Nawala ako sa ere ng mahabang panahon.
Pikon kasi ako.
Ah hindi pala. Duwag ang tawag sa akin.
Mali mali. tamad pala.
Kalahating tulog. Kalahating gising.
Yan ako habang tumitipa ng mga letra sa isang mamahaling keyboard. Naghihintay sa panahon para lumipas muli para matulog ako...magpahinga...maging tamad...mawala sa sariling disposisyon...maglakbay ng walang napatutunguhan.
Ang totoo, marami akong gustoing isulat. Pero nanghihinayang ako sa mga espasyong masasayang. Ayoko kasing masyadong maging pabaya sa mga maisusulat ko. Gago lang siguro ang tulad kong magkukwento ng mga korning bagay. Maraming bagay ang naglalaro, namimyesta sa utak ko. Napakadami.
...may biglang pumasok sa isip ko.
mag-iba na kaya ako ng web add?! Wrong move. Parang duwag.
erase.erase.erase.
^^^^^^^^^^^^^^^
Apatnapung araw na ang nakakaraan.
Natatandaan ko pa ang mga pangyayari.
Nasa puntod kaming magkakapatid. Ako, si Ate, Jessa, Iboy, Habi, Hana. Kasama ang tatay ko. Karamay ang shades at malalaking payong, unti-unting umiyak ang mga kapatid ko. Mahihina...pero si eboy puro singa. Di ako umiyak. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko para humagulgol at magwala sa gitna ng maputik na daan. Saka sabi ko sarili ko, hindi muna ako iiyak habang umiiyak ang iba. Mamaya na lang kapag wala na ang lahat na nakatingin. Saka ako magtatampisaw sa sarili kong kagaguhan.
Hindi ngayon na habang nakikisali ang ulan.
Sa aming anim, siguro ako ang may pinakamasakit na ala-ala. Nandun ako simula ng atakihin si mama. Nandun ako sa unang injection na ininda nya. Nandun ako nung dinadamitan ang nanay ko ng hospital gown. Nandun ako nung sinugod sya sa operating room upang operahan. Nandun ako nung paglabas na papuntang recovery room. Hawak ang kamay ng baldadong ina, unti-unti akong bumabalik sa pangangarap ng mga panaginip na sa kanya ko lang naipagtapat nung una. Halos hindi ako natulog para dumaldal at kausapin ang inang tuyo ang lalamunan, nagmamaka-awang madampian ng kapirasong bulak na may tubig. Nandun ako sa mga sandaling tatlong bagay lang ang kaya nyang gawin- tumango, umiyak at umiling.
Nandun ako habang halinhinan kami ni Papa na mag-pump sa kanya. Masakit sa braso, nakakangawit. Puyat ng dalawang araw. Nakakaasar. Pero ginawa ko ang lahat ng pwede kong pagtitimpi upang magbigay pugay sa isang dakilang babaeng hindi nagkait ng panahon at sarili para sa akin. Nandun ako, nasilayan ang unti-unting pag-aagaw buhay nya sa ambulansya. Nandun ako, nakatingin sa mga matang pilit kong dinidilat at kinukwentuhan. Alam kong wala na syang naiintindihan sa mga sinasabi ko nung mga oras na yun. Pero nandun pa rin ako, si tangang inuulit-ulit ang mga nakakasawang kwento tungkol sa mga kapitbahay na mahilig sa chismis, mga kaibigang hindi naman nya kilala, mga eksenang gawa-gawa ko lang para hindi maubusan ng sasabihin. Maraming pekeng pangakong nasabi.
Nandun ako nung sabihin ng doktor na umuwi na kami dahil wala na ang mama. Walang iyakan portion sabi ko sa sarili ko. Pero paglabas, kung saan madalang ang taong dumadaan, humikbi ako. Palihim. Nahihiya sa sariling pangakong binigkas sa inang agaw-buhay.
Apatnapung araw. Eksakto.
Dahilan upang ako'y tumanga sandali sa itim kong pahina.
Apatnapung araw. Mabagal.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
7 palagay:
condolence bro... Draw hope, strength and wisdom from God who is the fountain of everything... He is taking good care of your mother now. God bless to you and your family...
i thot nka mub on ka na.?
hehe.
inom tau?
xD
anlungkot.. =( naalala ko tuloy si lola ko.
grabe..
sapul.. ansakit..
condolence po.
godbless elyas.
i feel for you.
tough kid. :)
"...mga eksenang gawa-gawa ko lang para hindi maubusan ng sasabihin. Maraming pekeng pangakong nasabi..."
malungkot.
Post a Comment