Hindi ko na kailangang magpaliwanag tungkol sa pamagat. Sumasakit lang talaga ang mata ko kapag nakikita ko kung gaano kababaw ang media at showbiz ngayon pagdating sa kung sino ang pasisikatin. Malinaw, nabibili talaga ang entablado.
Hindi na rin kailangang magkwento pa ng mahaba tungkol sa kanya. Hindi naman madadagdagan ang buhay nya kung mag-aalay ako ng kakarampot ng mga salita sa blog na to. Ngunit katulad ng mga isinigaw ng mga naka-dilaw, Cory, di ka nag-iisa.
Hindi ko talaga kailangang magkwento pa. Nakikita nyo naman. Ang telebisyon, unti-unti nang nagiging sabungan ang mga politiko. At walang kang pakielam. Dahil ang tanging nasa-isip mo ay kung kailan lalabas ang pelikula ni Aling Dionesia.
Sumasakit ang migraine ko.
Si Aling Dionesia, Si Cory at Iba pang Kwentong Telebisyon.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
5 palagay:
natural migraine yan. magtaka ka kung bibigyan ka ng ginhawa ng sakit mo at ng sakit ng lipunang kinamumuhian ko. huhlolz!
huling komento para sa'yo, tatlong taong ako pabalik.
haha. tama ka. kaya nga wala na kong sinabe. haha
bakit huli? hoy! hindi pa nga kita lubusang nakikilala aalis ka na. haay naman.
nabibili tlg ang entablado. ang daming nangangarap maging ASTISTA.
isang malaking circus na ang telebisyon. at least, libre pa rin siya. yun nga lang, di ka na matutuwa.
masakit nga yan sa headache.
mamili ka na lang pirated na DVD ng Lost, Heroes o Cruel Love..tanggal 'yang migraine mo..hehe..saka at least yung mga foreign na palabas, may sense 'di katulad ng mga shows ngayon sa TV natin na nakakabobo na talaga tudamax..hayss..
Post a Comment