I. Unknown Attempt
Unang Pangyayare:
Kung anong hangin ang pumasok sa isip ko nung mga araw na yun. Woosshh...sabi ng ihip ng malamig na hanging lumalabas sa malaking aircon ng E-telecare...Wala naman talaga kong balak mag-work and stop for a while this sem in seminary pero aba'y malay ko bigla akong dinala ng mga paa at kabobohan ko sa Libis para mag-apply. Si Chem lang ang nakakaalam ng mga lihim ko from Oct. 24-28, 2007. Sa bahay nila nag-start ang lahat ng bugok na balak. Ayun, after a phone interview, I decided to take the exam sa site nila. Nakakaasar lang ng konti kasi naman, naka-long sleeves ako nung mag-apply. Panu kasi ang sabi ni Ms. Laura sa phone, business casual daw ang attire. So yun, para akong tanga kasi ako na nga ang pinaka-bata, ako lang din ang napakapormal ng suot. Parang advance delegate para sa aming neighborhood halowwen dance contest. Salamat at naisipan kong magdala ng jacket. Pagpasok ko, nagbigay sila ng application paper. Puteek ala akong dalang bolpem! Tsk buti na lang at mabaet yung ateng nag-aalok ng bahay at lupa sa ground floor. (Lord sorry po nakalimutan kong ibalik yung bolpen nya!!!) Walo kaming nag-apply sa 3pm na sked. 1st exam, grammar test a.k.a "Tarka the Otter". I passed. Six left. Second exam, language proficiency a.k.a "Cloze". I passed again. Four left. Last written test, listening skill a.k.a "Ang Babaeng Mali ang Pinipindot" (aking title yan!). Syempre pasado ulet. Walang natanggal. kung tutuusin, ang dali naman ng mga exams. Para lang exam ni Ms. Valenzuela sa English 101.
Interview na, 3rd akong tinawag ni Ms. Bambi. Ako lang ang pinakamabilis ding initerview. Kulang nalang eh parent's consent daw tsaka kelangan e fulltime position at hindi part-time tulad ng sinulat ko. Nahalata ata ni ate na magulo isip ko kaya sabi nya eh bigyan nya raw ako ng chance overnight to contemplate at magayos-ayos ng isip. Umuwi ako, only to find out na drama ang susunod na eksena ng araw ko.
Sumunod na Pangyayare:
Syempre, last day ng campaign at pagod ang nanay at tatay ko sa kampanya ng aming incumbent bgy. captain. Aba'y ewan ko ulet at bigla ko na lang nasabi sa kanila yung ginawa ko. Edi yun, lungkot lungkot and drama ng nanay ko. She would not give me a parental consent to work. Neither papa. Kaya yun, maski alam kong magiging ganun ang magiging outcome, I still said my plan. Little did i know na magiging ganun din ang masasabi ko. Bigla na lang akong umiyak, parang batang inagawan ng kendi tas binuhos lahat ng kinikimkim na galit sa tatay ko at sa ate ko. After 2 hours of parental talk and counseling, I know something was changed to my parents. Sana nga. Cross fingers.
Di naman talaga ako nagbabalak na mag-work at mag-pause for a while sa seminary. Ewan ko lang. Tsktsk. Pero kung tumuloy siguro ako, malaki-laki na pera ko. 18k/month, sinong tatanggi dun?
Edi ako. Isang baliw na walang ibang mapagtripan.
II. Eksenang Puntod at mga Naliligaw na Kaluluwa
Oct. 31 kami nagpunta sa aming mga patay. Ako, si Mama, Jessa, Ate Mendy, Ate Julie, Hana at saka si Habi.
First Location: San Juan Cemetery
Dadalawin: Tito ko...bunso nila Mama
Ang Nangyare: Ano pa nga ba, edi naligaw-ligaw ng tatlumpung minuto. Buti na lang nandun ang laging maasahan ng mga nawawala, tsaran! si Kuya Aris da Greyt Sepulturero. After praying at makipagbaratan sa mga nagpipintura ng puntod, umalis na kami habang pinaiikiutan ng isang puting paru-paro...
2nd Location: Barangka Cemetery
Mga Dadalawin: Si Tita Tita (panganay nila Mama at nanay nila Ate Julie, Meng at Kuya Obet), sila Lola, Lolo at Lulay...
Ang nagyare: Ako, ang dakilang taga-tirik ng kandila ang naatasang mauna sa pag-akyat ng sementeryo...tama ka. inaakyat ang sementeryong ito. Dun banda sa tuktok sa Tita malapit na sa Ateneo Grade School. We prayed, nagkulitan, nag-pray ulet. Ang ano nga lang eh Ate Meng and Ate Julie grew emotional at gusto pang mag-stay ng konti pa. Okey. Pagkatapos mag-extend, pumunta kami sa puntod nila Lulay at itinirtik doon ang apat na natitirang jumbo candles na dala namen. After magbiruan at magtakutan at mga inulas na panalangin, kumain kami sa Jollibee Riverbanks by popular demand ng aking mga batang kapatid.
Napagod ako. Haayys.
III. Quiapo Fainted
November 2, 2007- Nagsimba kami nila Mama, Jessa, Hana at Habi sa Quiapo ng nine o'clock kaso ten o'clock na misa yung naabutan namen. Nung una, okey pa ang mga bagay bagay. Nang mago-offertory na, bigla na lang sumandal sa akin si Jessa at yun! Hinimatay ang kapatid kong babae. Shocking ang eksena. Binuhat ko siya palabas, nagtawag ng medic pagkatapos bumili ng tig-bebenteng pamaypay na itim. Sinakay sa wheelchair si Jessa at dinala kami dun sa gilid ng parish office. Dun nagpahinga si Jessa at si Mama na nataranta sa mga nangyare. Natapos ang misa na hindi namin natapos pero binigyan ko ng komunyon ang nanay ko. Ayaw pa nga akong bigyan ng isa pang host nung manong na lay minister...binigyan nya lang ko nung sinabi kong..." Bro, seminarista po ako." Naks! Lusot kay Manong! Pagkatapos nun, bumili pa kami ng mga bagay na makakapagpaligaya sa aking 2 kapatid... As usual, sa Jollibee na naman kami kumain.
Napagod ule ako.
Teka, may kwento ako pa bukas tungkol sa nangyare sa akin ngayong hapon lang. Punta muna ko kila Leroy.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
0 palagay:
Post a Comment