Aamin ako. Bago ko pa man muling naging close si M, dumating si Wis. Sa loob ng tatlong araw na panliligaw nya (oo tita carrie at nimmy, ako ang nililigawan), nakita kong di lang libog ang nakita nya sakin kaya natuwa ako sa kanya (haha! matatapos ko kaya tong post na to?).
Ngayon ko lang napatunayan na totoo ang mga korning eksena ng love triangle sa mga soap opera. Mahal ako ni Wis, sobrang mahal na nung nanghingi ako sa kanya ng panahon na mag-isip ay di sya nagdalawang isip. Pero mahal ko si M (ang classic. pffft), sobrang mahal na handa akong maghintay sa kanya. First time kong maging mahinahon at matyaga. Di ko nararamdaman ang inip ng paghihintay sa panahong makakalimutan ni M ang mga bagay na tumatakot sa kanya. Pero Tita Charo, ano ba ang dapat piliin, yung mahal ka o ang mahal ng isda ngayon?
Alam ko ang sagot sa tanong ko kaya pinili kong di sumama sa road trip ni Wis at maghintay sa terminal na bababaan ni M. Sinumpa ako ni Wis tulad ng pagsumpa ng mga witch sa Romania sa presidente nila dahil di na sila tax-exempted. Pagbukas ko ng facebook profile ni nya, kulang na lang tusukin ako ng mga kaibigan nya ng karayom sa pagsumpa nila sa taong nagpalungkot sa kanya. Nagmuka akong bitch sa facebook thread nya, Tita Charo. 'gaguhan pala ha! :) mamalasin ka pwes! kukulamin kita! go to hell talkshit! :D' ang sabi nya. Kulang na lang, ipasara nila ang butas ng pwet ko.
Tanong uli, anong mas tama: Piliin ang ,ahal mo o mahal ang pamasahe papuntang Madrid? Alam ko ang isasagot, Lio. Natutunan ko sa tong-its na mas mahalaga ang mag-intay sa baraha para makumpleto mo ang isang combination kesa mag-ipon ng maraming king at queen at jack na di mo naman kailangan. Di ako naniniwala kay Ricky Lee, Victor. Walang quota ang pag-ibig. Kasi ang pag-ibig, sugal. Kailangang may lakas ka ng loob na dumiga.
Kane, now I too am bitch. But I don't care. I love this waiting.
(M, kung mapag-tripan mo man na basahin to, I want you to know that for once, I am ready to give in or give up everything just for you to forget the things that hurt you. Minsan man lang sa buhay ko, gumawa ako ng desisyon na hindi ko pagsisisihan.)
Bloggers, let's eat pasta (:
-----------------
PS.
Dahil bagong taon, magsisipag na ulit akong magbasa ng blog. Magiging friendly na din ako. Promise. Amen.
Ang tunay na dahilan ng sumpa
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
5 palagay:
Pasta would be nice. If you decide to finally hold the housewarming, pasta's on me. Mamili ka: putanesca, alfredo o pesto di oglio. Hehehe.
I hope he's worth it. Be happy Elyas. :)
kaya mo yan yas!!!
pa-join ako jan sa pasta. =D
tama talaga yung sugal ang pag-ibig. konti lang ang nakakaintindi niyan. andaming nag-aalangan na ipusta lahat.
oi kelan ang pasta na yan, bakit sila lang ang niyayaya mo, andaya mo talaga hehe, sorry naman at hindi ako nakakadalaw sa blog baka nakakain pa ako pag naunahan ko sila.
honga pala, alam ko naman na tama ang pinili mong desisyon. no regrets!
nice post elias
magaling ka talaga mag sulat
Post a Comment