Kagabi, pinagpalit ko ang isang araw na pagkita ng syam na raang piso sa ilang bagay na hindi kayang ibigay ng pera at pagtatrabaho sa putahan.
Hindi ito ang buong nangyari pero nung hapon na yun, maski mas maaga ng isang minuto ako umalis ng bahay para magtrabaho, nahuli ako. Gawa na hindi na ko pwedeng umabsent, nagdesisyon akong tumawag sa resource para magpa-tag ng half day.
Hindi ito ang buong pangyayari pero nagdesisyon akong bumalik sa pamantasan. Pagbaba ng gusali hawak ang isang litrong karton ng gatas, nag-abang ako ng taxi na magdadala sa akin sa Katipunan. Eh may walanghiyang magnanay na puwesto sa harap ko at inagaw ang taxing pinara ko kaya naghintay pa ko ng ilang minuto. Traffic sa boni serrano, imagine otsenta pesos ang ginugol ko.
Hindi ito ang buong pangyayari nang tumambay ako sa tambayan para tapusin ang mga dapat tapusin at makilala ang mga kabatch ko sa org. Dapat babalik na ko bago mag 7:30 pero dahil nabighani ang aking gunita sa mga nakikita ay tumawag ako sa opisina, kinausap ang butihin kong amo, nagpaalam na hindi na makakapasok.
Di ito ang lahat pero kabado ako kaya nagtext ako kay erlinda, tell me: all shall be well. Tinadtad naman nya ko ng all shall be well all shall be well all shall be well. At nang dumating ang kaibigan, dumiretso kami sa sinehan ng pamantasan.
---------
Paanong isang pag-liban, isang larawan, isang pangungusap ay magbabago sa isang pagdedesisyon? At paano, sa mga paraan o sa isa, nagiging dakila o hamak ang mga pagtatakda ng landas o karera? May isa akong teorya. Ang tao, sa kanyang talino at pagkamapusok, ay tulad ng itik na nangarap na maging gansa. Ang imposible'y nahahanapan ng posibilidad at ang mga pangangarap ang kanyang nabibigyan ng pagdadahilan.
Saan nag-uumpisa ang isang pagbabago? Simple. Sa isang rebolusyon. Kung nakuntento ang uod sa pagiging uod, ang paro-paro sa isa lamang ideya. Nagsisimula ang lahat sa isang pag-aaklas, mahinahon o marahas, sa isang pagbaklas sa mga bakod, o sa mga pagputol ng mga masamang sanga. Ang lahat ng kung ano ang mundo ngayon ay resulta ng tao at ng kanyang rebolusyon. Ang lahat ay nasa isang proseso ng rebolusyong internal, kalaban ang sariling mga pamantayan at paniniwala.
------------
Lumabas ako ng seminaryo sa pag-aakalang mas progresibo ang partido kaysa sa simbahan. Hindi rin pala. Porket ba bakla ako ay hindi na ko pwedeng humawak ng baril? -jun, muli
Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako dumaan sa isang rebolusyong pansarili. Sa katunayan, araw araw akong dumidigma sa mga pagkabagabag. Ang kaguluhang kung ano nga ba ang gusto ko, ang ako at kung ano ang pipiliin ko ay isang masalimuot na pakikipagtunggali sa mga bagay na pinaniniwalaan ko araw-araw. Walang panahong hindi ako naiiwan ng pagtataka at pagrarason. Ngunit ang isyung pansarili ay hindi isyung nadadaan sa retorika at lohika dahil di lang sarili ko ang kalaban ko. Sa paghahanap ko ng ayos at porma, unti unti kong nakikita ang malaking pagkatikwas ng relihiyon at lipunan laban sa sarili kong pagtuklas.
Relihiyon. Lipunan. Institusyon. Hindi ito ang panahon upang hanapan kayo ng dahilan sa bawat pagtutol nyo sa natural na inklinasyon ng tao. Ngunit hindi rin ito ang pahanon, o higit kaylanman, na dapat kayong parusahan sa mga hindi o ayaw nyo pang tanggaping katotohanan.
Ito ang dahilan ng pagkakasulat: Ang hamon ng panahon ko ay sya ko ring buhay. Lahat ay nilikhang malaya't hubad. Malaya't hubad din akong nais bumalik sa pinanggalingan. Walang alinlangan sa maling dinidikta ang pagiging tao ng mundo, maka-tao sa bawat pagpili ng kaligayahan. Hindi ito ang lahat ngunit tama na ang mga ito sa ngayon, hindi man ito ang lahat ngunit di rin naman ito nagkulang.
Ito ang hindi ng lahat kung kaya sa ikaw na nakababasa nito, na nakasanayan ang pag-intindi sa salimuot ng mga hinabi kong salita, na katulad ko sa pang-unawa't pagkakalantad, alam ko na batid mo ang bawat kahulugang itinatago ko sa bawat letra pagkat hindi tayo nalalayo sa estado ng pagkatao at ng pagkanilalang.
-----------
Saan nanggagaling ang inspirasyon at saan papunta ang mabuti? Syam na salitang nagtatanong.
Ito ang aking pagtutuldok sa sariling pagkamakitid. Isang pagpapakatotoo.
Kasihan nawa ako ng Dyos. Sya rin naman ang nagsabing papanatag din ang lahat.
Sulong.
9 palagay:
parang artik ng tibak. nakakagising ng dugo.
revolution of any kind is usually good. but it should be well-timed.
sulong.
natutuwa ako sa sinulat mo. :)
To question is the most human thing to do. Our free will, an extant of this very humanity, begs this questioning, not as evidence, but as a translation. Of our inherent thirst to evolve, to improve, and to mold our reality. To question, is to be rebellious, subversive, and ultimately, human.
There is no other way to live.
Each day is a chance, an opportunity, to redefine our identity, and express our humanity. Find comfort in the fact that by questioning, you acknowledge, and by verifying, you learn.
The end is never absolute, the same way that the beginning will never be consummate.
Mga pamatayan at prinsipyo. Mga punyal na hinasa ng sariling karanasan. Masakit na malalaman mong baluktot ang iyong pagkakagawa at ikaw na mismo ang nahihiwa nito. Ang hirap bitawan. Pero ganun talaga. May mga bagay na kinakalawang at naluluma.
i've always been a fan. though i don't comment as often as i could, i do dwell on reading your posts. God bless in your personal ventures. kakasiyahan ka Niya, as long as you allow Him to be by your side always. :)
just be strong in all the things you are facing.. choices are part of our life and sometimes we need to choose things that we dont really like..sometimes, its better to let God guidance shun through us..but sometimes being impulsive cuts through..
ei,yas do u think that i need to return to my bucosalad?(if ever u saw my new blog yakee files) which is better? which is which? i'm having difficulty of reaching to readers dun sa bagong blog.
yung upsca ba org mo? ew. hahaha
paci: haha. dugong tibak to :) saree naman. salamat sa pagdaan!
oy: exactly. everything shall be on it's own time.
carrie: ohmy, naintindihan mo ko. thanks ng marami tita carrie! :) :)
red: yes, no other way to live.
marlo: at may mga bagay na pinaninindigang personal. thanks!
pamela: huwaw nama, i am touched. thank you so much for being here. god bless you too.
rico: acting on impulse is proven necessary sometimes. LOL
balik ka na sa bucosalad. mas ayos ka din :) (labo lang. haha)
Post a Comment