
nung thursday habang naghahanda ng umalis sa opis ng parokya, sumigaw si ate mona at nagsabing samahan ko daw sya sa recto magpagawa ng pin buttons.
...wala pang tulog at maraming ng pagod, sumama pa din ako.
papunta pa lang sa istasyon, tawanan na kami. teacher si ate mona. sya rin ang bookeeper/ admin/ auditing/ finance/ publication/ all around ng skul na pinapasukan nya. gamitin ang utak. kapag yan nahanginan, kakalawangin yan. tado talaga to. pati ako tinitira.
habang nasa tren, kinamusta ako ni ate mona sa mga plano ko.
te mona: o ano na, kelan na ang balik natin?
ako: ewan.. basta. di pa ngayon. haha basta babalik ako.
te mona: mukang lumalabo ata ang buhay ah..
ako: di no. basta. may plano ako. 9sabay ngiti. tingin sa labas)
tinanong nya ko kung baka daw nag-iba na ang gusto ko sa buhay.
ako: di no... sigurado ako. namimimiss ko na nga buhay sa loob eh.
te mona: eh sino tong babae sa cp mo?
ako: batsa... masaya ng buhay. alam ko naman te ang ginagawa ko eh.
te mona: eh mukang lumilihis ka na...
ako: trust me. i know my stuff. basata ang masasabi ko lang, may plano na ko. may time frame na ako ng mga balak kong tuparin. di ako siguro muna babalik ulit maski pinipilit ako ng mga ka-batch ko na bumalik na...ok na daw kasi lagi daw akong kinakamusta ng superior ko. hinihintay nila ako...pero di ko masabi sa kanila na mauna na sila. ayoko kasing sabihin kahit kanino ang plano ko...haha baka mausog.
te mona: ganun naman pala eh. nag-aalala lang kasi ako sayo. ayokong tatawagin mo kong ate tapos tatanga-tanga ka. sige, naniniwala ako sayo (ngiti)... basta be constant. focus.
ako: HALA.. ahehe sure. libre mo ko ng siomai mamaya ah.
te mona: di ka pa nga nagbabago. liche ka. hahaha
+ + + + + +
on imeem. now playing: pananatili
imeem buffering: maging aking muli.
papa jesus...napapraning na po ako.
alam ko marami kang gustong pagawa sa akin.
isa-isa lang po muna. nakakahingal eh. sabi nga po ni sister liit, may kalayaan akong mamili.
kilala mo naman ako eh. magulo lang talaga ako minsan. pagpasensyahan nyo na lang po kung minsan lagi akong inaantok, lagi akong pasaway, tamad at minsan sumpungin.
mabait naman ako minsan diba? nalilito lang talaga ako sa maraming bagay. sa lahat.
ge lord...uhm najejerbs na po ako.
gtg. bukas po ulit.
Amen.
3 palagay:
Gusto ko ang panalangin mo... Ayos lang yan, natitiyak kong payag si Papa Jesus sa nais mong mangyari. Tama ka, isa-isa lang muna.
amen din.ü
bata ka pa, elayas. gawin mo ang mga ginagawa ng kaedad mo. hanggang ngayon lang kasi yan pwede.ü (pag dumating ka na sa panahon na dapat ka nang magdesisyon, balitaan mo ako ha. (preachy ba?ü)
basta ang alam ko, naiiyak pa rin ako basta tinutugtog ang "Maging Akin Muli."
teka, naging teacher mo ba si Mons. Bart Santos?
uhm.. pari ka ba or wat? siguro magpapari ka no? kaka inspire ka naman.. ^^
Post a Comment