nung naghigh school ako at grade five ka ata nun, laging sinasabi ni mama na turuan kita sa mga assignments mo. tinuturuan naman kita. kaso pinapaiyak muna kita.
nung ikaw naman ang naghighschool, malapit na kong grumadweyt. inaasar pa rin kita. one time nga ata, muntik na kitang masapak. sori. ehe. at least di na ngayon. malaki ka na eh.
nung namatay si mama, kinuha kayo ni tita jean. sa marilao na kayo ni julius nag-aral. sa friendster ko na nga lang nakikita ang update tungkol sa mga naging buhay natin pagkatapos ang lahat. nag-mature ka na. nagdalaga. di katulad nung bata sa picture na nawala ko. takot kasi ako magtanong senyo. kung ano nang buhay nyo. natatakot kasi ako na baka akalain nyo na naging emosyonal ako pagkatapos mamatay ni mama. di totoong naging emosyonal ako. ayoko lang na tinatanong talaga kayo. kasi nga, mayabang ako.

kanina, tinext kita. kinakabahan ka kasi kung pasado ka sa entrance exams mo. tinanong ko kung ready ka na sa graduation mo mamyang gabi. di ko alam kung ikakahiya mo ko o itatakwil. ang reply mo; "kuya, kahapon kaya, hmmf.. daya mo di mo tuloi nakita maganda mong kptd." basag. tatawa ba ako o magpapatiwakal? im sure maiintindihan ako ni jesa. malaki na xa.
"o?xenxa, nawala ako sa oras. hamo, libre na lang kita pag-uwi mo".
"dami mo ngang utang eh. hehe cge."
kapatid... sori sa mga pagkukulang ko. sa mga kagaguhan ko. sa mga hindi ko nagwa. sa mga pangako ko. nung sinabi ng neurologist na wala na si mama, di kita nakitang humagulgol katulad ng batang lagi kong inaasar tuwing magpapagawa ka ng assignments. umupo ka lang sa tabi, niyakap si hab at hana, at duon, maski nanggigilid ang luha, tinuruan mo silang mag-pray. nanghihina ako habang sinusulat ko to. nag-mature ka na. nagdalaga. anlaki mo na kasi. mas matangkad ka na sakin ng dalawang pulgada. pwede mo na kong ipasapak sa barkada ng manliligaw mo. pero natutuwa ako. kasi... yun nga, nakakatuwa,. malaki ka na. at maski gago ako, proud akong makita kung ano nang naabot ng kapatid ko... babawi talaga ako. next time.
gusto ko tong sabihin sayo. kaso talagang nahihiya ako. gusto kitang i-congratulate. kaso... kaso.. wala. tameme ako at manhid para magdrama.
pero isang bagay ang sigurado ako. sobrang ipinagmamalaki kita. at bilang kuya, ittreat kita pag-uwi mo. pangako.
lilibre kitang kwek kwek.
10 palagay:
Mejo bully ka pala, ehehe.
O nga, kailangan mong bumawi sa kapatid mo. Libreng chibog at bagong damit (samahan mo na ng Twilight na pocketbook) ang katapat niyan. Biro lang.
Maligayang pagtatapos sa kapatid mo. :-)
haaayy... kuya yas. "open letter to a loved one" post tayo ngayon ah. hehe... pero as always, may kurot. napakapinong kurot.
God bless!
at least you realize na may nagawa kang pag kakamali. . .
nyaaah. . . nakialam daw ba. . .
Happy for your sister. . . =)
I'm happy for you too. . . =)
epals lang. . .
Mabait ka pa rin. Regaluhan mo siya isang set ng twilight saga.
Galing mo magsulat.!
lalo ko tuloy namimiss ang kuya ko. baby palang siya kinuha na siya ni lord, hindi ko na siya nakita aside sa mga pics nung wake niya... minsan nasisisi ko siya pag may problema ako kasi kung hindi niya kami iniwan, may kuya sana ako... tungkol naman sa mga nakababatang kapatid, bully rin ako, pero bakit ganon, ramdam ko paring mahal nila ko... ganon siguro talaga pag may mas nakakatanda sayo, na hindi ko mararanasan, kahit kailan... haaay... pag nabasa to ng kapatid mo, mapa-proud din siya sayo.
@andy: h. nabasa na nya buong saa. lufet ng mga girls ngayon. alam mo bang halos lahat ng kowts na igini-gm nya h quotes from mayer? haays. sakt sa ulo. ehe.
@bro.utoy: ehe. kurutin kita jan eh! peace. hehe. salamat sa kumento. nakakahaba ng kuko. :0
@mike: miss you too din boy. ehe. oo. hamo, babawi ako sa kapatid ko.
@bampiraako: aba3 kinakarir mo na ang pag-kumnto sa blog ko kuya ah. apir! at kelangan twilight din? hmpf. ehe salamat salamat!
@misoxymoronic: salamat sa pagpadpad sa aking portal.
uhm sori kung naalala mo yung kuya mo sa post ko...sabe ko na nga ba eh, bad influence ako. ehe. uhm thanks sa paalala. peroayoko talagang mabasa nya to ehe!
Wow thanks. . . namiss mo pala ako. . . wahehehee. . . :)
go lang ng go. . . happiness is everywhere. . . :)
wow bait-bait ni kuya! haha.. nakakatuwa, nakikita ko sarili ko sayo.. mahilig din ako mang-inis ng mga nakababata kong pinsan pagnagpapaturo sila ng lessons.
Haaay!!! Sarap mo namang maging kapatid. Seriously, sana ikaw nalang nalaging kapatid ko.
Post a Comment