Ibang Daan Pabalik

by Thursday, December 31, 2009 14 palagay
Kung sa isang imposibleng pagkakataon ay makakausap mo ang sarili mo isang taon ang nakakaraan, anong sasabihin mo?

Di kita nakilala ah. Ang laki ng pinagbago mo. Hindi ka na mukang batang gusgusin. Dati dati naglalaro ka pa ng Ragnarok, ngayon adik ka na sa Mafia Wars. Marunong ka na din ngayong mag-CTRL+F4, dati hindi mo pa alam ang paggamit ng tabs sa internet explorer. Siryoso, kung titignan mo ang mga pictures mo ngayon, parang trahedya lang ang inabot mo. Haha. Joke lang. Cute ka pa din naman.

Dapat nag-enroll ka nung June. Sayang, natengga ka sa pagiging second year. Pero naiintindihan ko ang mga nangyari. Hindi mo naman hinayaan ang sarili mong mangalawang. Sayang at binaha ang mga librong ninakaw mo sa Ozanam library este binili mo. Pero ayos lang, in due time makakapagsimula ka ulit ng book collection mo. Mag-enroll ka this year. Planuhin mo ulit ang mga pangarap mo.

Di ko alam gagawin sa katamaran mo. Hindi ka nakapagparehistro sa COMELEC. Buti na lang at extended til January 9. Umayos ka. Maniwala ka na may kabuluhan ang isa mong boto. Ayusin mo na din ang TIN at NBI mo. 18 ka na. Tama na ang kasinungalingan.

Andami mong naka-away. Ayaw mo kasing nakikinig sa kanila. Alam ko tama ka pero walang mawawala kung magpapaka-babang loob ka. Take the initiative to say sorry. Hmmkei? Uulitin ko. Walang mawawala kung ikaw ang hihingi ng dispensa.

Isa pa, rerela-relasyon ka, hindi ka naman marunong tumagal. Nakakayamot ka. Ewan ko ba sayo, alam ko siryoso ka pero hindi ka marunong magtagal. Wag kang magtangi ng nararamdaman at nalalaman kung wala kang balak panatilihin ang relasyon. Wag mong hintaying ibang tao ang mang-iwan sa'yo. Tandaan, ang umiibig ay nagtitiwala. Kapag nakita mo na ang kaligayahan mo, wag mo nang iisipin na baka may mas hihigit pa sa taong sa'yo na. Sa mundong ito, natural na may nakakahigit at nakakababa.

Pwede mong i-try ang gumamit ng panyo. Grabe, isang taon ang natiis mong umaalis ka sa bahay nyong walang pamahid ng oily face at uhog. Saka makahulugan din ang paggamit ng panyo, marerealize mong hindi lahat ay kaya mong ipinid at pigilan. Sipon man ito o luha.
Wagma takot sa lamig at tubig. Maligo lagi bago pumasok sa opisina.

Ituloy mo ang sinimulan mong pag-aaral ng espanyol at italyano. Imperare nouvo cosa.
Dapat hindi ka na nag-apply sa ibang kolsenter nung panahong badtrip ka sa kumpanyang pinapasukan mo. Matatawa ka lang sa naging bunga ng pagbulabog mo sa sarili mo. Sa sobrang kagustuhan mong umalis, makikita mo ang sarili mong kuntento sa trabaho. Kitams, isang taon ang counting ka na jan? Nakakapag-facebook ka pa nga sa shift mo eh.
Kung ano man ang patong-patong na problema ang naranasan mo, naka-smile ka pa din. Ayos yan. Ipagpatuloy mo. Pero wag naman sana hanggang sa pagkakataong kikimkimin mo ang lahat. Tandaan, may quota ang kaya mong ilihim sa sarili mo.

Dagdagan mo ang mga lugar gusto mong puntahan. Sayang hindi ka natuloy sa Boracay at Cotabato. Iwasan na ang pagexplore sa mga bagong bar. Mas maganda na yung may home base ka. Umuwi ka ng maaga. Magpaalam sa tatay mo kung san ka pupunta.

Sa sobrang karubduban mong maglingkod sa simbahan, mas marami kang naging puna kesa appreciation. Wag kang mawawalan ng tiwala at direksyon. Hindi relihiyon ang dahilan ng iyong paglilingkod kundi paniniwala. Nosi balasi, wag papadala sa mga sinasabi ng matatanda at kritiko ng simbahan dahil ang mahalaga ay yung mga hindi nakikita. Ang puno ng mangga na maraming bunga ay puno pa din. buset. Haha!

Alagaan mo ang sarili. Magswimming ka ulet o mag-enroll sa badminton clinic. Sa lifestyle mong naka-upo sa opisina at naka-higa pagdating sa bahay, andami mong naging sakit. Lugi ang health provider ng kumpanya mo. Magbanat ng buto. Try mo namang labahan ang sarili mong damit.

Magblog ka. Ikwento mo ang buhay mo. Wag ka nang hihirati sa kalungkutan. Tumula ka. Magkwento. Magkenkoy.

Pwede kang umiyak paminsan-minsan.

Mag-ipon ka naman para sa sarili mo. Anlaki na nga ng sinasahod mo, nagkakautang ka pa.
Ipaubaya mo na sa kapalaran ang snatcher ng phone mo. Everything is grace. Saka may paraan ang kosmos para iikot ang tadhana sayo. Wag ng bitter. Potangena talaga nung magnanakaw na yun. Pakyu sya.

Never be too much demanding and appreciate simple gestures.

Recognize your blessings. At sabi nga ni Lio, do at least three things everyday that will get you closer to your dreams. Makinig ka sa mga matatanda.

At kung ano mang balak mo sa susunod na taon eh pag-isipan mo muna ng maraming marami. Ito man ay pagpasok ng hindi naliligo o mga siryosong hakbang. Manatili kang naniniwala at nangangarap.

Iba man ang dinaanan mo papunta, laging may bagong daan kang makikita. At tulad ng sabi ng LRT 2, lahat tayo ay dadaang gumagawa ng daanan.

(ps. matuto kang mag-edit ng posts mo. adik ka.)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

14 palagay:

lio loco said...

tae, ipangalandakan talagang mas matanda ako? huhlolz!

happy new year na lang sa'yo, elyas! darating ka rin sa puntong maaabot mo na ang gusto mong abutin. ST lang. ST as in STD. huhlolz!

TheCoolCanadian said...
This comment has been removed by the author.
TheCoolCanadian said...

A day of reckoning.

What can I say?

You are slowly transcending, becoming more and more enlightened as the days go by.

However, I see a cigarette and a bottle of alcohol in your hands.

That is a step backward.

You know that tobacco and alcohol have killed millions of people allover the world. I had three cousins who died at the prime of their lives – from smoking and drinking.

To truly move forward, to truly catapult yourself into higher existence, is to know how to protect yourself from harm. Alcohol and cigarette are two things that will surely bring devastation to your young body. If you stop both of them from invading your system, then I can say that it will be the beginning of the so-called wisdom.

And wisdom is the end of ignorance.

leroy said...

putek. recycled blog entry. boo. haa

Unknown said...

happy new year yas! natawa ako dun sa part about the snatcher. lolz. XD

citybuoy said...

i think it's really sweet. madami kang natutunan this year. ano kaya sasabihin ko dun sa 2009 nyl? parang weird nung conversation na yun.

pareho tayo. i need to start saving. nararamdaman ko.. 2010 is our year. kamown. haha

Kris said...

happy new year, yas. it's great to hear that you've learned many things this year straight from your second person view. we'' never stop learning.

Kosa said...

palakpakan muna!!!!

*clap*clap*clap*

ang lufeeeet mahaba pero makabuluhang pangaral sa sarili!
tama yan! magblog ka. lagi-lagi.

______________

makinig ka sa matatanda? tulad ni Lio? lols

Yas Jayson said...

@tae este lio:
oo naman. mas matanda ka sa akin ng tatlong taon. so there. kelangang nakikinig sabi nga ng lola ko.

hapi nu yir din. gago. baka ikaw. haha!

@comment deleted:
salamat sa pagdalaw!

@cool canadian:
thanks for the end of the year advice. so far your comments have helped me a lot. :)

i am sorry if you find me young and drinking and smoking. these are my guilt and i am resolved to "lessen" my intakes. haha! srsly, i share the same thought about wisdom only that i hold my own judgement on the last two things. but i am a good boy and that is for sure.
(cross your fingers.)

happy new year, whatever your real identity is!

@leroy:
ikaw ang recycled. i can know. ^^
happy nwe year though, i had a great year.

@binchee:
oo, ambitter bitter ko pa din sa snatcher na yun. potek, kapag nakita ko sya sa sisingilin ko yun.

happy new year!

@kuya Nyl:
sweet? thanks kuya! try mong kausapin kunwari (mag-baliwbaliwan) and sarili mo one year ago. matutuwa ka din. lol

oo nga, andami kong utang. :/
happy new year!

@kristoffer:
we never stop believing that the future is friendly. :)
haha! (telus, ikaw ba to? lol)

i learned a lot. thanks for this year.

@kosa:
ampotek, napadaan ang finofollow kong blogger. salamat! joketime lang yang mga sinulat ko,. haha. pero i will do my best to make it as my guideposts this year. salamat at manigongong bagong tahong!

Andrei Alba said...

wow. hands down ako sa pagsulat mo.

mukha namang natuto ka na. anu't ano pa man, tuto pa rin ang mas mahalagang salita kaysa sa tutok.

gege said...

ang kulit mo...
ahaha!

hello!

:P

Andrei Alba said...

bagong theme. clean, neat, and.

Yas Jayson said...

@andrei: salamat sa paniniwala. (:

@gege: makulit talaga ako. hello din sayo. (:

Jinjiruks said...

napakalalim mo pare, saludo ako sa pamamaraan ng iyong pagsasalita. madali mong nakukuha ang atensyon ng mga mambabasa. hindi mo aakalain sa itsura mong yan nung nagkita tayo. nakakagawa ka ng katha ng nakakapag kirot sa puso ng mga tao. tunay kang binigyan ng talento ng nasa Taas. ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat para makapagbigay ka ng inspirasyon sa iba.