Maaga akong umalis. Free day kasi. Wala naman talaga akong pupuntahan kasi wala na rin akong pera. Pero biglang pumasok sa isip ko ang ideya ng pagdiriwang ng sambayanan ngayong araw.
Anibersaryo ng EDSA pipol pawer nga pala. Anibersaryo ng pagiging malayang Pilipino ko.
Plano kong magsimba.
Di na ko nagatubiling maligo. 6:00 am na. Pagkatapos kamayin ang ulam, umakyat at atubiling nagbihis ng itim na t-shirt, nag-maong na hindi pa nalalabhan ng dalawang bwan, nag-flops, kumuha ng mga baryang nakakalat at nagpunta sa lugar na di ko naman talaga pinlano na puntahan. Sakay ng bus sa halagang sampung piso, binaba ako ni manong drayber sa ilalim ng tulay ng Ortigas. Maraming midya. Walang welgista. Pero maraming pulis na nagbabantay. Pumasok ako sa simbahang nasa ilalim ng entablado ng katapangan ng isang bansa. Lumuhod, tumunganga, nakanganga. Walang ordinaryong bagay ang nangyari. Walang ingay maliban sa pasulpot-sulpot na mga pulis na maiingay.

Wala pang eksena sa makasaysayang lugar na to. Tahimik. Di ko alam ang dahilan. Pero di nasayang ang pagpunta ko. Nilibot ko yung paligid at nagmasid. Wala ng pumapansin sa akin eh. Ayos parang may VIP id ako. Walang interisante maliban sa isang babaeng nagpupumilit na wag lumabas dahil daw karapatan nya raw ang magsagawa ng munting pagiingay dun. "Simbahan po ito, Manang...". "Putangnang mga pulis kayo, asshole shit kayo! Bat nyo ko pinipigilan ha?!! Stop holding me. Son of a bitch!!?!"
Maliban dun, wala nang makikitang eksena.
Napaisip ako kung bakit EDSA 1 day ngayon pero walang happenings...dati-dati maski gantong umaga, balita na sa tv ang mga pangyayare. Pero wala talaga eh.
Di kaya walang happenings kasi nandun ako?!??
Malay. Ang alam ko, wala talaga akong intensyon na magpunta duon pero sa kalagitnaan ng 6:00 at 6:01 am eh bigla ko yung naisip. Nosi balasi. Nagpunta ako para tumunganga sa mga pinintang sining ng kalayaan. Wala man akong nakitang something spectacular, lalo namang tumindi ang pagnanasa (wow tagalog!) kong magsulat ng isang libro in the future. Pangarap ko talaga yun simula nung 15 yrs old ako (eh sixteen ka pa nga lang!) Naastigan kasi ako sa mga kwentong barberong nabubuo sa aking utak. Ang totoo nyan, may mga nakahandang karakter na sa utak ko. Gusto kong magsulat ng kwento tungkol sa isang taong napinid (wow tagalog ulit!) sa pagitang problema, pagpili at pangarap....ewan, ka-wirdohang ek-ek ko na naman.
Pero pramis, gusto ko talagang magsulat.
(*tanong: paano naging magkaugnay ang pagpunta sa EDSA ng hindi naliligo at ang pangarap na maging manunulat? Ipasa ang sagot gamit ang sinaunang pamamaraan ng pagsusulat. heirogyphics accepted.)
0 palagay:
Post a Comment