IS-TRAYK (strike)

by Thursday, December 13, 2007 0 palagay
WALANG masakyan ngayong araw na to. Sabi ko pa naman sa sarili ko na maaga akong aalis kasi di ako nag-almusal. Naglakad sa Katipunan, dumaan sa Mini-Stop para bumili ng gatas, naglakad patungong sakayan ng mga ma-prinsipyong jeepney driver sa Molave. Bumili muna ako ng dos na yellow pad para sa midterms kay G. Dante at pagkatapos, tumalikod sa tindahan, nakita ang ibang seminarista. Walang pasok! Huh? Bakeet? Strike ang mga linteek na drivers. May exam pa naman kami sa Theodicity at Pschology! Nambuhay nga naman oo! Di ko alam kung matutuwa ako kasi lahat pala kami may exam na hinahabol sa mga dyos na propesor ng aking mahal paaralan. May sarili rin kasi akong problema tungkol sa di ko matapostapos na video documentary. Waaaahhh!!!! bukas na kelangan yun! Nahibang na nga ako kahapon, di na naligo, walong oras tumunganga sa computer na hilig mag hang. Namputts na buhay oo. Tapos nasira pa yung kalahati!!!!! Gusto kong gumulong kahapon hanggang sa ilalam ng Philippine Deep kaso ang layo. Kaya ginawa ko na lang, nagpasapak ako sa kaliwang pisngi na nagdulot ng pagdugo ng isang mala-bundok Banahaw ng pimpol at nagsisigaw sa shower hanggang sa matapos na nagdulot ng isa pang strike sa aken kahapon.

Sa pagkanta. Nak ng pating, napaos ako kakasigaw nsa cr na wala akong kwenta, mas mahal pa ang kilo ng langaw kesa sa akin, isa akong malaking moron at kung ano-ano pa na paninira sa sarili na hindi gagawin ng isang taong nasa katinuan. Kaya nung music practice at oras na para mag-solo., ayun ano pa nga ba, edi laglag ang panga ko kasi low notes lang ang naabot ko.

Etchas.

Tapos sasabayan pa yan ng mga pandadaot at mga pasakit sa buhay ng isang walng talent na katulad ko. Kaya tuloy ang layo ng napuntahan ng imagination ko tungkol sa paghihiganti at pagbawi.

Nakapasok naman kami. Rumenta ng isang FX na Revo na kulay red at nagpahatid hanggang sa loob ng campus. Nag-exam, umuwi (ang tagal naghintay ng jeep!), umupo na naman sa suking computer cafe sa harap katipunan, uuwi, gagawa ulit, mangangarap, mag-iisip ng masama, repeat refrain 2x then fade...

ANG SAMA KO TALAGA!!!!!!!!!!

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: