Sikologo, Teologo at ang mga PedXing Girls

by Tuesday, November 11, 2008 0 palagay
Lunes.

Pagkatapos tumunog ang nakakabinging alarm ng selpon ko, naligo at nagsepilyo, binagtas ang daan patungong unibersidad.

Unang klase. General Psychology. Room JP206. Sa pag-aakalang late na ako, bigla na akong pumasok sa kwarto. Sakto. Nagdadasal sila klasmeyt.

".... St. Vincent de Paul, pray for us. In the name of the Father, the Son, and of the Holy Spirit. Amen."

Tumingin sakin yung prof. "Anak, Gen Psyc ka ba?"

"Opo."

"Anung oras?"

"8-9 AM po."

"Ay anak, 7-8 pa lang to, tapos na klase ko."

Anak ng pating...

No choice, nagsorry na lang ako ke maam tas umupo sa pinaka-gilid na parte ng kwarto, katabi ng bintana.

Mayamaya may pumasok na anim na mga Chinese girls. Psychology majors.

Tanan! Aking pinakikilala..ang PedXhing girls.

Malakas mangopya, malakas tumawa. Parang mga alien sa rum dahil kapag sila-sila ang mga magkakatabi, parang walang ibang iniikutan ang mundo kundi sila. Minsan mabaho, minsan ang gaganda. Ewan. Pero ang nakakatuwa kasi meron silang healthy food lunch box araw-araw. At syempre, kahati kami dun!

9-10 AM. Theology 111C.

Proffesor- Mr. Arsenio Garcia. Sabi nga ni Kongresman Felipe (kaklase kong 40 years old. 2nd degree. Magla-Law), para syang isang sisiw na vulture. Paot, maliit, payat, hukot. Pero wag ka. Matinik si baby vulture. Mahilig magbagsak.


(sinulat ng walang mgagawa. haha)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: