Platform 9 3/4

by Saturday, July 18, 2009 4 palagay

Updates updates para hindi langawin. another crap.

Well, umuulan pa din sa kwarto ko. Konte na lang.

Bumabalik na ang boses ko pagkatapos ng tatlong araw na kasiyahan dahil sa debut ni Tin Joy.

Paubos na ulit ang pera ko. As usual.

I signed up for our company's outreach program sa Golden Acres sa July 26. Ang parehas na petsa na gusto kong ilagay sa resignation letter ko.

Sinamahan ko si Leroy na kumuha ng transcript sa aming mahal na seminaryo. Nakipagkamustahan sa English prof naming magaling kumanta. Pinagtripan ang mga koi sa columbarium garden na bagong gawa at nag-powertrip sa mga malalaking suso. Snail mga giliw kong basurero. Snail. Suso.

Isa akong potter freak at isa sa mga goal ko sa buhay ngayong 2009 ay mapanood ang first screening ng sixth installment ng Harry Potter. Kaya naman sa first screening, makati pa sa higad akong naghahanap ng kasamang manood. Buti na lang at nahablot ko si Tin Joy at ayun, maski mabigat sa kalooban na manood dahil isa sya sa nahuhumaling sa bampirang si Edward Cullen, sinamahan nya ko bilang pagtanaw ng utang na loob. Another check sa listahan ko.

Maganda ang movie, pero katulad nga ng lagi, da best pa din ang libro. Minadali ang last part. Suppossedly yun yung part na maiiyak ako pero potek, natawa na lang ako sa katabi kong kain ng kain ng tinapay na binili sa Breadtalk. Shemay, di naman talaga masarap. Pero para sa pagkakaibigan, kumain na lang din ako.

Nagbabasa ng dalawang libro. Young Blood 3.0 at Sophie's World. Pampabawas ng katangahang nasasagap ko sa putahan.

Guilty ako sa mga taong nagbabasa at sumusubaybay sa mga basura ako. Hayaan nyo, babawi ako. Magkaroon lang ako ng oras at malinaw na pag-uutak. Pero bilib ako senyo. At dahil jan, hintayin nyo po akong bumalik galing Mandaluyong.

At hanggang ngayon, umaasa pa din ako na sa bawat pagbaba ko sa istasyon ng Katipunan, makakakita ako ng isang sira ulong katulad ko, hinahawakan ang bawat pader ng istasyon, sa pag-aakalang isa sa mga iyon ang lagusan papunta sa nag-aabang na pulang tren patungo sa kabilang mundo.

Yun lang muna. Babalik ako. Pagkatapos ng ilang panahon.Memento mori.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:

<*period*> said...

hmmmmm...pareho tayo..ganiyan ang ginagawa ko dati sa mrt north station

leroy said...

see? haha. i told yah. argh, wala yung laban-laban, badtrip. naamaze pa naman ako sa effects at bg music. haha. argh ,kulang sa violence! haha.

RED said...

Sophie's World,,, hmmmm... ikamusta mo ako kay Jostein Gaarder

bryz25 said...

nabasa ko na sophie's choice.

the best. nakakaiyak at lyrical na narrative.

usta?