[Tumatakas si Hudas]

by Wednesday, October 24, 2007 0 palagay

Minsan kailangan muna sigurong magpasya at pumili ng isang pagpipiling ginusto mo na lang.
Kasi alam mo may magagawa kang ikaw lang ang pwedeng makagawa.
Kasama sa gagawin mong pagpili ang iwan muna maski sandali ng isang pangarap na dati pang kumakatok sa puso mo.
Maski sandaling iiwan, na hindi mo pa alam sa ngayon kung gagawin mo talaga, naiiyak ako kapag naiisip ko na mangyayare yun sa'ken-

Ang umalis muna ako pansumandali sa isang pangarap na pumuno sa mga pagsisikap ko.
Dahil sa isang higit na pangangailangang ako,
at walang iba kundi ako-
ang makagagawa ng paraan.

Hindi minsan makatarungan para sa akin ang pagkakataon,
pinagsabaysabay minsan ang combo ng buhay.
Ang dami ko na palang na-miss sa buhay ko,
at mas marami pa kung magpapatuloy ang mga ito sa isip kong lito.

Lumabas muna ako sa sarili ko.
Hinanap ang magiging masakit na desisyong magbabago sa akin.
Lingid sa marami kung ano ang kalagayan ko,
at ano ang mga nasa isp ko.

Kung talagang laan sa akin siguro ang isang pangarap,
Maghahanap at hahanapin ako ng pangarap na yun.
Pero sa ngayon, isang magulong ideya ang pilit kumapit sa magulong kwarto ng kukote ko.

Nasaan na nga ba ako?
Heto, isang dakilang duwag na nagtatago sa mga gilid at bakanteng espasyo.
Kamusta na ko?
Ewan.
Di madaling sabihin ang mga lihim na iyong pilit tinatakasan at ikinukubli.
Pero unti-unti, sana, magbago ang hihip ng hanging kanina pa nanggugulo sa buhok kong magulo at wala sa ayos.

Kahit anong pagpili ang gawin ko, masasaktan din naman ako.
Kasama na yun siguro sa buhay.

Yung tipong biglang masasaktan ka...

Ah mali, nasaktan ka na pala.




Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: