Una kong narinig ang Giniling Festival sa iPod mo. Ewan. Alam ko nung una pa na hinding hindi magkakasundo ang hilig natin sa musika. Nagtatalo tayo kapag screamo (yun ang tawag mo sa genre na sumisigaw at umaalulong ang bokalista) ang pinapatugtog mo. Pero ngayong wala ka sa bahay, palihim kong pinatugtog ang isang buong album ng Giniling Festival sa laptop. Naalala kita at ang mga panahong tumitipa ka sa gitarang mong tadtad ng sticker.
Humingi ka ng pang-dalawang linggong baon sa akin. Pero isang linggo lang ang binigay ko. Baka kasi hindi ka na naman umuwi ng maaga kapag marami kang pera.
Maski labag sa gusto ko, pinabayaan kitang mag-skateboard kasama ng mga mukang adik mong tropa. Lagi kitang pinapauwi kapag nakikita kitang nagpapadausdos sa kalye. Andami mo nakasing gasgas at sugat. Alam kong yamot ka lagi sa ganun pero sinusunod mo ko. Pwede ka namang humindi. Pero hindi mo ginawa.
Marami kang kalokohan sa skwela. Pero dahil ako ang kuya mo, inintindi kita. Alam ko kasi magbabago ka din balang araw.
Ikaw lang ang kapatid kong lalaki. Ikaw ang paborito ni Amma at ni Papa. Hindi ko lang alam kung anong nangyayari at lagi kayong hindi magkasundo ng tatay mo. Nayayamot ako na naaawa tuwing nag-aaway at nabubugbog ka. Parehas kayong mali ng tatay mo. Galit ako sa inyong dalawa. Pero parehas din akong naawa. Nung gabing nabasag ang ilong mo sa baseball bat na hinampas sayo, ako ang unang nasaktan. Walang kasing sakit ng makita ko kayong magtatay na halos magpatayan. Ako ang nahirapan patigilin ang dugo sa sugat sa ilong mo. Hindi ako nakapag-puta nung gabing yun dahil ikaw nagka-lagnat, yung tatay mo high blood.
Hindi kita masyadong nakakausap dahil yamot ako sa inyong dalawa. Kaya dalawang araw bago ko nalamang damit ko na lang ang nasa cabinet. Wala na din ang mga bag mong puro voodoo dolls. Hindi kita namalayan. At nalungkot ako dun.
Out of service ang telepono mo. Hindi ko pa alam kung pumapasok ka. Nangako ako sayo ng cellphone o skateboard ( kung ano sa dalawa ang mas mura) kapag wala kang bagsak. Kung tutuusin, mas matalino ka sakin pero dahil pasaway ka, suki ka ng summer classes.
Hindi ko alam kung kelan ka uuwi o kung uuwi ka pa nga ba. Maski mas tahimik ang bahay kapag wala ka, mas gusto kong nandito ka. Alam ko, hindi ako ang tipo ng kuyang hinahanap mo. Pero peksman, hindi ako nagsisi na naging kapatid kita.
Kung nasan ka man, bumalik ka na.
Pwede mo ng i-install ang latest version ng DOTA sa laptop ko. Hindi na ko magagalit.
Pramis.
*Si at para kay Juan Julius
**12/08/09
Umuwi na sa bahay si Eboy. Ilang araw din syang namundok sa taniman nila tito sa Montalban. Ako naman ang kailangang lumayas. Ginagawa ang bahay at hindi ako nakakatulog kapag uwi ko sa tanghali.
Eboy*
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
5 palagay:
hmmmm...mukang talagang malamin at malaman ang mga kaganapan sa buhay mo boi, pero kung ano man ang naganap/nagaganap sa inyo na hindi tama, sana maayos nyo.
sana masaya na ang susunod mong post <"ang pagbabalik" na sana ang title>
-yffar
Elyas:
Now I see a clearer picture of your misery. What he did to your brother is just wrong. There is no excuse for a father to beat up his own son. I can't blame Epoy. He's young and intelligent. He could have understood your father if he talked to him with TLC. Instead, he resorted to violence and no one will condone this.
My heart goes out to you. I feel the pain, the misery and the hopelessness.
But you can still do one thing.
Since REASON doesn't seem to wake him up, the time has come for you to attack his HEART.
Tell him that what he is doing is KILLING you and your brother. What he's doing is totally UNACCEPTABLE.
Tell him that your mother is seeing everything from the distance and this is not making her very happy. You and your brother are here because you both love him. But, love must be a two-way street. Tell him once and for all that if he could no longer show love to his children, then he should not expect RESPECT from them.
He had lost a wife. He might lose his children as well.
Be strong, my son. I know things are not good right now, but there's always hope – waiting to emancipate you and your brother from misery.
I am hoping that all of you would eventually be emancipated from misery. Your family will be whole again, and your mom will finally have peace. I do believe that the ugliness of the situation right now is making her very unhappy where she is right now – perhaps to where the sky and earth meet.
I'll include your family in my daily prayers. Nothing is impossible.
Try to have peace in your heart.
na-sad naman ako dito. bumalik na sana siya.
ako din, parati kami nagaaway ng ate ko pero love ko yun. nung nalaglag nga siya sa hagdan (dahil naman sa daga. magkapatid talaga kami) ako nagtakbo sa kanya sa ospital sabay bigay ng kalhati ng sweldo ko. ganun talaga ang family.. love love lang.
about your dad, mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun nalang ang tingin mo sa kanya. bad yun. di natin siya bati.
haaay, yas. we share the same sakit sa headache because of our younger brothers. i can only let out a deep sigh.
why dont we meet and smoke our problems out? that's for a good start.
haaaayyyy.....gusto ko nang makwelang post mo sa susunod, lalo lang akong nalulungkot.
Post a Comment