I am a Freeman

by Monday, January 14, 2008 3 palagay
"Man is free at the instant he wants to be."
-Voltaire

Wala lang namang magawa kagabi kaya nangyari yun. Naisulat sa kasaysayan ang isang bagay na kauna-unahang ginawa ko. Nagyaya ako ng inuman. Malay, basta parang itinitulak ako ng pagkakataong lumabas kagabi upang itago sa amoy ng alak ang mga bahong matagal nang bumabalot sa kasamaan ni Hudas. Kaya nung naghuhugas kami ng plato, niyaya ko si Patrick na lumabas ng mga twelve. Sumama din si Gaquing kaya ayos. Madami pa kaming takot dala ng aming pagiging mga "baguhan" sa ganitong kalakaran. Biruin mo, first year palang ako pero mahaba na ang sungay. Nakakatawa nga dahil napaka-absurd isiping na ang tumakas at magbreak ng rule ang pinakahuling bagay na gagawin ko. Pero hinde eh. Pasaway nga ako. Kaya pagkatapos maligo, magbihis at magplano, ready na kaming tumakas at harapin ang mga multong malilikha ng aming kapangahasan.

Phase 1. Ang first destination ay ang kubol na malapit sa gate ng seminary. Ako ang nauna. I kabado ako nung una pero ayos tagumpay ang paglabas ng dorm. Phase 2. Ang makalabas sa gate ng subdivision. Ako ulit ang nauna. Ayos ulit, tulog si manong guard! Tinaas ko yung bar, kumaliwa, charan! welcome to the night life again elias, your free! Matiwasay kaming nakapunta sa isang bar at umupo malapit sa bar counter. Later after 1 hour, a brother who I contacted thru text joined us. Oo, wag kang maingay. Di ako nagsurrender ng phone this sem. Nosi balasi. Pangangailangan eh.

We drink, unafraid of the unknown. I told stories from my own happiest and bitter sentiments. I learned tall tales that from first I did not take seriously. Mga kwentong sinong who's who, anong ginawa, at bakit. I felt disgusted with the people in the seminary. Especially to my self and to the people who's darker side is rarely known to any human being. Medjo nagkatama na rin ako and vomited to release my drunkenness. Lumipat ng kabilang bar kasi hanggang 1am lang pala sila. Nagbanlaw, pagkatapos ng mahabang paliwanagan na may mga ganung bagay na pwedeng mangyari at nangyayari na sa kasalukuyan. Putanginang buhay naman oo, bakit ba kasi kelangang maglihim ang mga hudas?! Akala ko nagiisa lang akong maruming putik na nagbihis ng damit na puti. Bakit ba kasi di sila marunong magtago ng nararamdaman o magsabi ng nararamdaman at idinadaan pa sa mga kahiyahiyang paraan tulad ng pag-angkin ng mga nakaw na pagkakataon upang magsamantala. Pakshet. Paksheeeeyyt!! Okay lang namang sabihing bakla ka, silahis ka, may instances na mahulog ang loob mo sa etits ng kapwa mo lalaki pero bakit ganun? Ayaw mong magpahalata pero sa kalasingan ng mga kasama mo, gagawa ka ng katarantaduhan. Maraming ganyang tao sa balat ng mahiwagang saging. Ewan, mahiwaga nga talaga ang buhay lalo na kapag sinamahan ng sinabawang gulay.

I was a false freeman last night. I did my own decision to escape once in a blue moon in a system I love and I sometimes doubt. I was free to hear stories of playing shadows and controversies. I did my part for ruining my freedom. I hate my self last night until this very morning. But I still love who I really am and keep my choice exclusively to my self. I wish I were alone last night, telling my own stories to my self, not hearing those stupid true things about foolish human beings who for a wink, waved their pink banners aloft in those tempting past nights and vacations.

I was not able to take my breakfast again. I was too tired to get up but I still prepared for school. Unfortunately, I again felt that false freedom in me. I won't attend my first class. Wala rin namang kwenta, uupo lang ulit sa likod, pagmamasdan ang dakilang orator na nagrereport sa harap, lalaitin ang propesor na may hawig sa hindi nabentang kambing, hihikab, matutulog, gigisingin ng isang kaibigang pasaway, tatayo, dederetso sa canteen, mambuburaot muna bago bumili ng sariling pagkain, manngangarap na sana hindi dumating ang gabing iyon, hindi ako nagtangka, at hinayaan na lamang na maglakbay ang isip sa harayang kanina pa naghihintay.


Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

3 palagay:

Abou said...

something serious to ah! medyo naguluhan lang ko ng konti pero medyo nabagabag ka talaga. what happened ba?

gerrycho said...

"the night is darkest before the dawn breaks..."

what is important elias is that you acknowledge yourself, in that same sense we acknowledge our weaknesses our frustrations, in that same sense we get to realize our potential to grow...

what will not kill us... will make us strong... :D

Bulaang Katotohanan said...

hehehe, naaalala ko ang sarili ko dati. produkto kasi ako ng mga madre.nagtangka na din akong maglasing - mga thrice - di ako naging lulong kasi i realized na after the effects wear off, the problems still there and im poorer that i was before.huhuhu