May katabi akong mag-ate kahapon sa jeep pauwi ng office mula Calabanga. Ten years old yata yung panganay habang nasa-kandong sa kanya ang nakababata nyang kapatid na lalaki. Sa rutang ito, di uso ang lingon lingon sa bintana dahil sa siksikan kaya wala akong nagawa kundi tignan ang eksena ng mga kasama ko sa byahe. Minsan, may katabi kang may dalang anim na manok at kung suswertihin ka, may kambing ka pang kasama.
Habang masid ko ang magkapatid na naiipit, naalala ko ang isa sa maraming eksena noong bata pa ko na umuuwi kami ng ate ko sa Malolos. Grade six sya at grade two ata ako nun. Nakalimutan ko ang dahilan pero isang beses, bumyahe kami ng kulang ang pamasahe. Maraming pagkakataon nung bata ako na ganun ang eksena, kulang ang pagkain, gipit sa baon.
Naka-ngisi akong inaalala yun at ang larawan ng magkapatid sa tabi ko. Pagbaba sa Naga, tinext ko si ate. May nakatabi akong magkapatid sa jeep kanina. Naalala ko nung mga nene pa tayo at kulang ang pamasahe natin pauwing Malolos. Haha.
Reply nya: Hahah. Kapal nga ng mukha ko nun.
Bihira kami mag-usap ng ate ko maliban kung usaping hatian sa reponsibilidad kaya ang mga simpleng bagay tulad nito ay hindi nangyayari. Ang tanda ko, ang huling usap naming di problema ang topic ay nung binanggit ko sa kanya si Marc. Syempre, di ako pinalampas ang pagkakataong yun para kausapin sya.
Text ko: Pramis the little girl really reminded me of you. Pero shemps mas malaki ang mata mo nung bata ka pa.
Nyeta. Di na nagreply.
sister
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.
1 palagay:
"...ang huling usap naming di problema ang topic ay nung binanggit ko sa kanya si Marc."
Buti di ka nagkaproblema dun
Post a Comment