
John Palomar, OMI (ang aking superior). Birthday nya kahapon. Hingal kabayo na naman ako dahil sa lintek na preparations para sa kanya. It was worth it naman. Maski mukang worthless yung attempts kong tapusin yung video para sa kanya. Inabot na ko ng dilim at limang dosenang aba ginoong marya di pa rin natapos. Ayun bumalik na lang akong pagod, pilay at pawisan... Naalala nya raw ang sarili nya 16 years ago sa akin? Anak ng tinapa, grr...(internal question mode)
Epekto ng walang perang panggala. Walang magawa kundi manatili sa loob at hintayin ang hapon para sa hapunan. Arrghh..Mukha bang walang pera yang dalawang yan?

Ay potek, kainan na! Samantalahin ang birthday para kumain ng spaghetti, b-b-q, ice cream (nyay..) at konting alak...ajejeje. Tamona? Kami parin ni Leroy ang matakaw ngayong gabi (record to kasi talagang langaw lang ang dumadapo sa plato namin madalas).
Habang abala ang lahat sa panonood ng Drumline, eto kami, umakyat sa isang dining table at nag-pacute sa harap ng community camera. [galit daw kami sabi ni direk]
Washers after dinner..wahahaha buti na lang di ako washer kagabi kundi nagreklamo na naman ako. ANG DAMING HUGASIN!!!!!

This is my batch...(actually we're fifteen.) from left clockwise...ako, leroy, trick, robb, chard...
Star.
1 palagay:
nice, galing ng pagkagawa nung star. at yung second to the last pic, pwedeng pang movie poster. haha. ang saya naman.
Post a Comment