Sabi Ni Lola...

by Saturday, December 08, 2007 1 palagay
Umuwi ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking mga paa. Naglakad mula katipunan hanggang Marikina dahil wala na talagang laman ang bulsa. Pagdating ng bahay, basa ng pawis, nag-mano sa lahat ng bisita (pyesta ng aming barangay at ang kapatid ko ay bininyagan), umupo, humabol sa marathon ng hininga, kumuha ng baso para uminom, nagulat.

Amma (lola) : Hay naku tong anak mo oh, pinababayaan nyong basa ang pawis! Ikaw, hinahayaan mo yang likod mong ganyan lagi kaya di ka tumataba (?), lagi kang may sipon, at ang payat-payat mo! Naku kung lagi kayong ganyan eh parang wala kayong concern sa anak nyo. Nakalimutan nyo pang bigyan ng allowance. Pinaglakad nyo pa! Dyos ko o oh.. Teka, magpalit ka nga!

Ako: Naglagay na po ako ng twalya sa likod....

Amma: Ah hinde, maraming damit jan. Hubarin mo yang suot mo dahil basa! Pakielam ba ng mga tao kung nakapambahay ka pag-uwi. Hala bihis!!!!

Ako: Ok na ko Amma...

Amma: Anong okey??!? Walang okey okey sa ken! Pyestang pyesta...

Ako: ok.

(Ending: Di ako nagpalit. Wahaha lumabas kasi siya para makipag-tsismisan sa isang kapitbahay.)

Sa bahay, magulo. Tulad pa rin ng dati kapag may okasyon. Ipapakilala ka sa lahat ng bisita. Parang kang robot na automatic na mag-mamano at sasagot ng mga basic questions. Tapos magahahanap ng gilid. Dun magpapahinga tapos papakainin ni Mama, kukulitin ni Papa na lasing, tapos makikipagharutan sa mga batang kapatid at pamagkin. Haay buhay.

Ayos naman pagkatapos. Nakita mo na ulet sila. May allowance ka pa! San galing ang kalahati ng allowance? Sa sabong ng kapitbahay. Bumakas ng isanglibo nanay ko tapos ayun, charan! tsmaba nanalo. Aheheh edi doble pera pa ko. Hmmm...ashteeg talaga ang buhay minsan.

Minsan.

(para sa kasunod ng statement na "minsan", nasa baba ang dahilan.)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

1 palagay:

triZzZ said...

haha. ang kulit ng lola mo. Be thankful you still have your lola with you. Ako sad, wala na yung lola ko.

Well anyway, nice post! ang kulit!It's a surprise coming from a seminarian.

(: