'To live without faith, without a patrimony to defend, without a steady struggle for truth, is not living, but merely existing.' - Pier Giorgio Frasseti
This is why I am ending the silence. Kaya nga ba ayoko talagang nanonood ng local television. Hina-highblood ako.
--------------------------------------------
Halong tawa at inis ang naramdaman ko ng makita ko ang balita tungkol sa pagkaka-appoint ng manikurista ni GMA bilang member ng board of trustee ng PAG-IBIG Fund. May katwiran na pasok ang nasabing manikurista sa mga simpleng kwalipikasyon ng pagiging board of trustee ngunit hindi ko rin mahanapan ng dahilan kung bakit sa lahat ng higit na may maaring matutulong sa naturang ahensya eh isang myembro ng presidential household ang mailuluklok. Ano na naman bang pumasok sa isip ni Gloria? Bumaba tuloy ang tingin ko (at alam ko pati ang marami sa atin) sa pamantayan at kapangyarihan ng PAG-IBIG. Jusme. Sumasakit ang migraine ko.
--------------------------------------------
Sa dokumentaryo ni Kara David na Paraisong Uhaw, ipinakita ang kahabag-habag ng kalagayan ng mga mamayanan sa isang bayan sa Leyte tuwing tag-tuyot. Imagine sa isandaang pamilya, wala pang dalawampu ang may balon. Hindi ka pa makakasiguro kung ilan sa mga balon na iyo ang may tubig na maiinom o di kaya'y maski malinaw dahil marami sa mga ito ay maputik, mabaho at madals, tuyot na. Naawa ako sa statement ni barangay captain na inabot sya ng syam syam upang i-lobby ang halagang ten thousand pesos upang ipang-pagawa ng sementadong balon. Naisip-isip ko, ten tawsan pesos pahirapan pang maibigay ng pamahalaan? Bwiset. Gusto kong mahabag sa mga batang himbis na maglaro ay sapilitang maghahanap ng bukal at maghuhukay. Anak ng jingle ni Manny Villar.
Isa pang dokumentaryong napanood ko ay ang Batang Bubog ni Rhea Santos. Tameme ako sa wish ng batang buong araw na naghahalukay ng basura para makahanap ng bubog; ang makabili ng tsinelas para hindi sya mabubog. Magkano ang tsinelas? 35 pesos. Nayayamot ako. Sa halagang 35 pesos ay susuong ang batang yun sa disgrasya. Anak ng patetik siopao.
--------------------------------------------
At sinong pumayag sa mga Ampatuan na mag-presscon? Ano sila, Malakanyang? Anak ng butete, nakakayamot pa ang iladlad nya ang listahan ng susuportahan nilang mga kandidato. As if makakatulong ang pagpapakita ng suporta para tumabla ang kaso nila. Ghaaad. Grabe ang black propaganda. Nakakaawa ang kalagayan ng Pilipinas kapag napawalang sala ang mga pumatay. Saludo ako kay Atty. Harry Roque. (:
--------------------------------------------
Hmmkei, wala talaga akong masabe. Letse.
3 palagay:
at lahat yan eh napanood ko!
hmmm... ganun talga!
talaga namang nakakalungkot isipin yung mga ganyang scenario sa pinas..
sana may magbago after ng may
droppedby to just say i liked the candid(ness) of your blog/s. keep up.
viewing your thoughts gives me more reason to start my own blogging shit. lols.
have a safe blog.
cheers.
Post a Comment