The Erap Jokes

by Monday, November 09, 2009 12 palagay
Pagod sa pagpuputa at galing sa paglalakad sa bwakinang kay inet sa araw, binuksan ko ang telebisyon para makahanap naman ng konteng kaligayahan sa mundong paulit-ulit ang takbo.

Wala pa ring cable at internet sa nilubog naming barangay. Ang nakakapagtaka pa dito, tatlong bwan na ding di dumarating ang bill ng selpown ko. Jusko, subukan lang nilang pagsabay-sabayin ang dating ng bayarin, magbibigti ako. Isama mo pa dito ang pakulong Globe Tattoo internet na yan, mas mabilis pa ang dial up. Kaya laking pasalamat ko sa SM Marikina at sa Burger King, naiibsan ang stagnant kong buhay tuwing rest days.

So balik tayo sa kwento. Dahil walang cable, magtitiis ka talaga sa anim na channels na nasasagap ng TV. At dahil linggo, consuelo de bobo na ang manood ng mga concert tv. Ewan ko ba. Mas malinaw ang Dos ngayong araw na to. So wala akong magawa, nadatnan ko ang sarili kong nakatingin sa mahabang baba ni Ai Ai Delas Alas.

At poof. Dun nagsimula ang pagsakit ng sikmura ko.

May pamliyar na mukha na kumakanta. Medjo sablay at mababa ang boses, parang galing sa impyernong walang kasing lamig. Nagulantang ang buo kong pagkatao ng bumulaga sa akin ang muka ng dati kong Presidente- kumpleto sa porma, get-up at wristband. Hoodlum na hoodlum. Fresh na fresh. Parang walang nangyari.
.
Gusto kong pumatay este patayin ang TV. Basura na naman ang laman ng boobtube ng madla.
.
Hindi ko mapatay ang TV gawa ng nanood ang Lola kong pumipila sa takilya nung kadalagahan nya para manood ng mga action movies ng dati kong Presidente. Tyak na magagalit yun kapag nilipat ko. Idol nya si Mr. Ex-president. Gusto ko sanang bigyan ng leksyon ang lola ko tungkol sa Edsa Dos na nagpatalsik sa bata nya at nagluklok sa isang dyosa na walang alam kundi ang gawing pocket money ang buwis ng mga khowl zehner agents na nakikipagpatintero sa gabi. At dahil sa pagod na din, hindi na ko nakatayo para maglaslas sa kusina. Dalawang minuto akong tortured kakatawa.
.

Tumatawa sa ka-ipokritohan ng media, ng showbiz at ng kamera. Napaka-ayronik ng mundo. Ang magnanakaw nakakagawa ng pelikula kung san isa syang huwarang OFW tatay habang ang sinungaling na nagpalaya sa kanya eh nagluluxury dinner sa Manhattan kasama ng mga askal nyang tuta. Di ko alam kung mayayamot ako sa walang humpay na kalokohan na nakikita ko. Pero dalawang bagay lang ang alam kong sure na sure na mangyayari. Una, pipilahan ng masa ang come back movie ni Erap para sa mahirap (watda? hmmkei.) dahil kelangan nilang matawa at pangalawa, mababaon na naman sa limot ang resibo ng kinain ni Gloria. Dito ako naguguluhan sa mga Pinoy- kaya nating tawanan ang problema delubyong mala-armageddon man ito o pambansang panggagahasa.

Natural na sa atin ang baha at landslides sa parehong paraan na normal na satin ang tungkol sa mga korap at mandaraya. Nagagawa pa nating kumaway sa kamera pagkatapos ng unos sa parehong paraan na wala tayong pakielam kung totoo nga bang marunong mag-multiply ng boto si Garci. Kung pagbabasihan ang kasabihang ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw, isang malaking angkan ng magkakamag-anak ang pamahalaan at lipunan. Ito ang kultura ni Juan. Mapagtimpi. Marunong magtago ng sikreto. Mahinahon. Tamad.

Natapos ang kanta ni Erap pero di pa sya abswelto sa atraso nya sa atin. Kung ako ang tatanungin, bukod sa Simbahan at Estado na di dapat pagsamahin, idagdag sana nila ng showbiz pa sumaya naman ang mundo ng telebisyon. Mas marami pa sana tayong oras para sa panood ke Darnang paiba-iba ng artistang gumaganap at sa PBBng wala namang naituturong maganda bukod sa sumunod ka ke Kuya kung hindi eh vote out ka.


Uso na naman ang Erap jokes na nagpapadagdag sa sakit ng migraine ko. Pero naniniwala ako kay de Quiros;
.
May araw din tayo.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

12 palagay:

TheCoolCanadian said...

Lahat ng sinabi mo'y tigmak sa masakit katotohanan, at halos ay naaamoy ko ang nakasusulasok na mga kabulukan sa bansang Pilipinas. Ang pinatawad at nagpatawad ay kapuwa dapat ibulid sa dagat-dagatang apoy, sapagaka't kapuwa sila roon karapat-dapat.

Nauunawaan ko ang lahat ng mga katagang punung-puno ng kapaitan at kawalang pag-asang iyong isinulat. Sa bawa't araw sa bansang Pilipinas ay pinaiiral ang mga dula-dulaan na tulad ng Moro-moro't Zarzuela; Naroong mgasipagsayaw ang mga ito ng Rigodon at Cha-cha.

Tunay ngang nakakahapo na ang mga mga kabaliwang ito na animo'y wala nang kinahahantungan kundi ang pagpapayaman ng mga politiko at pagkabaon naman sa pusali ng mga nilalang na walang habas na hinagupit ni Ondoy.

Ang maipapayo ko: Huwag LASLASIN ang iyong pulsuhan, kundi tadyakan ang mga politikong mga magnanakaw nang matauhan.

Piliin ang KULAY na magdadala ng katotohanan.

cArLo said...

well i find it fascinating and nice that we are able to smile, laugh and be happy amidst the typhoons and problems na dumadating saten... sana lang e wag lang mabaon sa limot ang mga nangyari saten, including the dinner date sa ibang bansa ng presidente.
basta enjoy lang ^_^

citybuoy said...

hala.. galit na galit?

ngayon ko lang nagets yung "khowl zehner" hahahaha akala ko parang european na kumpanya. loko ka talaga. haha

di ako nagparehistro bumoto. ayoko nga maisip na kung maging g*go binoto ko, tumulong ako magluklok dun. in all fairness, matino naman si GMA nung simula. or baka nabulag lang ako sa hypnotic mole nya.

TheCoolCanadian said...

Cidy boy from callcenner:

Mag-rehistro ka. Kailangang mabilang ang iyong boto. Alalahanin mong para sa kinabukasan mo ito, ng iyong mga magiging anak at anak ng iyong mga anak.

Huwag sumuko. Mag-rehistro at bumoto. Piliin ang lesser evil dahil iyon lang naman talaga ang magagawa natin.

cArLo said...

@nyl: wahahaha hypnotic mole talaga? hehehe
well hindi pa din ako nakakaregister sa edad kong to hehehe ^_^

Kris said...

Natapos ang kanta ni Erap pero di pa sya abswelto sa atraso nya sa atin.

nice ranting, yas. kakaiba si erap.

i was hesitant not to register. i hate how our government system works with all these red tapes and unnecessary pila. that was before erap made the shameless declaration to run in 2010.

his declaration, nonetheless, created an urgent need for me to register as a voter.

shameless erap.

caloy said...

ang saya ng post mo..hahaha! :D galit ka din kay ex-president na trip i-legalize ang jueteng? ang saya!

Yas Jayson said...

@ CoolCanadian:
Natuwa naman ako sa payo mo. Haha!
Pramis, di ako maglalaslas ng pulso given na hindi sya mananalo.

Kulay? Dilaw bay an? NYAHA!

@ jinnakedxds3
Yan ang pinoy. Cool!
Kaya nga. Dapat hndi natin kalimutan ang mga nangyayare.
Maging mangahas. Maging palaban!

@ citibuoy:
Hindi naman msayado. Para lang naman akong nakakit ng lumilipad na epes. Haha!

Yih. Say it once again for the second time around..
KHOWL ZEHNER. Haha!

Ako din. Walang konsidirasyon ang aming munisipyo. Fnck :D

@ kris:

Buti ka pa. haha! Oo, nabasa ko nga yung post mo re dun.
Haha. Kundi ka pa natakot sa pagtakbo ni erap, di ka pa nagparehistro.

@chicomachine:
At sino bang hindi magagalit dun? Imba sya. LOL :D

citybuoy said...

haha punong puno lang tayo ng galang sa ating pangulo. iequate ba daw ang hypnotic mole niya sa flying epes? haha

khowl zehner. di ako makaget-over! haha

wv: craver - craving for epes or for her hypnotic mole? haha

Jmar said...

Hindi sa malalang marketing strategy ng media ako magpapakamatay...kundi sa kabobohan ng taumbayan pag naging presidente ulit si Erap. Alam nyo yung EDSA DOS? Ano yun joke?

AL Kapawn said...

nasusuka na rin ako sa bulok na sistema ng gobyerno.. matagal na...

ilang taon na rin pikit mata na lang ang taong bayan.. ako rin naniniwala sa sabi ni de quiros noon sa kanyang nilathala.. me araw din ang pandak na me pekeng nunal.

pikit man ang mata ng taong bayan, ngunit gising naman ang diwa.. wala lang kasi magawa.

Mac Callister said...

naks politics ang usapan!

hayyy mag bibigti din ako pag nanalo si erap!LOL