It was a shocking news to all of us. Especially to Krissia. Di ko alam kung anong hangin ang pumasok sa isip ko ang tulirong text messages ni 'oseph saken.
"Ano? Sinong patay, si Fritz? Ayusin nyo nga mga texts nyo parang nakakagago ah!"
Walang makapaniala sa amin na patay na ang bagong myembro ng tropa. Si Francis John Yambao, iniwan kagad kami. Actually di ko pa ganong close tong si Fritz kasi Krissia hasn't introduced to us him as her bf. Nakita ko sila one time nung simbang gabi na magka-holding hands sa dilim pero I didn't take that seriously. Sa isang tingin pa lang naman, halata ng mabait si Fritz. Ang tanging natatandaan ko sa taong to e nung nanood kaming barkada ng fireworks sa Riverbanks tas he offered to me his seat 'cause I was lying in the grass. I declined his first and last friendly act to me. I regret it so much. Di ko man lang napagbigyan ang gusto nya. Isa kasi akong mapagmataas na tae.
Dehydration daw ang kinamatay. Pero alam ko di yun ang tunay na dahilan. Matagal na rin kasing robot si katoto. Sunod-sunod lang sa gusto ng mga magulang nya. Bawal to. Di pwede yan. Eto ang gawin mo, sya ang ligawan mo. Bawal to kainin, eto ang masaya. Naknampating na buhay naman yun. Kaya di ko rin masisisi sya kung bakit sya naglayas at tumuloy malapit kila Krissia. Mahaba ang kwento ng naiwang minamahal na hindi alam ng magulang na sila pala. Mapaglihim sya. At ayaw nyang malaman ng buong sanlibutan ang nararamdaman nya.
Di ko masyadong kilala ang bago kong kaibigan. Pero kahapon sa burol, I feel like I am a very close friends to him just like anyother else with me. Maraming pangarap si kaibigan. Pero yun ang oras nya eh. Mas maraming plano ang Dyos sa kanya.
Paalam dakilang sundalong patpat. Salamat sa sandaling nakilala ka namin at salamat sa pagbibigay sa akin ng isang upuan habang upang mas madaling mapanood ang malayang paglalaro ng mga ilaw-paputok sa kaitiman ng mabituing langit. Humayo ka at mauna sa lugar na pilit nating babagtasin. Mauna kana, kasama ng mga pangarap at paglalaro ng mga himatong. Sumagwan kang hindi sumusunod sa anod ng maalong tubig. At sa iyong bangka, isama mo ang mga alaala ng isang kaibigang minsan mong inalok ng upuan sa isang parke, habang sya ay nangangarap na balang araw, kasing tingkad ng gabing iyon ang pangarap nya.
Mauna ka na Fritz, salamat.
-yas
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
2 palagay:
parting is such sweet sorrow...
Just a regular visit, hope all is well. Take care and have a great weekend.
Post a Comment