Yan ang dahilan ng hindi ko pagsipot sa aking blog sa loob ng maraming nakakapraning na araw.
Isa akong malaking duwag.
Akala ko magagamit ko ang blog na ito para maitago ang mga lihim at mga tahimik kong plano. Hindi pala. Maski sa sarili kong blog, nagagawa kong maglihim.
Letseng patis, sa sobra yata kasi ng mga taong nakakaalam ng address ko, nahihiya na akong malaman pa nila ang mga ganitong bagay na naranasan ko.
Baliw kasi ako at ayokong malamang pa nila kung bakit.
Desperadong praning. Yun dapat ang pangalan ko.
Di ko kayang magkwento pa muna. O di ko kayang i-kwento ang mga nangyare.
Sa susunod na lang, kapag maayos na ang takbo ng utak ko.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
3 palagay:
nakakarelate ako.. dumaan na rin ako rito.. or siguro mas magdanang sabihing ilang ulit na rin akong dumaan sa ganito.. na prang akala mo, ang blog ang magiging tampulan mo ng lahat lahat pero may mga naitatago ka rin pala.. dahil may mga taong ayaw mong makaalam ng mga nangyari sa buhay mo pero dahil alam nila ang kapirasong bahagi ng internet na ito kung saan ka naglulungga, kailangan mo na ring maglihim pati rito..
minsan nga naisip ko, sana hindi ko na lang inilantad ang pagkatao ko rito para lahat masasabi ko pero lilipas din yan brad,.. kaya yan! Go!
http://hiraya.co.nr
akala kasi natin, si tulfo ang blogging. pwedeng pagsumbungan. sakit din pala ng ulo pagkatapos.
yeah. kaya ako, medyo minimize ang pagmention ng names sa aking blog kasi nagu-google pala ito. kaya pag nag-google ka ng certain name na na-mention sa blog mo - makikita siya sa results.
nahihiya na rin ako sa teacher ko sa broadcasting dito sa radio station na pinagtatrabahuan ko kasi binabasa niya pala posts ko. grrr.
Post a Comment