Nagdadabog ako sa mundo.
Madaya sya.
An daming nililihim sa akin.
Ayoko ng ganun.
Masaket.
Nakaka-praning.
Ilang linggo na rin akong ganto-
palaboy ng kawalan,
tambay ng sariling pagkabagot,
alipin ng kinikimkim na problema.
"Malakas ka diba sabi mo dati!??"
Dati yun.
Matagal na kong iniwan ng sarili kong katapangan.
Nagtago sa dilim-
iniwan ako.
Ngayon?
Naguguluhan ako sa mga bagay-bagay na
nagpapa-ikot ng buhay ng sanlibutan.
Sa sarili kong desisyon,
sa mga pagpipilian,
sa mga bagay na gusto kong gawin.
Teka, nasaan ba ako ngayon?
Hindi ko rin alam.
Sa malamang, nasa kawalan ako sa mga oras na ito.
Paikot-ikot.
Papunta sa wala.
Nasaan ako?
Nasa malayong himpapawid,
naglalakbay ang diwa
sa mga nag-uumpugang ideya at mga pagkakataon.
Nahihilo din ako sa mga nangyayare ah..
Akala mo lang na ayos ako.
Pero hinde-
di ko madadaya ang sarili ko.
Praning ka ngayong mga araw na ito elias...
...siguro nga.
3 palagay:
eto ang kauna-unahang puna ko sa iyong pahina...
"minsan, mas marami kang maabot kapag nangangarap."
mas gusto ko ang mapagisa o kaya nakadapa sa aking kama upang magilusyon na anduon pa ako sa nakaraan at para maitama ang mga kamalian ko... hindi ko alam kung naayon din iyon sa iyong idelohiya pero yun ay sa akin lamang... apir
*bloghoppin*
yhello! i second da motion! Mas masaya minsan pag mag-isa ka marami kang nagagawa at naiisip sa buhay yun lang ^^,
ey korek sila sa lahat ng sinabi nila heheh- ang mga oras ng pag iisa ay napupunan ng kaluwalhatian! whatever it may be.
Post a Comment