Sa mga Bagay na Paulit-ulit at Hindi Napipigtas.

by Sunday, December 13, 2009 10 palagay
Makikita mo kong may stick ng yosi tuwing alas kwatro ng umaga, apat na beses sa isang linggo.
.
Katulad ng marami sa mga makabagong pokpok, balot ako ng jacket at may hawak na lighter, hindi nag-aabang ng mga kinakating nilalang bagkus ay nagmamadaling umubos ng yosi. Naging talento na ng marami ang pag-hithit ng tatlo hanggang limang stick sa loob ng labing limang minuto. Nakakatawang isipin na kahit gaano kalaki ng pera sa gasgas mong atm card, hindi mo pa rin magagawang bumili ng oras.
.
Kalahating kaha araw-araw, apat na beses sa isang linggo. Pati ako, natatakot sa talent kong to. Hindi man nagwi-wish, araw-araw akong nagbabaligtad ng isang stick. Ewan, nakasanayan ko ng gumawa ng wish stick.
.
Lilinawin ko lang. Ang tumitipa ng mga letrang sa blog na ito ay hindi batang star margarine. Hindi ko din pakay ang makipagpalighasan sa kasikatan. Bobo ako sa grammar, magulo ako magsulat, wala akong disposisyon, hindi ako nag-aaral. Hindi ako ang inaakala ng ilan na batang bibo. Mali kayo. Loko-loko ako.
.
Napapagod na kong magkwento tungkol sa kalungkutan, sa mga kaluluwang langaw, sa mga kalasingan, sa mga pagtatampo. Hindi naman kasi yun ang original plan ko kung bakit ako nagbblog. Gusto ko ulit magkwneto tungkol sa mga umiibig, sa mga nagpapatawa, sa mga interisanteng lugar at pangyayari, sa mga bagay na mahalaga. Ngayon ko lang narealize, inubos ko ang panahon ko sa pagsusulat ng kalungkutan. Matagal ko na talaga gustong ikwento si Nanay Pina, si Maita,si Nato, si Hiyas, ang big time palaboy, kung bakit ako naadik sa pesto, sa presto peanut butter at sa san mig light. Ayoko nang dalawang magkaibang mukha ng facebook at blog ko. Ayokong mahirati sa kalungkutan pati kasi disposisiyon ko sa pag-ibig ant desisyon, naapektohan.
.
Ito na nag huling pagkakataon na magkukwento ako ng tungkol sa mga walang kwentang kapighatian. Kung darating man ang araw na maglahad ako ulit, tinitiyak kong malubha ang dahilan ng pagkakasulat. Naisip-isip ko, matagal na din pala akong nagmumukmok. Panahon na para maging masayang blogger.
.
Pilit na pagpupumilit. Wawakasan ang mga bagay na paulit ulit at hindi napipigtas.
.
Itim pa din ang basurahan at malaya kayong magkalaykay.
.
Kaya sa huling hithit ko ng yosi sa last break ko, sisimulan ko ng humabi ng kwento galing sa mga ala-ala na naging bahagi ng pagiging ako, ng pagiging kong tao. Hindi man kaabang-abang, alam kong sa gantong paraan ay magiging mas mabuti akong tao.
.
Mas mainam.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

10 palagay:

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

first base ba ako?

friend na ba tayo sa facebook? kung hindi pa, add mo ako: fielsvd@yahoo.com

sakpin said...

tagos tagosan ito... magaling! aabangan ko yan.

taympers said...

waaaah!!!!!!!!! matalino ka naman ah. di ko magagawang babalik sa blog mo kung walang sense ang sinasabi mo dito. heksayted na ako sa mga bagong post mo, mabilisang transition ito.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

salamat sa pag-add sa facebook elyas. may kinuha pala akong picture doon para sa aking ginagawang grand christmas video. hehe.

Nash said...

Goodluck :)

add mo din ako sa facebook!

Search Mo: Nash Serapion :) cheers!

Check out my podcast! http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/12/test-podcast-christmas-gift-list-listen.html

Kris said...

magkaiba man tayo ng layunin sa pagbablog, friends pa rin tayo, yas. :p

wanderingcommuter said...

clap! clap! clap!

Rico De Buco said...

oi ako din magiging happy na isusulat ko..ayaw ko na ng laging sad

Dear Hiraya said...

tama ka diyan.. nakakapagod din yung nasanay ka na ang binablog mo eh yung mg amalulungkot/madadrama mong sandali sa buhay. Kahit na alam mong hindi naman yun ang dahilan kung bakit ka nagbablog pero dahil nagiging kusa na lang sayo na magblog para sa mga ganung bagay. Buti sana kung sa blog mo lang maglalagi ang lahat, kaya lang, bumubuo ka ng isa pang katauhan sa blog mo na kung minsan eh iba na sa totoong ikaw. Dahil na rin dito, naapektuhan yung totoong ikaw, yung ibang ikaw.

happy Holidays Elyas!

www.hiraya.net
www.hiraya.co.nr

Yas Jayson said...

@fr. fiel: ferly friends na tayo. yay!
nasan na ang grand christmas video 'dre?

@sakpin: salamat. salamat! :)

@taypers: kung sino ka man taympers ( o nakalimutan ko lang kung sino ka. hehe) salamat sa pagtitiwala. naku, wag mong dadalasan ang pagpupuri, baka mahirati ako. lol

@nash: gotcha.

@kris: soska.

@kuya ewik: klap klap? hmmkei. salamat@

@rico: kitams? kelangang laging ganyan. positivism dapat ang ating pairalin. yay!

@fjordz: natumbok mo parekoy. haha! oo, yun ang na-realized ko. kaya pipilitin kong mas maging totoo sa bawat pagsulat. ayoko na ng masyadong kalungkutan. :D