Kwentong Kape

by Tuesday, December 18, 2007 4 palagay
Nakauwi na rin at bakasyon na...(parang baligtad ata?)
Buti na lang at di nagalit nanay ko sa mga gamit ko. Hehe puro maruruming damit kasi ang inuwi ko dala nang di na ako naglaba dahil sa matinding katamaran. Kakapagod ang unang araw kasi halos lahat ng madaanan mo sa kalye e klangan mong batiin at kamustahin. Ayos naman kahit mga kuripot ang ilan at sa pasko na raw sila magbibigay ng regalo (wah?di ako nanghingi ah...) Kinagabihan, pinuntahan ako ng kabarkada ko para gumala. Di naman ako nakatanggi kasi ngayon lang ulet kami nagkita. Pumunta kami ni Louie kila Krissia pero ala sila dun. Kinamusta ko na lang yung inaanak ko dun at ahehe sarap pala ng feeling ng isang ninong. Feeling ko napaka-matured ko na para pagkatiwalaan ng ate ni krisia. At sa halip at sa halip, nakwentuhan kami at dumating sin si Krissia. Kwentuhan hanggang alas onse ng gabi kasi kelangan ko pang maglingkod bukas sa simbang gabi (wusshhu...pa-goody goody sa pari kasi bagong dating).
Pero bago yun, mga alas singko ng hapon eh I went on my own way muna. Unwind. Riverbanks ang pinakamalapit kaya naupo sa isang shop na nagseserve ng tribal coffee and delicacies. Ayos. Mag-isa ako at makakapag-isip ng kahit ano. Kokonti lang ang tao sa shop nung pumasok ako. Isang executive na nakatago sa kanyang laptop at mga pitong mga manang na nakapalibot na parang mga meeting ang knights of the round table. Dahil ignorante sa kape dahil dinaman talaga nagkakape maski sa bahay eh umorder ako ng isang kakaibang kape. Cordillera brewed orange coffee with cinammon. PAg-upo, binuksan ang bagong biling libro upang duon magpalipas ng hapon at mga di malamang nararamdaman. Sa may gilid ako ng salaming pader dahil sa dalawang kadahilanan. Una: Walang gaanong pwesto sa bandang likod dahil sa nakapaikot na mga manang. Pangalawa: baka makakita ako ng kakilala at samahan ako sa pga-inom. The coffee served to me was awesome. It's my first time to tatste such kind of coffee. Native na, ashteeg pa. Sanay lang kasi ako sa lasa at amoy ng dakilang nescafe, maxwell at starbucks. Feeling ko dun na ako magpupunta keng kelan gusto ko munang tignan ang sarili ko, mag-isip at magmuni.
Ang totoo, yung mga manang eh di naman talaga manang. Siguro mga nasa 40s lang sila hanggang mid-50s. Mukhang mga asawa ng mga kurap na politiko at mga negosyante. Tumpak nga ako. Dahil sa aking pagkawala sa konsentrasyon sa aking binabasa (The Christmas Mystery by Jostein Gaarder, author ng Sophie's World) , eh nag-eavesdrop ako. Pnsin ko ring di lang ako ang na-annoy kasi pati si ginoong executive na nasa gilid eh tiniklop ang kanyang laptop, tinanggal ang headset at lumipat sa labas na maalikabok. Nag-stay ako sa aking upuan at kunyari seryoso sa pagbabasa at nakinig sa kanilang mga sinasabi.
Isang testimony meeting pala iyon ng mga inang may problem sa kani-kanilang pamilya at lablayp. Isa siguro silang sekta na ang tanging mithiin at layunin eh ang magkwentuhan at magdamayan sa isa't-isa. Ahehe ayos ang pwesto ko at naririnig ko silang magkwento ng mga takot, mga pangarap, pagkukulang at panghihinayang bilang isang ina, asawa, kabit, negosyante, kristyano (oo, born again ata sila) at mga babaeng may paninindigan at prinsipyo. Narinig ko silang magkwento ng mga bagay na emosyonal, kumplikado at konpidensyal. Feeling ko sinisipsip ako ng usapan nila tulad ng unti-unti kong pagsipsip sa kapeng unti-unti ring lumalamig. Actually pumuta ako dun sa isang di alam at lingid na dahilan. I felt like empty and want to look for a place where I can sit and relax better. Gain internal strength ika nga ng mga matatanda.

"How can I keep a desire?"
Yan yung tanong ko sa last na counseling ko sa aking matandang spiritual director (Si Fr. Pros, ang dakilang pilosopo, paham, retoriko, natural pchsychologist at eksperto sa moralidad.) Sanay na ang mga seminarista samen na kapag makikipagusap sa matandang paring ito na makatulog, mainip o biglang umalis kasi sobrang antigo na nitong paring to. Takot nga rin si Roma one time nung binisita nya ako at nakita nya sa malayo si Pros na parang multo. Sanay na rin kaming makipagusap sa kanya tungkol sa isang bagay na napakalayo sa sex at pro-creation pero dun lagi ang punta nun. Halimbawa magtatanong ka kung anong ibig sabihin ng Marx sa prinsipyong ploretaryat pero maya maya nasa sex na kayo at iba-ibang uri ng isyung moralidad. Ganyan kagaling yung matandang yun kaya minsan, konti na lang ang nagpapa-counseling sa kanya.
Isa ako dun. Kaya naman nung nag-uspa kami, which was after his rturn from being detained in Cardinal Santos due to internal abnormal bleeding eh I approached him and talked with him. Dami nyang nasabi sa akin to keep me from my first desire. At lahat yun eh inalala ko sa kapihang yun unti-unti, pira-piraso at paulet-ulet upang maging tanda na minsan akong nangarap ng kakaiba at kailangan, hindi magbago ang pangarap na yun.
Yun eh kung yun nga ang para sa akin.
"This life won't give you what's the ideal. You must make it ideal in the way that people whom you will serve will see how lovely God made things. You keep your desire by having an end-vision. Always picture to your self in a certain end you really want to be. If you want to be a good missionary, or a good family man, always keep that in your mind that someday you will be one. Let that end-vision occupy your everyday work, your daily desire and constant dream. That will keep you stick in your strange dream elias [...]"
-Pros

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:

Winter said...

hmmm...

nagpacute ulet..

hehehehe

Kiks said...

buti naman at may alaga kang fox/wolf by the name of Sophia. i wonder how seminaries work these days - buti't nakakapagblog ka pa...

nice blog though. ;-)

arjay said...

nice post. napaisip tuloy ako. hehehe. merry christmas!

aleli said...

wohoo!! astig na final words!!

hindi rin ako umiinom ng kape.. kasi everytime na umiinom ako.. nasusugat ang tongue ko..di ko alam kung bakit..parang burn dahil sa init...and it takes days to heal..