Perpektong Pamilya

by Monday, October 22, 2007 0 palagay
Umuulan kagabi, lumabas kami ni Mama para magbigay ng pera sa isang ka-nanay (sa school) kasi may pangangailangan. Tig-isang payong at naglalakad sa madulas sa daan ng Boni Serrano, na-kwento saken ni Mama si Ate Liza. Nag-break na daw (ulet) ni Kuya Jhun. Naasar ako kay Mama nung gabing yun. Una, bakit nya pinayagang mag-stay at dun sa Subic magtrabaho si Ate. Pangalawa, nagtatrabaho nga si Ate, e bakit kapag nagrequest si Ate kila Mama bigay lang sila kahit nahihirapan. Pangatlo, kung ilang beses magsabi si Ate na mag-aaral uli sya, yun din ang dami ng pag-oo nila maski alam ko mukhang di naman talaga sya may balak pa munang mag-aral. Panglima, ewan ko ba kung bakit kahit anong kalokohan at kapalpakan ng ate ko, hindi sya nakakatanggap ng galit na sermon. Laging advise na napakalambing, feeling tuloy ng ate ko sya ang pinakaswerteng anak ng mga magulang ko.

Hindi ako nagseselos. Galit ako kay Mama kasi napaka maintindihin at napaka understanding nya kay ate. Maski sa tingin ko, walang balak si ateng magtino, tumulong at maging ate para sa amin.

Naglalakad pauwi, nabanggit ko kay Mama ang isang bagay na biglang pumasok sa isip ko mga 48 hours na ang nakakalipas. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko yung nasabi. Una inisip ko kung tamang sabihin yun pero biglang dumulas ang dila ko pagkatapos mag-pause ang nanay ko tungkol sa kanyang storya ng phone call with ate.

"Ma, nu kaya kung mag-shift ako 'tas magtrabaho muna?"

She stopped walking for five seconds. Then naglakad ulet. I know she was shocked with what I said.

"Kung eh iniisip mo na magshift tsaka tumulong sa bahay, nagkakamali ka. Kung tutuusin, napaka-blest kami ni Papa mo dahil nagsacrifice ka para sa kanya. Nu bang pumasok sa ulo mo? Okey kami ng Papa mo saka kaya namen. Kung nasa isip mo eh si ate mo kasi hindi nakakatulong at sarili lang nya ang ginagastusan, wag mong alalahanin yun. Alam ko darating din ang panahon na magkakaisip din yun. Buti nga nag-break muna sila ni Jun baka pinapa-realize sa kanya na nakakalimutan nya na ate sya. Di ko nga alam kung paano tayo nakakasurvive eh. Basta dating ng dating nalang ang pera. Kita mo na, nakakatulong pa ako sa iba?"

I said nothing more on that matter. She fell silent na rin sa sinabi ko. Iniba ko na lang ang usapan. As usual kapag kami ng nanay ko ang magkasama, I will always see to it na she will be laughing. Night passed, hardly I slept LOLing with my pamangkin as he play around.

Kinabukasan, nagising ako sa isang pagtatalo nila Mama at Papa. Eh yun. Nabasa ni Mama yung mga text messages kay Papa na sweet at nay mga ekesenang ewan. Nagising ako. Bumaba ako, walang atubiling pinuntahan ang 2 kong kapatid para ilayo sa paguusap nila ni Papa. Guilty ang tatay ko. Kaya pala ayaw nya kaming papuntahin muna sa Bulacan kasi may tinatagong lagim ang Papa ko. Papa was guilty. Umiiwas sa mga sinasabi ni Mama. Masasaket yung conversation nila pero Mama was strong. She even smiled when I went down.

Mama did not cry or showed any expression of being cheated. She is so brave.

Lumabas ako with Hana and Habi, di pa kumakain ng almusal pumasyal at binilhan ng yakult ang mga kapatid ko. Umuwi, finding out he is to leave to work. He handed me his phone, kumpiskado ng nanay ko. I'm sure nahihiya saken si Papa.

Pasaway pa mga kapatid ko. May mga sarili pa akong mga balak.

Bukas I will be off to Baguio all by my self. Di kami natuloy eh pero parang hinihila ako ng paa kong maglakbay mag-isa.

(end: isang lubhang napakalalim na buntong hininga.)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: