Dean's List: Rank #6

by Tuesday, December 04, 2007 5 palagay
Buong kababaang loob kong itatago sa blog na ito ang isang bagay na maski isang beses sa aking buhay ay di sumagi sa aking buhay pag-aaral.

Ang maging Dean's list ng mahal kong seminaryong pinapasukan. Di ko alam kung sila'y mga naduleng o kaya ay nagkamali ng pagkakasulat at nakita ko ang pangalan kong nakasulat sa isang puting papel na nakasabit sa pintuan ng registrar. Etchas, sino ba namang mag-aakala sa lokong ako na madalas mag-cutting sa Fil 1&2, Trigo, Chem, Algebra ay makakapasok sa listahan kasama ng mga banal na dean's list. Kung malalaman ito siguro ng Vatican, eh isa na akong heretic at nagtatago na sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ganun pa man, maski ayaw kong mangyare malalaman ng Mama at Papa ang isang kalokohang ito at sila'y magbubunyag sa anak nilang loko-loko sa pag-aaral at ang tanging hilig ay mangolekta ng mga librong astig (katulad ng kila rowling, coelho, oprah's club at bob ong) at ng mga pekeng dvds sa carriedo.

Asahan mo na, pampered ka na naman this sem ng mga magulang mo.

Buhay nga namna oh... baket pa kasi sinukat ang galing ng isang estudyante sa pamamagitan ng listahan ng dean?

Etchas. Pero thank you na rin, TAONG LIBANG HIHIGIT SA KAHIT KANINO.

Salamat Lord... (uuuyy...pasimple!)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

5 palagay:

Dear Hiraya said...

wow! Astig!!! galing mo brad!!! hehehe

http://hiraya.co.nr

arjay said...

waha galeng. congrats! magkapag-cutting classes nga rin para masali sa dean's list. hehehe

arjay said...

mangongolekta na rin ako ng pekeng dvds. hahaha

aleli said...

seminarista ka pala. may dalwa akong friend na x-seminarian, ung isa lagi ako inaaway! ung isa mabait..

galing mo naman..proud nyan sau magulang mo.. ako nun may tinago din ako kila mama..nalaman lang nila a day before college grad ko.. nahiya kasi ako..ahaha...

Anonymous said...

Ehehe, nakaka-relate ako tol, pero di pa ako kahit kelan naging iskolar. Ang labo no? Ewan ko, siguro ang katumbas na kasiyahan ng magulang ko kumpara sa mapabilang sa dean's list eh yung malaman nila na wala akong bagsak at malapit na akong grumadweyt.

Mas masarap ang pakiramdam ng mag-aral at makita mo ang resulta, kahit pasang-awa lang. Minsan kasi mahirap din kapag instant pasado, hehe.

Astig ka 'tol! Mabuhay!