Isipin mo. Pagkagising. Maraming muta. Mabaho hininga. Tinatamad. Malamig. Pagtayo, titingin sana sa orasan sa bandang kaliwang taas. Isa. Di kaya. Dalawa. Di pa rin kaya. Tingin sa taas. Di talaga kaya.
Bakit ba may mga bagay na sadyang paimportante? Di ka naman sikat. Di ka naman mayaman. Tinuruan ako ng teacher ko intindihin at pahalagahan ka pero ano tong nangyayare sa akin ngayon? Hindi kita maarok. Inilagay ka ng pagkakataon sa lugar na yan at para akong tangang pilit gustong sumulyap sa'yo. Dyahe ang paghihirap ko ngayon.
Ang hirap. Ang sakeet. Whew! Hindi ko kayang titigan ka.
HINDI KO KAYANG SULYAPAN KA, DAKILANG WALL CLOCK!
Waaaaaahhh!!!!
O may gulay, may stiff neck ako!
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
0 palagay:
Post a Comment