there are some minor aspects I would like to address as well like the lack of spiritual direction.

Some seminarians think I am just an unruly and "unformable" neophyte who compares things to the "outside world", I am least worried about what they think. I was also branded as elitist. I have been very transparent with my observation and I do not hide it. But I take careful steps in expressing these.

While I worry for my own self, I am more worried for my brother seminarians. We come from different intellectual backgrounds some of us really are having a hard time catching up. And I could only do so much for them for I am only learning too. My greater worry is, with this kind of preparations we are receiving, what kind of priests and brothers will we be in the future?

It is said that philosophy is the handmaiden of theology. It is worrisome to demand so much from learning? 
Can we really bear more than what we think can handle? He always thought he can handle it all. All sadness, all responsibilities, all troubles, all mishaps, all failures. Then when all seemed too heavy to handle, he brokedown. He realized how small he is, how jaded he is all through out. Was he wrong when he chose to make people think he is the happy person? Was he wrong when he took all worries to himself and never bothered anyone to deal with it?

Even in a crowd of people who think shouting would make their conversation more important than the others, too alone he was. Too unoccupied. Too lost.

He cannot explain where his sudden sadness came from. He was too empty, too dry. He planned to cry that day but his eyes were an empty well. I haven't seen him cry real tears in years. Even in his most private moments, he cannot cry. For the first time, it shamed him not be able to cry.

He is better off dead. As in dead dead.

Then suddenly the ugly truth struck him like lightning. He felt too broken, too little, too human. I saw it, the most vulnerable him yesterday. I was with him at the tea shop when the barista asked for name to put on the cup, he asked her to spell Hope. For all the words in the dictionary, he picked hope. Pathetic. The barista knows his real name for he frequent the neighborhood tea shop yet she did not refuse. So she wrote hope on the cup and pour jasmine and milk.

She could have frown or laugh on writing Hope instead of Jayson. But she did it anyway. Not that she was obliged to. Maybe because she understood.

Returning home, he played the piano. The sad notes flew and travelled in the neighborhood and joined the fog that breathes on wall glass. When will someone for once stop whatever he is saying and listen to him? He was tired of listening. It was too
tiring to listen everytime.

He slept that night dreamless. Maybe dream is only for the just.


Rails screeching
I am going home.

Silence defeaning
this is home.


When I remember you
and or the absence of you,
I sometimes think

If red really means stop
or go.

It is when you are free to smoke, to drink, because no one cares if you die. It is when you work because there are bills to pay and empty fridge to fill, metaphorically. It is when dreams are set aside, hopes lost and friends are nowhere near.


It is the thin line between crying and fretting, sitting on the edge of the third floor stairway, imagining things that could have been.


Why this hallowness? Why this sudden turn of events? Why this me?


Time is really a curious thing.


Seriously, I want a cup of coffee.
'To live without faith, without a patrimony to defend, without a steady struggle for truth, is not living, but merely existing.' - Pier Giorgio Frasseti


This is why I am ending the silence. Kaya nga ba ayoko talagang nanonood ng local television. Hina-highblood ako.

--------------------------------------------

Halong tawa at inis ang naramdaman ko ng makita ko ang balita tungkol sa pagkaka-appoint ng manikurista ni GMA bilang member ng board of trustee ng PAG-IBIG Fund. May katwiran na pasok ang nasabing manikurista sa mga simpleng kwalipikasyon ng pagiging board of trustee ngunit hindi ko rin mahanapan ng dahilan kung bakit sa lahat ng higit na may maaring matutulong sa naturang ahensya eh isang myembro ng presidential household ang mailuluklok. Ano na naman bang pumasok sa isip ni Gloria? Bumaba tuloy ang tingin ko (at alam ko pati ang marami sa atin) sa pamantayan at kapangyarihan ng PAG-IBIG. Jusme. Sumasakit ang migraine ko.

--------------------------------------------




Sa dokumentaryo ni Kara David na Paraisong Uhaw, ipinakita ang kahabag-habag ng kalagayan ng mga mamayanan sa isang bayan sa Leyte tuwing tag-tuyot. Imagine sa isandaang pamilya, wala pang dalawampu ang may balon. Hindi ka pa makakasiguro kung ilan sa mga balon na iyo ang may tubig na maiinom o di kaya'y maski malinaw dahil marami sa mga ito ay maputik, mabaho at madals, tuyot na. Naawa ako sa statement ni barangay captain na inabot sya ng syam syam upang i-lobby ang halagang ten thousand pesos upang ipang-pagawa ng sementadong balon. Naisip-isip ko, ten tawsan pesos pahirapan pang maibigay ng pamahalaan? Bwiset. Gusto kong mahabag sa mga batang himbis na maglaro ay sapilitang maghahanap ng bukal at maghuhukay. Anak ng jingle ni Manny Villar.


Isa pang dokumentaryong napanood ko ay ang Batang Bubog ni Rhea Santos. Tameme ako sa wish ng batang buong araw na naghahalukay ng basura para makahanap ng bubog; ang makabili ng tsinelas para hindi sya mabubog. Magkano ang tsinelas? 35 pesos. Nayayamot ako. Sa halagang 35 pesos ay susuong ang batang yun sa disgrasya. Anak ng patetik siopao.

--------------------------------------------

At sinong pumayag sa mga Ampatuan na mag-presscon? Ano sila, Malakanyang? Anak ng butete, nakakayamot pa ang iladlad nya ang listahan ng susuportahan nilang mga kandidato. As if makakatulong ang pagpapakita ng suporta para tumabla ang kaso nila. Ghaaad. Grabe ang black propaganda. Nakakaawa ang kalagayan ng Pilipinas kapag napawalang sala ang mga pumatay. Saludo ako kay Atty. Harry Roque. (:

--------------------------------------------
Hmmkei, wala talaga akong masabe. Letse.
Alam mo yung pakiramdam na gusto mong magalit sa syota mong umutot kaso hindi mo magawa dahil pilit kang umuunawa? Eh yung pakiramdam ng nagpapawis ng malamig gawa ng natatae ka pero nasa jeep ka pa at malayo ka pa sa bahay mo?

Kung naransan mo na ang isa jan, alam mo ang nararamdaman ko ngayon.

Eto ang mahirap sa mga nagpapanggap na mga malalakas na tao. Kahit gusto mong lumayo muna sandali sa responsibilidad mo bilang superhero, wala kang paraan para tumakbo. Hindi mauubos ang nanghihingi ng saklolo. Kaya maski nauubos na ang bait mo sa katawan ay wala kang magawa, nakahon na kasi ang sarili mo sa pagiging martir na walang maliw.

Nagsasawa na kong umako ng lahat. Pero wala akong magawa.
Ayoko ng drumama. Hindi bagay sa akin. Hindi dapat sa akin.


Hmmkei. Smile. Di na ko ulit magsusulat ng ganto. Nayayamot lang ako.
Pagod sa pagpuputa at galing sa paglalakad sa bwakinang kay inet sa araw, binuksan ko ang telebisyon para makahanap naman ng konteng kaligayahan sa mundong paulit-ulit ang takbo.

Wala pa ring cable at internet sa nilubog naming barangay. Ang nakakapagtaka pa dito, tatlong bwan na ding di dumarating ang bill ng selpown ko. Jusko, subukan lang nilang pagsabay-sabayin ang dating ng bayarin, magbibigti ako. Isama mo pa dito ang pakulong Globe Tattoo internet na yan, mas mabilis pa ang dial up. Kaya laking pasalamat ko sa SM Marikina at sa Burger King, naiibsan ang stagnant kong buhay tuwing rest days.

So balik tayo sa kwento. Dahil walang cable, magtitiis ka talaga sa anim na channels na nasasagap ng TV. At dahil linggo, consuelo de bobo na ang manood ng mga concert tv. Ewan ko ba. Mas malinaw ang Dos ngayong araw na to. So wala akong magawa, nadatnan ko ang sarili kong nakatingin sa mahabang baba ni Ai Ai Delas Alas.

At poof. Dun nagsimula ang pagsakit ng sikmura ko.

May pamliyar na mukha na kumakanta. Medjo sablay at mababa ang boses, parang galing sa impyernong walang kasing lamig. Nagulantang ang buo kong pagkatao ng bumulaga sa akin ang muka ng dati kong Presidente- kumpleto sa porma, get-up at wristband. Hoodlum na hoodlum. Fresh na fresh. Parang walang nangyari.
.
Gusto kong pumatay este patayin ang TV. Basura na naman ang laman ng boobtube ng madla.
.
Hindi ko mapatay ang TV gawa ng nanood ang Lola kong pumipila sa takilya nung kadalagahan nya para manood ng mga action movies ng dati kong Presidente. Tyak na magagalit yun kapag nilipat ko. Idol nya si Mr. Ex-president. Gusto ko sanang bigyan ng leksyon ang lola ko tungkol sa Edsa Dos na nagpatalsik sa bata nya at nagluklok sa isang dyosa na walang alam kundi ang gawing pocket money ang buwis ng mga khowl zehner agents na nakikipagpatintero sa gabi. At dahil sa pagod na din, hindi na ko nakatayo para maglaslas sa kusina. Dalawang minuto akong tortured kakatawa.
.

Tumatawa sa ka-ipokritohan ng media, ng showbiz at ng kamera. Napaka-ayronik ng mundo. Ang magnanakaw nakakagawa ng pelikula kung san isa syang huwarang OFW tatay habang ang sinungaling na nagpalaya sa kanya eh nagluluxury dinner sa Manhattan kasama ng mga askal nyang tuta. Di ko alam kung mayayamot ako sa walang humpay na kalokohan na nakikita ko. Pero dalawang bagay lang ang alam kong sure na sure na mangyayari. Una, pipilahan ng masa ang come back movie ni Erap para sa mahirap (watda? hmmkei.) dahil kelangan nilang matawa at pangalawa, mababaon na naman sa limot ang resibo ng kinain ni Gloria. Dito ako naguguluhan sa mga Pinoy- kaya nating tawanan ang problema delubyong mala-armageddon man ito o pambansang panggagahasa.

Natural na sa atin ang baha at landslides sa parehong paraan na normal na satin ang tungkol sa mga korap at mandaraya. Nagagawa pa nating kumaway sa kamera pagkatapos ng unos sa parehong paraan na wala tayong pakielam kung totoo nga bang marunong mag-multiply ng boto si Garci. Kung pagbabasihan ang kasabihang ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw, isang malaking angkan ng magkakamag-anak ang pamahalaan at lipunan. Ito ang kultura ni Juan. Mapagtimpi. Marunong magtago ng sikreto. Mahinahon. Tamad.

Natapos ang kanta ni Erap pero di pa sya abswelto sa atraso nya sa atin. Kung ako ang tatanungin, bukod sa Simbahan at Estado na di dapat pagsamahin, idagdag sana nila ng showbiz pa sumaya naman ang mundo ng telebisyon. Mas marami pa sana tayong oras para sa panood ke Darnang paiba-iba ng artistang gumaganap at sa PBBng wala namang naituturong maganda bukod sa sumunod ka ke Kuya kung hindi eh vote out ka.


Uso na naman ang Erap jokes na nagpapadagdag sa sakit ng migraine ko. Pero naniniwala ako kay de Quiros;
.
May araw din tayo.
"Bayang magiliw perlas ng silangan,
Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig di ka pasisiil..."


Sa giliw kong bayan ng Marikina, di ka basta-basta makakatawid ng mga daan. Lalo na sa highway. At kung aakalain mong lulusot ang mga excuse na "naiihi/ natatae na po ako kasi sir eh" o "sorry sir di na po mauulet...(sabay iyak)" nagkakamali ka. Dahil ako, isang pasaway na taga-Marikina at isang kabataang sumisigaw ng pagbabago eh isang biktima ng sariling katangahan.


Pinituhan ako.


Patawid na kasi ako ng hi-way papunta sa linteek na opisinang pagbabayaran ko ng due ni Mama. Inikot ko ang buong palengke ng Marikina at sa isang desperadong pagkakataon eh nakita rin ang nagtatagong opisina. Sa kabila ng hi-way ang building. Walang pedestrian. Dalawang blocks pa ang layo kaya walang atubiling gumana ang instinct ko. Tumawid si Elias at sa pagtapak ng dalawa nyang paa sa kabilang dulo ng kalye, may narinig syang pito.


PPRITTT!!!!!!!!!!!!!


Alam kong may nakakita sa akin pero kunyari wala akong alam. Dedma. Lumakas ang pito at di ko na kayang magbingi-bingihan pa. Kumamot na lang ako ng ulo at sumunod kay mamang trapik enforcer. Binigay ako sa isang matabang babaeng enforcer din at sya ang nag-interrogate saken.


Basahin mo to.

Ano po ito?

Estudyante ka pa naman, edi batas! Ordinance yan na di mo sinunod.

Ah ganun ho ba? Pasensya...Nakita ko lang po kasi yung opis na yan (sabay turo sa building) tapos na-excite po ako kasi ang tagal ko na po yang hinahanap..."

So what?!! Basahin mo yan..no exemptions.
Dahil hindi ako nakapasa sa sungit powers ni matabang enforcer, binasa ko yung tinuro nya..Uuuy may nakabilog! Violation to this ordinance will be subjected to a fine of Php 100.00 or a community service amounting to 2 hours of total work hours. Nagulantang ako kasi naka-express yung Php 100.00. Ahehehe sabi ko tuloy kay ate na wala akong pera. Wala daw problema sabay turo sa akin ng pink na walis at pink na dustpan na mas malaki pa saken. Dahil sa pakiramdam ng isang naaganas na nationalism sa katawan ko, humanda ako para sa isang matinding digmaan laban kay ateng lady enforcer.



Eh ate, ang pagkakaalam ko di saklaw ng ordinance na ito ang mga underage... hindi kasi stated dito ang age at sa pagkakaalam ko kapag ganun, applicable lang ang ordinance sa mga nasa legal age...di ba?!!?? oha oha...
Gumana ang powers ko na alam kong may pagkakamali din. Pero no choice ako ehehehe. Natulala si Ate at dahil dun, afetr ng tatlong minutong pagtitig sa akin sa pagaakalang matatalo nya ako sa titigan, wala din syang nagaw kundi ipasa na naman ako sa isa pang enforcer- sa kanilang big boss. Sya daw ang kausapin ko.



Hi madam, sorry po ah...kaso po di po ako pwedeng magbayad o mag-community service kasi 16 pa lang ho ako...anong pwede kong gawin as punishment sa violation ko?
Matagal nag-isip si ate...mga apat na sigundo. At pagkatapos ng may kahabaang pagsesermon, pinakanta nya ako ng pambansang awit.



"...Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
buhay ay langit sa piling mo...
Aming ligaya ng pag may mang-aapi,
ang mamatay ng dahil sayo!!!!"


Nakuntento ata si Ate sa boses kong pang-alas 9 ng umaga. Dahil muka na rin akong tanga sa dami ng taong makapakinig sa libre kong concert, hinayaan nya na ako at pagkatapos, pawisang naghintay sa mahabang pila sa cashier ng opisina.


Kinuwento ko kay mama ang nangyare saken. Una natawa sya at naalala nya raw nung muntik na silang dalawa ni Papang gawin din yung ginawa ko. Pagkatapos, habang kinukusot ang t-shirt kong "It's cool to serve!", pinagalitan nya ako at nagsermon an mas mahaba pa sa sermon ng traffic enforcer sa may bayan.


Moral Lesson: Alamin muna ang pupuntahan sa nanay mo para di ka maligaw.
(eto ang nangyare...)


Linggo. March 16, 2008. 4:48 pm


Ang tatlong minuto ay naging labinglimang minuto.


Ako ang nalagas.


As much na gusto kitang isama sa next school year sa Cotabato, di ko kayang i-risk kang dalhin dun kasi mas marami ka pang magagawa siguro sa labas ng seminaryo. Di dapat kinukulong sa seminaryo ang tulad mo. See more in your life Elias, baka di ka para sa Oblates.


Sapul.


Marami kang naging accomplishment at tulong na nagawa sa seminary and we thank you for that. (tango.) Pero pagdating sa studies, wala kang effort man lang pero pumapasa kapa. Dean's lister pa. (humility insert here.) Sa sports ganun din. Baka nadadalian ka sa buhay dito. You need pa sigurong mahirapan muna. Wag ka munang sumama sa Cotabato.
Strike two.



Sayang yung skills mo. Di ko naman sinasabing para sa mga bobo ang seminaryo pero mas marami kang magagawa kung nasa labas ka. Ang seminary ay mukang di bagay sayo. Pero kung gusto mong bumalik after one year, apply ka ulit kay Fr. Jacobe at tignan natin kung para ka nga sa seminary.


Awtss....


Akala ko di ako iiyak. Matapang ako eh. Pero I found myself finding it hard to hold back my tears. Ayaw kong nakikita nya akong mahina. Amppss, isusumpa ko yung oras na yun. Umiyak akong parang batang nawalan ng kendi. Walang panyo. Walang tissue paper. Puti yung suot ko. Nosi balasi. Punas na. Bago ako lumabas, nagrerquest ako sa kanya ng dalawang bagay. I-consider ang application ko for next year. Wag sasabihin sa parents kong di ako accepted for next year. Tumanggi sya. Pero ala syang nagawa. Mapilit ako. Ayaw kong malaman nila ang lahat ng nangyare. Ako ang bahalang magsabi sa kanila.


Paglabas, pagkatapos himurin ang mga luha, umupo ako sa sofa kasama ng mga nag-aabang na mga seimnarista. Ngumiti ako. Parang nabunutan sila ng tinik. Pero bigla akong nagsalita: Di ako tanggap. Ayaw nilang maniwala. Bakweeet???? Di ko rin alam eh. Overqualified daw ako para sa seminary. Weeeh?!!!? Ang kulit ng muka nyo ah. Totoo. pwera biro.


Umakyat ako sa dorm. Nandun din si Mark. Parehas kaming tanggal dahil sa walang kwentang pagsusuri at panghuhula. Walang ibang tao. Di na ako umiyak. Di ko na kaya nagmumuka na kong tuta. Nag-empake at lumabas para magmiryenda. Lahat ng makasalubong ko, walang gustong maniwalang tanggal ako. SOBRANG IMPOSIBLE ELIAS, DI AKO NANINIWALA SAYO. Sa ayaw man nila at sa gusto, nangyare ang lahat. Maski wala akong grave offense, tanggal ako. Mini-mini-may-ni-mo.


Ayaw ko nang magkwento.


Di ko kayang magsulat ng maayos.