GateCrasher sa Loyola

by Sunday, March 08, 2009 1 palagay

Anak ng pinaupong kambing. Mali kami ng pasok ng chapel kagabi sa Loyola.

Ganto kasi yon:

Simple. Alas syete ng gabi. Kakanta kami sa burol ng lola ni Abby sa Loyola. Ang lokasyon: Chapel B. ang instruction pa nung guard, yung luma. Pagdating sa chapel compound, hinanap namin ang pangalawang pinto. nakita namin na maraming tao. shoot. dito na yun. dun din dati binurol ang daddy ni te Joy. pagpasok, parang gulat ang lahat pagkakita sa amin. pero warm. so warm. [teka, kailangang i-convince ko ang sarili ko na warm talaga sila].

nakaupo na kami. prepared. sabay nangtanong ako, 'asan na si Abby?!'

10 minutes... nakangiti sila sa amin. mga ngiting nagtatanong. nung tumingin ako sa kabaong, hindi ito maari. hindi ito maari!!!

lumabas ako. ngumiti sa ateng nagseserve ng juice. paglabas, tinignan ko ang pangalan ng namatay. [sa may listahan ng mga dumalwa.. may teorya ako na sa listahang yun nagra-raffle si san pedro ng susunod na kalahok sa kanyang heavenly hephep-horey.] gusto kong magmura ulit. pero dahil panahon ng kwaresma, nakuntento na lang ako sa...

ARRGHHH!! GATECRASHING TAYO!

dala na rin ng hiya, binulong ko na lang sa kanila ang mga salitang yun. ang nakakatawa pa nun, umiinom ng juice yung mga kasama ko. shemay talaga. at ako, bilang unofficial pinuno ng gatecrashers, ay nagsabi ng..

'This is teresita's wake po, right? we thought it is the chapel B po eh. actually, we also would like to offer songs here. pero magsstart na po yung misa sa kabila eh. we're needed. sensya po. salamat sa accomodation'

at walang ano-ano, nagmamadaling lumabas ang lahat. bakas sa muka nila ang pagkatuwa sa sarili nilang kalokohan. sa sobrang pigil ni Ada na tumawa, muntik ng lumabas sa ilong nya yung ininom nyang juice. pagdating sa totoong chapel B, di na namin napigilang di tumawa sa kahihiyan at kalokohan. gulantang ang lahat ng angkan ni Abby pagpasok namin.

'ANONG NAKAKATAWA?'

natakot kami. si lolo ang nagsalita. ang asawa ni Soledad. ang lola ni abby na talagang pakay namin sa aming paggala sa Loyola.

traumatic. very traumatic. nagkakabag ako kakapigil ng tawa.


[kila lola teresita at soledad, pasensya po sa mga naisulat ko. hanggang ngayon po kasi, kinakabag ako kakapigil ng taw. pis po. pis.]


*promise. hinid ako ang may kasalanan at hindi ko na ulit gagawin tong gantong trip. HINDI NA TALAGA!

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

1 palagay:

wanderingcommuter said...

hahaha. isa kang napakakulit na bata!!!