I. Ika-limang araw ko na ng pananatili sa kanto ng Vicente Cruz at Piy Margal. Kasama ko sa unit ang may-ari (ata) ng laundry shop sa ibaba ng building. Ang unang gabi ay puno ng kwentuhan sa pagitan ng isang litrong beer sa veranda. Kung sino man sa mga kapit-bahay namin ang may-ari ng wireless router, maraming salamat sa libreng wi-fi.
II. Aktwali, iilang malapit na tao lang ang nakaka-alam ng paglipat ko kaya surpresa na mapagtanto ko na alam ng mga taga-simbhan na nagtatago ako sa Espanya. Nagkamali ako ng napagsabihan. Potek. Pero ayun, mega tanggi pa din ako at press release pa din na sa bahay ako nakatira. :)
III. Kailangan ba talagang bombahan ang air bed kada dalawang araw? Mukhang ito ang magiging exercise ko.
IV. Napagtanto ko na mahirap humiwalay sa mga responsibilidad ko sa Youth Ministry. Kailangan lang ng tamang tyempo. Sa tuwing naiisip ko na lalayuan ko ang mga ginagawa ko sa simbahan, hati ang emosyon ko. Masaya dahil magkakaroon ako ng mas maraming oras para sa sarili ko at panghihinyang na mawawala sa sirkulasyon ng buhay ko ang pagiging aktibo sa aking grupo. Ngunit gaya ng mga break up stories sa mga korning pelikula tungkol sa pag-ibig, totoo ang gasgas na kasabihang move on at let go. Sa tamang panahon sa hinaharap, magkakalinaw din ang lahat ng mga pangyayari. Anupa't naniniwala ako na tayo ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan.
V. Pinangako ko sa sarili kong magbabawas ng utang at mas magiging malapit sa pamilya ko at unti-unti ko na itong nabibigyan ng kalinawan. Shock ang lahat sa putahan na nagkaroon ng increase ang aming buwanang sweldo ( at dahil dito, kailangan ko na talagang kumuha ng TIN number) kaya nakabayad ako sa ilang mga utang. Nakakatuwang isipin na itong linggo lang ay lumalabas na ako ng madalas kasama ang mga kapatid ko. At dahil nalula ako sa laman ng ATM card ay nanlibre ako ng dinner sa liblib na cafe na paborito kong puntahan (ang korni ng lola ko, ayaw nya raw ng pasta pero nilamutak nya ang bolognese na hindi naubos ng bunso kong kapatid.) Maski hati ang isip ko na manood ng I Love You Goodbye na tungkol sa isang barista, doktor at photographer na nagkanda buhol buhol ang relasyon eh kasama ko sa Gateway ang ate ko at si Jesusa na nanood ng last full show. At sa pagitan ng mga kape ay nagkwentuhan kami tungkol sa pag-aaral, relasyon, pagpapa-ayos ng bahay at ng lahat sa pagitan. Iyon ang unang pagkakataon ko na makausap ng maayos ang ate ko tungkol sa mga plano ko sa buhay.
VI. Naamoy yata ng langit na nagbukas ako ng porn site kanina. Ayun, nayanig ang katauhan ko ng lumindol. Pramis, sinara ko kagad ang window at nagbukas ng isa pang browser. Nag-tag na lang ako ng pityurs sa peysbuk. Pramis.
.
.
VII. Walang kokontra, magaling magsulat si Dan Brown. Kung itinuturing sya na kaaway ng maraming tradisyunal ng Katoliko dahil sa mga sensitibong pagsusulat nya ng bagay na tabooed, ipinapalagay ko na mas naging affirmed ako sa relihiyon ko matapos mabasa ang mga libro nya. Faith is tested by shaking the foundations. Bahala na si Bro. Eli at ang tatay ko sa pag-interpret ng mga nasusulat sa Bibliya. Kanya-kanyang trip ika nga. Ehe.
VIII. Nasa Subic ako nung Linggo, nang-gate crash ng family outing nila Joy. Naging masaya ako. Ito ang unang pagkakataon nagyong taon na malinaw sa akin ang kasiyahan. Para na naman akong bata kasama ang mga buhangin at frisbee at sandamakmak ng pagkain. Balak kong bumalik sa Pebrero. Maski mag-isa.
IX. Marunong nako mag-download ng torrent file. Kitams? Maraming salamat sa desperasyon ko na makapanood ng Glee episodes.
X. Biglang nagtext ang ex-crushie ko na malungkot sya sa pagiging third party sa relasyon nila ng boyfriend nya. Natawa naman ako sa ideya na naging tama ako na itigil ang panliligaw sa kanya, ang gulo nya kase sa detalye. Okay lang sana sa akin na magsinungaling sya at mag-alter ng sitwasyon basta hindi ko nahahalata. Eh kaso nabingwit ang isda sa sarili nyang mantika (?). Bahala sya. I am happily loving my self more as of the moment. Again, a realization from the past.
XI. Nababawasan na ang stick ng yosi na nauubos ko. Nawala kasi yung lighter ko. Badtrip.
XII. I had a heart-to-heart talk with my supervisor. Akala ko coaching sa station nya nung pina-log out nya ko pero nagpunta kami sa roof deck. Work related stuff and some yadda yaddas. But srsly, I felt more of a sister and friend when she was talking to me. I just realized how much she took care of my issues so I can continue working. She's not my boss anymore starting today and I sent her an email. I was thankful after all.
XIII. Hmmkei, andami nang lihim ang nasiwalat at... at... wala na kong masabi.
17 palagay:
May naisip ako pero hindi ko sasabihin.
Ganito na lang:
Sana dumalas pa ang pagsusulat mo.
Pagmulat ba naman ng mata ko, blog mo ang bungad.
ipagpatuloy mo lang yan! hehehe
every time you open a porn website, a dolphin gets killed and an angel loses its wings.
@jonell:
potek ka, kailangan mong magpaliwanag sa mga pagtatago mo. :)
dalasan? eh kita mo ba ang trend ng pagsusulat ko, pabugso-bugso? ampota ka. hehe.
may mali ba sa maaagang blog posts ko? :)
@kuya ewik:
anong ipagpapatuloy ko? ikaw ha... ehe.
@kuya nyl:
dolphin? watda. lol
pero pramis, sinara ko kagad, natakot ako sa lindol eh.
oo dolphin.. kasi masama yung ginagawa mo.
@kuya nyl:
sinara na nga eh. :)
(mukhang bibigyan mo ko ng detention. haha)
aus yan at least nakakapagblog ka na ng masasaya..dalasan mo pa kung pwede mong dalasan ang pagsusulat..ako eh binubuhay ko ung bucosalad.sna nga mabuhay hehehe..
mbuti at nagiging okay na sayo ang lahat..masaya yan
hahaha dude, bawas-bawasan ang panonood ng porn. nakakapayat yun at nakakpasma. lol
anyways, ano nga kasi company mo? hehe
great job with the layout Yas! stegg! ^_^
Mon
http://www.monzavenue.com
Isa iyong sign na medyo tumatanda ka na parekoy!!!
Ipagpatuloy ang nasimulan para sa taong Ito.
Hehe
way of the cross? pota. haha you're so fugly elias. :| haha
ps.
di na ako tutugtog ng violin a. :]
k. sama ko sa feb ha.
elias jayson anu ba talaga first name mo. tagal na natin hindi nagkikita. kita naman tayong tatlo nina kuya dan mo. bakit sa personal hindi ka kasing ingay gaya ng ginagawa mo dito sa iyong blog. *biro lang*
@rico de buco:
waw! natutuwa ako na nagiging masaya na din ang blog mo. ikr, happiness is contagious. :D
keep blogging, mate!
@Mon:
pramis, binabawasan ko na talaga. :D ehe.
alam mo yun ikaww pa.
@kosa:
hoy, si lio lang at mga kalabaw ang tumatanda. nyaha!
ipagpatuloy na sinimulan? alin dun? haha
@comment deleted:
hi. napapadalas ata ang dalaw mo. balik ka ulit. :D
@leroy:
katulad ng sinabi ko, umayaw ka kung umayaw. wala na kong responsibilidad don. just go, k? :D
@fergie:
sige.
@kuya jin:
WOHOOOOY! TEXT MO KO. NAWALA KO CONTACT NYO NI KUYA JIN EH. :D
maingay ako no. konte lang. haha! i miss you mga kuya!
praning ka talaga elias. nde ko kaya alam number mo. bigay mo nalang number mo sa email ko. nasa profile ko.
hmmm... nasa service ka din pala. and tulad mo, this year, i've decided na tama na. taena! magka-40 na ako, asa singles pa rin.
cheers!
red
Post a Comment