Kung ang mga agos ay natutuyo
at ang mga titik ay nauubos-
at
Kung ang mga kwedras ay napipigtas
at ang mga himig ay unti-unting humihina sa hihip ng hangin-
ako man din ay nauupos at nawawalan ng halaga,
sa parehong paraan kung paano umaandap ang siga ng yosi sa kamay ko.
[...]
walong bwan
kung maalala ko,
nang una akong naglakas loob
nagbakasakali.natanggap. lumipat. natanggap ulit. umalis.
naghanap. nag-aral. natanggap ulit.
nagkape. sumuba. nagpuyat. uminom.
nag-aral. nagyosi. nagkape.
nagyosi. uminom. gumala.
gumala. umalis. naglayas.
nagsarili. nagyosi. uminom.
kilala mo pa ba sarili mo?
gusto kong lumaya at maging normal.
ngunit dahil sa di mapipigilang pag-takbo ng mundo
uminog ang isang ako.
ako na di ko kilala.
ako na hindi ako.
[...]
sa bawat pagtatangka, natatakot
sa bawat pag-inom nagtatanong.
sa bawat hithit ng yosi nagtatago,
sa bawat pag-alis nagtataka.
at sa bawat pag-iisa, nangungulila.
at ang bawat pangungulila, nagdadala ng di mabatid na lungkot.
pera. pamilya. pangarap.
pamilya. pera. yosi.
pera. yosi. inom.
at sa paglaho ng ng mga usok at lumilipad na upos,
narito pa rin ako.
nagmamasid sa unti-unting paglipad papalayo ng mga pangarap,
nababakasakaling minsan isang araw,
babalik ang katinuan ko.
at makikilala ko din si ako.
ako na ako.
-Yas
14 palagay:
Yas, pareho tayo. Pakiramdam ko hindi ko na kilala yung ako. Naguguluhan na rin kasi ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ako makapagpokus. parang go with the flow na lang ako. Hindi naman ako ganito dati. hayz!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Lalim.
Nagtungo ang langaylangayan sa kung saa'y di ko alam. Kapag natagpuan ko sya, marahil matatagpuan ko rin ang aking sarili. (Naks!)
Kilala ko pa ba ang sarili ko?
Hmmm...siguro. Depende. Mahirap maging mapanuri ng sarili dahil nakakatakot malaman ang totoo.
(Nakakahawa ang makabasa ng isang mainam na panulat. May lumalabas na hindi dapat).
Congrats sa post mo. I like it.
@fjordz: ehe. wala. malungkot lang talaga. aayos din ako. ehe. di ako pwede sa blogger fest na yan.. 17 lang ako eh. ;0
@Nebz: maraming salamat!
alam mo bang ngayon lang napuri ang panulat ko ng ganito? salamat po sa pagdaan.
nakakahawa nga ang kalungkutan, kaya pinipilit kong magpinta ng magandang ngiti lagi, maski sa likod nito ay nagtatago ang luhaang payaso. ;)
daan ka pu ulit!
Yas
andoon ako sa st. joseph last sunday. doon ako nagmisa 7:30...
very well written,yas... i was blown away, seriously... very spontaneous and the message is as clear and fluid as water...
:)
naiisip ko din yan. parang di ko na kilala sarili. the society and all things around us changes us...and we tend to forget who we really are...and we miss the person we once used to be...
---
yeah... naalala ko nga yun. ganun lang talaga siguro. paiba-iba tayo ng sitwasyon. nasa tiendesitas ka sa greenhills? nandun kami sa cardinal santos nung gabing yun..hehe!
thanks for the very inspiring words.
identity crisis ba yan. hehe. lahat naman tayo dyan dumadaan. minsan tinatanong ko sarili ko. kumusta na nga ba ako? sa loob ng ilang taon na pagtira ko sa mundo. me halaga ba ako? anu ang silbi ko?
straightforward and honest. i like it. style-wise, galing! allusion in play. metaphors on right places!
Dude, you have talent! Looking forward to reading more of your work in the coming weeks. Kudos, man! :-)
@ fr. fiel, svd: ehe try ko pong magsimba ulit ng 7:30 PM. Kapag tinopak. ;)
@lucas: napangiti ako. ehe. sa totoo lang, eto lang ang post ko na binigyan ng mabunying kritiko. nakakatulala! haha salamat apir!
naisip ko lang itong isulat habang wala akong customer na naggugulo. di ko makapaniwalang magiging makata ako kapag nakatanga lang sa station ko.
uhmm. syempre kaya mo yan. kaw pa. ;0 ska ang tiende kuya, yung malapit sa medical city. ;0
@jinjurks: identity crisei? ehe di ko na problema ko.. pakiramdam ko lang talaga eh para akong jagged pieces. ;0
@chaospilot: oi oi oi kelangan nateng mag-usap. ehe. bigla bigla kang aalis ng kritik-sosyal tapos bigla na lang kita mahahanap sa kung saan.
maraming salamat sa iyong talumpati. ehe. tagalog ang post ko, nag-ingles ka naman. magaling magaling. apir!
sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng ganitong papuri ang blog ko. ;0
@Andy Brinoes: uhm cge cge kuya! salamat! daan ka din dito minsan ulet. (ano daw?)
napakalalim...
ganyan din ang buhay ko pag gabi at magisa na lang sa kuwarto..
magaling naman talaga kasi eh :)
boredom could be a very potent motivator sometimes..hehe!
ay ganun? alam ko meron din sa bandang green hills?? ahehe!
pera. pamilya. pangarap.
pamilya. pera. yosi.
pera. yosi. inom.
at ang walang kamatayang gamit ng aliterasyon.
by asking that question, u've already began living your life purposely :) God bless into the beautiful journey of seeking the truth :)
@pugad I maya: ehe. parehas pa la tayo. apir!
@lucas: sabagay, may punto ka. pero aminin mo, mas emo ka! ehe
greenhills? wala kuya... isa lang ang tiendesitas.. yung nasa frontera verde. ;0 hamo minsan dadaan akong greenhills para ma-inspect na din. ;0 ;0
@chaospilot: ehe. tama. hanggang ganyang lang naman ako marunong gumamit ng literatura.
@ate honey: ^awed. sobrang awed. salamat sa pananalig!
Post a Comment