Eksaktong isang taon na ang lumipas pagkatapos na una kong pagtatangkang maghanap ng sarili sa isang uri ng buhay na sa tingin ng marami eh wirdo. Isang pagtatangkang pumalya at iniwan akong naghantay ng maraming buwan upang bantayan ang gate o ang telepono namin sa isang taong magsasabi sa akin na ako ay pumasa, natanggap at kwalipikado. Kaso ang nangyare, di dumating yung pagkakataong yun na dumating sa akin.
Pero di ko pinabayaan ang sarili kong magmukmok at manatiling nakalubog sa sitwasyon ng isang talunan. Hinanap ko ulet ang sarili ko sa isang pangarap na ako ang gagawa at ako ang masusunod. At yun, okupado ako ng buhay na minahal ko na at patuloy kong mamahalin hanggat kaya ng mapangarapin kong puso.
Lumiban sa akin ang pangarap kong maging Rogasyonista. Di ko na pinagsisihan yun.
May plano ang lokong nasa itaas para sa akin.
Gusto kong lumipad. At sa paglipad, nadapa ako at muling bumangon pataas. Salamat sa pagdapang yun dahil kung hindi, wala ako sa kawirdohang ito.
Alam ko yun.
At gusto kong malaman ng lahat ng tao yun.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:
rogasyonista? what's that?
happy new year po!
woof!
also curious...
Kung ano man yung nangyari sayo, it's all in His plan. Just do whatever He wants you to be and become what He wants you to become and everything will be just fine. Sakto, new year na! Just the perfect time to pickup the pieces of yourself together.
Happy new year!(:
Pray and persevere, little bro :)
Post a Comment