Nilalatag ko ang mga gamit mula sa kahon. Ilang pares ng medyas, ilang libro, mga tshirt, at dalawang pares ng sapatos. Itim ang kisame at amoy pintura ang mga dingding. Simula sa araw na ito, ito ang bago kong tahanan.
"Kailan nyo ho maayos ang aircon, tita?" sabi ko sa landlady.
"Bukas. Yung nasa sa dorm kasi, ililipat ko dito sayo tapos yung sayo, ibaba ko sa dorm kasi masyadong malakas. Mag-isa ka lang naman."
Mag-isa ka lang naman.
Isang gabi, isa sa ilang mga gabi na maari tayong matulog magkasama. Malikot kang tumitihaya-tumataob sa kama dahil sa init. Pilit mo ring pinagkakasya ang katawan mo sa banig na para lamang sa isa. Alam kong di ka sanay sa ganitong kasimplehan ng mga bagay.
Isa-isa kong nilalabas ang mga gamit sa karton. Mga damit na diretso sa aparador, sepilyo't mga sabon na ipinatong sa ibabaw ng inodoro, at ang nag-iisang malong na ginagamit kong kumot sa gabi na maingat kong inilapat sa ibabaw ng unan. Sa ilalim ng karton, katabi ng dalawang lata ng biscuit na ginawa kong lalagyan ng mga basura at ala-ala, nakita ko ang teddy bear na bigay mo noong araw bago ako umalis papuntang Surigao. Maingat ko itong itinabi sa unan. Hindi naman pala ako mag-isang matutulog ngayong gabi.
2 palagay:
Soul-searching once more?
Till when, Yas?
Youth has its limits...
And no one is getting younger.
http://gaysomecomic.tumblr.com/
Hoping this would cheer you up (just skip to the comic strips).
All the best with life, Yas. (-:
Post a Comment