[babala: isa na namang ewaness na post. ika nga, makapag-update lang.]
Namolesya ako. Ponyemas.
Naririnig ko na ang plano tungkol sa pagpapaayos ng likurang bahagi ng bahay namin. Isang planong walang giliw kong hindi pinansin, dahil alam ko na ang hihirit sa akin ng magagaling na taga-plano ng aming tahanan.
anak ng teteng. ako na naman ang taya dito.
Ni hindi ako excited sa mga pag-uusap. Kapag maririnig ko ang tatay ko ukol sa mga planong pangkalawakang ito, binubuksan ko ang ref at umiinom ng isang gatas na baso. (naguluhan ka ba?)
At ang plano ay kailangang isakatuparan. Pag-uwi ko mula sa aking exhausting day-off sermon session with tita Yoly, nakita ko na lang na bukas ang aming bubungan, exposed ang buong bahay sa kalangitan, kalat ang lahat ng gamit at ang kwarto ko, ginawang tambakan ng sapatos, kutson, mga hanger, sinampay at mga estatwa ng mga santong sinauna. Isama mo pa dyan ang kapitbahay naming parang lata ng Ligo sardines na walang laman.
Walang tutol, hinayaan ko na lang ang pamilya ko sa mga bagay na to. Pero ang alikabok- pesteng haliparot na mga alikabok- hindi ko kakayanin. Hanggang sa kwarto kong nasa ilalim ng hagdan, inabot ng alikabok. At dahil hindi naman ako makakatulong sa mga pagpukpok at paglagari, lumabas na lang ako para maghanap ng sariwang hangin.
Gabi. Akala ko ayos na lahat. Maski yamot dahil walang matutulugan, nakuntento akong sumali sa pamilya kong manood sa season finale ng Totoy Bato. Feel ko nasa Great Hall ako ng Hogwarts. Bukas ang kalahati ng bahay sa kalawakan. Ang kulang nga lang, walang bwan o mga bitwin.
Masamang sinyales.
At walang paligoy-ligoy, ayun na nga, umulan.
Saya no?
At ang kwarto ko? Nagtampisaw sa ulan. Ang mga libro ko? Muntik nang sumali sa piket ng mga hanger, pako, balat ng kendi at mga lumilipad na meralco bills.
At dahil abala ang lahat na lumikas sa mga kwartong hindi apektado, mag-isa akong sumasalba sa mga munti kong ari-arian maaring masawi sa dampi ng tubg. At si Totoy Bato? Tuloy pa din sa pakikipagsapalaran sa kwadradong makina.
Labinglimang minutong singkad. Labinlimang minutong akong aligaga, sabog sa pag-iisip sa kung anong gagawin, sa kung ano kailangang isalba at saan lulugar. Anak ng teteng nga naman oh. Nyemas.
At sa gitna ng lahat ng kahibangan, narinig ko na lang ang mahinang garalgal ng nababadtrip kong sarili, sunod sunod at paulitulit kong sinisi ang langit, minura ang mga talang nagtatago, ang mga ulap na nagkulay itim, at ang Mokong na gumawa ng malaking kalokohang uniberso. Gago ka. Wala kang pakisama
Galit ako. Galit na galit na galit na galit. Wala na ngang maayos na day-off, magkanda-matay na sa mga lumilipad na alikabok, at samahan pa ng sandamukal ng paimportanteng mga problema. Para akong ginahasa ng limang arabong maanghit. Galit ako. Galit na galit na galit na galit times ten to the infinity power.
Pero ang pinakamalaking joke?
Isang text message.
Di ko alam kung tatawa ako sa kahibangan o mababanas sa mensaheng patama. Ngunit dahil isa akong nagmamarunong na pantas, ang mensahe ay itinuring kong isang malaki at malakas na halakhak ng mokong na nagtatago sa mga maiitim na ulap ng gabing iyon.
when it is raining, heaven is touching the earth.
coincidence? sapul.
swak na swak.
Kung maalala ang last post ko, tungkol sa pagdududa kay mokong ang tinipa ko. Nyemas, marunong gumanti si mokong. at ako? naiwang nagmumura sa kalangitan, sinusumpa ang lahat ng bagay, at ika nga nga mga emoish, suicidal.
Paanong naging relatibo ang simpleng text message na yun sa nangyare sa akin nung gabing yun? Walang nakaka-alam. At walang makakaalam.
Isa nga lang akong tuldok sa napakalawak na ka-ewaness ng uniberso. At dahil isa lamang tuldok. At dahil isa akong tuldok, never kong mapagtatanto ang lahat ng mga bagay na nangyayare. Aaminin ko, asar talo ako kay Mokong. Talo ako kasi sumuko kaagad ang loob ko. Pero nyemas, sa sususnod na bababa ang langit para hipuan ako, sisiguraduhin kong handa na ako.
At tulad nga ng sa kanta, la la la la life goes on..
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
8 palagay:
natatanggal pala ang bubong...
Bakit nga paimportante ang mga problema no?!
Ka-ewaness ng uniberso! Nice! Napangiti naman ako dito hehe!! :D
haay aman, lungkot
Sana natapos nang ayusin ang bahay niyo ngayon.
(Maganda ang Tagalog mo, Yas. Ito ang isa sa mga nagugustuhan ko rito sa blog mo.)
akala ko na reyp talaga. . kaya dagli ko itong binasa. . . >_<
ingatz palage. . . >_<
haha. gusto ko ang mantra mong la la la la life goes on. akalain mo un? ke-bata bata pa natin (oo, NATIN! huhlolz) pero napakalaking responsibilidad na ang iniaatang satin bilang mga panalong tinapay.
patunay lang na malupet talaga tayo para bigyan ng ganiyan kalaking ekspektasyon ng Mokong sa itaas.
at ikinalulungkot ko palang ipamalita sa'yo na disqualified ka raw ayon kay miss janette toral dahil matagal ka na palang lumot dito sa blogosperyo. (blogs beginning may 2008 lang pala kasi ang kasali...saree). huhlolz!
magkaganunpaman, itinuturing pa rin kitang isa sa pinakamaimpluwesiya sa sarili kong pananaw, tatlong taong ako pabalik.
"sa sususnod na bababa ang langit para hipuan ako, sisiguraduhin kong handa na ako."
ay gusto ko to.
sapul.
mag ready ka lang.
dahil baka mamaya, hipuan ka na ulit.
at wala ka ng takas kundi sumusnod nalang sa gusto ni Mokong. :)
Godbless bro. :)
Post a Comment