Para kay Dannille, Karla, Joy, Arlyn, Don, Patrick, Chem at sa lahat ng kaklase kong magtatapos
Nitong nakaraang linggo lang, pagkatapos ng mahaba-haba ring panahon, naisipan kong tumambay saglit. Doon, sa tindahan sa tapat ng Faculty Center sa aming unibersidad, naupo ako’t nagpahinga, pinanood ang mga sasakyang nakikipag-unahan sa mga guro’t estudyanteng may kanya-kanyang pinanggalingan at pupuntahan. Nagsimula nang mamunga ang mga puno ng bulak sa unibersidad, ihinihipan ng mainit na hangin ang hibla ng mga halamang-ulap.
Karaniwang eksena na ito sa amin, tulad ng inaasahang pagtatanim at pagtubo ng mga Mirasol sa pagtatapos ng Marso’t pagpasok ng Abril. Pinagmasdan ko ang mga tao’t sasakyan, ang mga hibla ng bulak—parang langit na bumaba sa lupa—inisip ang mga Mirasol na malapit nang mamukadkad. Pinantasya kong lumilisan ang aking kaluluwa, sumakay sa pumpon ng mga bunga ng bulak, papunta doon sa mga tanim ng bulaklak.
Sa aking pantasya, pumitas ako ng libo-libong dilaw-kahel na bunga, at inialay ang bawat isa sa kanilang magtatapos at mag-uumpisa. Isang bulaklak para sa bawat munting tagumpay, sa pagpupugay sa bawat puwersang naghatid sa direksyong ito. Sa aking pantasya, lahat ay may perky Sunflower na matiyagang nag-aabang, isang Mirasol para sa bawat magtatapos at doon sa paparating pa lang, isang bulaklak na mamumukadkad sa panahong sakto sa kanya, mamumukadkad para sa kanya at wala nang iba pa.
Vlademeir Gonzales,
Graduation: Perky kids, ritwal ng wakas-umpisa at M2M S-A-S-A-Y-A
UP Diliman 2010
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
1 palagay:
sarap basahin ng tagalog. marami pang katulad nito Yas.
husay!
Post a Comment