Sa Likod ng Payaso

by Monday, December 10, 2007 2 palagay
Kung ang tingin mo sa aken e isang payasong laging mala-espasol ang mukha at walang ginawa kundi ipakita sa lahat ng tao na sya ang pinakamasayang tao sa balat ng kendi, pwes di mo naiintindihan ang atong balat-kayo ni Hudas.

Sa likod ng payasong ito ay may isang taong maski sarili nya ay hindi nya nakikilala. Naba-badtrip ako sa sarili ko kasi maski sa blog na ito, na ang unang dahilan ng aking pagsusulat ay para mailabas ang mga putenang pangyayare sa magulo kong buhay, e hindi ko pa rin magawang masabi at maisulat ang mga pesteng problema, personal na kapalpakan at mga hinaing sa isang seryosong pagsusulat.

Unang una, sabi ko sa sarili ko na ito ay isang sikretong portal ng aking mga gustong itagong mga ala-ala at mga napapnsin sa pali-paligid. Di ko inaasahan na unti-unti, may makakakilala sa akin, may mga makakapansin sa blog kong wala namang mapupulot na magandang bagay at magtatankang magbasa kahit na alam kong para lang rin silang nagbabasa ng isang komiks at ako, ang payasong kengkoy ang nagku-kwento at nagsulat.

Pangalawa, di ko kakilala ang mga nasa blog roll ko. Walang kaibigan ko ang nakakaalam na isang akong batang himbis ipang-Dota at ipang-RO ang rent sa computer, eh matyagang tumitipa ng mga letrang noon lang din nya naisip. Walang scratch. Walang kopyahan. Walang ibang pinagkunan ng ideya kundi ang panahong sya ay umupo sa isang computer shop, humugot ng isang malalim na buntong hininga at unti-unting lumipad sa kamalayan ng mga karanasan at mga lihim.

Ganyan ako magsulat sa blog na to.


Kaya nga nung nagkaroon ako ng mga ex-links, takte bigla kong naisip na hindi pala ako nagiisa sa portal na pinasukan ko. Marami kaming katulad ko na nagsusulat, nagmamasid at nangangarap na minsan, sana makita ng mga tao na kahit sa isang munting pagkakataon, may mga kabataang tulad pa rin ng pinapangarap ni Rizal. Akala ko nga nun, ubos na ang mga taong may sariling paninindigan, takot sa isang pwersang higit sa lahat, malaya ang isipang umarok ng mga ulap at ng himpapawid.

...

Gusto ko lang sana eh maipamalas ko ang Elias na matagal nang nabubukbok sa regular na pagtatanghal bilang isang payaso ang walang ibang alam kundi ang magpawala ng isang kalapati sa isang iglap, magpaikot-ikot sa mga kwento ng buhay at magpakita sa lahat ng isang masayang mukha, na sa likod naman nuon ay isang inaamag na pagkatao na pilit gustong lumabas sa nakasanayan.

Gusto kong lumipad. Maging ang taong gustong kong maging. Mangarap. Umalis sa ultra-konserbatibong lipunang ang totoo'y isang pangkat ng mga oportunistang liberal. Mamuno ng hindi pinipigilan, maglingkod ng hindi nagmumukang mayabang, lumaki ng may sariling panindigan, maging ako sa sarili kong pananaw. Makipagkaibigan ng hindi plastik, matanggap kung ano ang tunay na ako at hindi ang gusto kong maging ako. Palipasin ang mga taon ng tinutupad ang sariling pangarap, maglakbay ng hindi pinipigilan, umiyak kapag natatalisod, humagulgol ng malakas kung kinakailangan, mabuhay sa isang uri ng mundong gusto kong baguhin maski imposible at matanggap kahit ilang ulit nang lumalabag.

Pangarap kong maging ako sa sarili ko.

Di tulad ni Hudas.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

2 palagay:

arjay said...

magpakatotoo ka lang. wag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao. hayaan mong makilala ka nila, ang totoong ikaw. hindi man lahat ay magugustuhan ang totoong ikaw pero mas marami naman ang hahanga sa iyo dahil sa pagiging totoong tao mo. sa panahon ngayon, bawal ang plastik. hehehe

aleli said...

wohoo.. astig!! ika'y matalino at naisipang mo gamitin ang blog para makapaglikha ng mundo.. hindi ka nag-iisa.. marami tau..