

Kung ang tanging kinakabahala mo sa mga panahong ito ay kung paano tataas ang ratings ng campaign ad mo na pinagkagastusan mo ng ilang milyon, kung paano lulusot sa utang na pinang-kain mo at ng mga alaga mong tuta sa New York, kung paano patatagalin ang proseso ng hustisya para sa mga napatay mo at kung paano makakabalik sa pwesto para mapasa-legal ulit ang jueteng ay tunay na higit kang maswerte sa lider ng bansang niyanig ng lindol na hindi magkandatuto sa kung paano hihingi ng tulong sa ibang bansa.

Nakatira ka sa bansang mahirap pero natutunan kong walang mahirap na hindi makapagbibigay. Pwedeng nalubog ang bahay nyo sa baha nakaraang taon o nag-pasko ka sa evacuation center dahil nagbuga ng bato ang bulkang Mayon pero hindi dahilan yun para hindi mo makita ang ibang nangyayri. Nakakayamot isipin na mas alam mo ang nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya kaysa ang katotohanang habang nagpapakain ka ng mga virtual pets mo sa Pet Society ay may limampung libong walang pangalan ang inililibing at ibinabaon sa kabilang panig ng Pasipiko. Parang walang nangyayari. Ika nga ng kaibigan kong kabayaong walang hinete, kiber lang.

Kung ang tanging problema mo ay kung bakit nawalan ng signal ang cable mo o kung paano pipigilan ang magmura sa telepono, mas mapalad ka sa daan libong taong walang makausap at mahingian ng tulong. Kung nakakapag-aral ka at nakakatambay sa mga inuman sa kahabaan ng Dapitan pagkatapos ng klase ay mas maswerte ka sa mga estudyanteng nataubunang kasama ang kanilang mga pangarap habang unti-unting binibigyan ito ng katuparan. Kung ano man ang dahilan, tinadhana man ito o sadyang isang natural na pangyayari, may layon o walang kahulugan, ang nangyari ay hindi ikinikibit balikat ng isang taong may bait at alam.

Sa mga gantong pagkakataon natin nakikilala kung sino ang tunay na tao. Sa mga sundalong iba-iba ang bansang pinagsisilbihan hanggang sa maraming nagkukusang tumulong, wala akong maramdaman kundi ang humanga. Kailangan ng maraming gagamot at maglulunas sa Haiti at nakakatawang isipin na kung magagawan ng paraan ay meron tayong libo libong nurse at doktor na pwedeng magvolunteer. At dahil na-overwhelm ang Pinoy sa sardinas at noodles na bigay ng mga politiko, magandang ipadala ang mga karton ng pagkain sa malayong bayan kung saan walang nakakakilala sa mukha nila na nakidikit sa pabalat ng lata. Sa ganung paraan mapapatunayan kung sino ang talagang ibig maglingkod. Dun sa mga hindi makakaboto sa kanila. Dun nila ibigay ang tulong.

Paano mo sasabihin sa isang batang babae na natabunan ang nanay nya ng gumuhong supermarket? Paano mo bibigyan ng maringal na libing ang daan daang katawang walang pangalan? Bakit ako nanghihingi ng kahulugan sa mga nangyayari? Wala. Wala lang akong maisulat. Minsan, wala naman talaga kasing sagot sa mga tinatanong natin. Ang mahalaga ay kung ano ang napagtanto natin sa ating mga pagtatanong.

.
Walang naman talagang punto ang mga sinulat ko. Pero ang mga larawan, meron.
.
.
(Photocredits:http://www.msnbc.msn.com/id/34845446/ns/news-picture_stories/displaymode/1247/?beginSlide=1 )
13 palagay:
sana mabasa ito ng mga taong sapul at masasapul sa makabuluhang pagtalakay ng isang bata pero kung mag-isip eh sintanda na ni Mahoma.
ayus na ayus parekoy!
Magaling. Kudos, Tol.
sa totoo lang, gustung gusto kong takpan yung mga mata ko sa mga litratong nilagay mo dito. hindi ko kasi talaga matagalan yung mga ganun.. kaya nga nung Maguindanao Massacre eh hindi ko talaga kinakayang manood ng news na nakatingin sa TV. Mas okay sa akin ang makinig na lang sa news.
halimaw ka pa rin.
Ang ganda. Sobra. Nakakaiyak. Ibang klase ka magsulat. :')
the pictures are heart-breaking and disturbing..
the post is an eye-opener..
we can all help in our own little way.
Mon
www.monzavenue.com
grabe... i hope na maikalat tong article mo kasi really it's an eye-opener! I'll post it on my fb for all my friends to see it!
gusto ko iyong blog mo dahil nagbibigay mulat siya sa reyalidad ng buhay..magaling kang magsulat.
apir apir..
aren't you a little too young to be so concerned with this stuff? haha seriously though, sana mabasa to ng mga taong tumatakbo for public office. para hindi lang hanggang commercial ang involvement nila with the poor.
@kosa:
oo. pakyu sila.
Hoy. Mas matanda ka saken. Haha!
@quicksilver:
Waw! Bagong mambabasa. Salamaaat!
@pyords:
The ugly truth ser. Sadyang may mga katithanang hindi natin kaya o ibig Makita.
Pwedeng pumikit. Pero hindi natin madadaya an gating tenga at imahinasyon. Parte kasi tayo ng lahat ng nangyayari. Alam man natin ito hindi.
@fergie:
Sorry, di ko gets.
@pau:
Isa pa to! Salamat sa padalaw. :D
Salamat. Lahat naman tayo may istilo ng pagsusulat.
@mon:
Very heart-breaking indeed. Lalo na kapag yung buong set ng slides ang titignan mo. Magugulantang pati kaluluwa mo. Haha. Siryosli spiking, kelangan talaga nating dumilat.
@elay:
Wulangya ka!!! Sikret blog kaya ito. Haha.
Anyways, I appreciate. Nak nampating, parehas pa tayo ng pangalan.
Baadtrip. :D
@rico de buco:
Salamat. Kitams? Nasa mood ko lang talaga ang pagsusulat. If something triggers me to write, I write it. Actually, between work ko to sinulat. :D
@kuya nyl:
Naniniwala akong walang age requirement sa pagsasabi ng katotohanan. Haha. Point taken. BATA pa ako. Period. Haha!
Dapat lang. puro sila commercial. Hmp. Di natin sila bati. :D
tama di natin sila bati.
haha to naman makareact.. galit? joke. may biblical verse pa. haha tama ka. walang age requirement ang katotohanan. i think it's good na ganyang edad ka palang, may awareness ka na.
at di naman masyadong malayo edad natin. last i checked ha. bwahaha
the pictures just didn't say a thousand words. they affect you in a way that will crush you're selfish core...
wheew.
Post a Comment