Anung Meron Ang Isang Saranggola?!

by Saturday, February 16, 2008 9 palagay


Kahapon, pagkatapos ng pagwawalis ng sobrang laking bakurang napapalibutan ng mga pasaway na mga puno ng sampalok, kaymito at narra, sumali ako sa laro ng mga seminaristang alam kong walang balak akong isali. No choice sila. Kulang ng isa. Woaah! Ang galing ko, nakasali ako sa volleyball bilang isang estatwa. Ayos na rin kesa makita na naman ng aking rector at mabigyan ng 74 sa NSTP.




Laro. Hingal. Dumarating ang bola. Titira. Matatakot sa spike. Yuyuko. IN!!! sigaw ng referee. Ako? Patalo. Ahehehe Pero wag ka, naka-iskor ako ng dalawa (pero kung ikukumpara sa mga kapalpakan ko, -10 ang score ko...)




Pagkatapos ng laro, 20 mins pa para magmeryenda. kaya nagpahinga ako sa damuhan. Maririnig naman mula sa seminaryo ang tunog ng mga tambol at trumpeta ng kaharian ng ateneo. May praktis ata sila ng post-chinese new year celebration. Mahangin kaya naisip kong magpalipas ng pagod at magpatuyo ng pawis. At sa isang ekstraordinaryong sandali, may sumigaw na bisayang seminarista,




"GID, SARANGGOLA DIDTO SA LANGIT!!"(yan ay with matching excitement.)




Makikita sa mata nila ang katuwaan at pagkamangha. Hwuuaawh! Isang saranggola! Eh ano naman? Para namang mga tanga to. Saranggola lang, parang nakakita ng anghel mula sa langit. Pero sa loob-loob ko...HHWUUUAAHW! SARANGGOLA!!! Pero di ko sa kanila pinakita ang kasiyahan ko....alam mo na, baka mapagkamalan akong ignorante rin. Kaya nainggit kami at nagpalipad din ng instant-made kite.




Saranggola.



Eto yung laruang pang himpapawirin. Gawa sa pinagtagpi-tagping plastik, papel, scotch tape, tingting at sinulid. Pinalilipad sa pamamagitan ng determinasyon ng naglalaro. Nung bata ako, gumawa ako ng saranggola. Yung una kong saranggola ay gawa sa tabloid na idinikit sa walis ting-ting ng lola kong chismosa. Gumawa ako nuon kasi sobrang inggit ko sa mga pinsan at mga kababata ko. Kaya ayun, nagsikap akong mag-disenyo ng sarili kong saranggola. Nakalipad naman yung saranggolang ginawa ko. Yung nga lang, di mataas at di nagtagal. Nalagas kasi yung gawa ko sa ere. Nawalan na kasi ng will power yung maskin tape na ginamit ko. Umuwi ako kasama ang mga natitirang parte ng una kong imbensyon. Pag-uwi, kumuha ako ng plastic bag ng SM supermarket (yellow), hinati sa gitna at sinimulang humabi ulit ng isang saranggola pero this time, angat ng konte ang level...plastic! Pagkatapos, lumabas at buong giting kong pinalipad ang obra kong nilagyan ko ng tatlong metrong buntot. Ang saya ng feeling!! Biro mo, nakapagpalipad ako ng isang saranggola. Achievement yun para sa akin.




[...]




Saranggola. Kite yan sa english. Yung saranggolang nakita namin kahapon eh pinalilipad sa malamang sa ateneo. Kulang asul. Hugis agila. Ang taas! Nakakatuwang tingalain. Nakapg-isip tuloy ako ng senti.




Pangarap.




Naalala ko yung patalastas ng STI... yung song na may lyrics na "...so hold on to your dreams 'cause you can make it happen..." Nakakainspire. Nakaka-astig ng feeling.




Ang pangarap, parang saranggola lang yan. Ikaw ang may hawak ng kapalaran ng laruan mo. Nasa 'yo ang pisi at nasa 'yo ang kapangyarihang magpalipad at magpatayog ng taas. Minsan mahirap magpalipad kasi walang hangin, mahangin, masikip, di ka marunong. It's just a matter of holding on. Hanggat matibay ang hawak mo sa sinulid na nag-uugnay sayo at sa saranggola mo, wala kang dapat ipagpangamba. Siguradong kontrolado mo ang manipulasyon kahit na minsan mukhang bumabagsak ang pinalilipad mo, ala mong sa konting hila-hila method na gagawin mo, aangat at aangat muli ang saranggola. Parang buhay lang. Maski sa una mahirap at parang susuko ka na, amppss di mo rin mapipigilan ang pakiramdam mong katuwaan kapag nasa taas na ang laruan mong ikaw ang gumawa at nagpalipad. Nasa sa iyo ang kapalaran ng saranggola. Ikaw ang magpapalipad. Ikaw din ang mamamangha. It's just a matter of holding on.
[...]
Pinahawak sa akin ang matayog naming laruan. Naka-nganga ako habang namamangha sa napalipad kong saranggola. At sa bawat pagkamangha ko, di ko namalayang oras na pala upang magmeryenda. Ayun, naubusan ako ng hopya.
(buntong-hininga...)
[yas]

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

9 palagay:

FerBert said...

Tama tayo ang may hawak ng buhay naten, tayo ang ang kumokontrol dito.

Takot ako sa bola ng volleyball, nung bata kase ako tinamaan ako sa ulo..

Bulaang Katotohanan said...

sabi ng prof ko dati halos lahat ng sports ay tungkol sa pagaagawan ng bola so dapat dw bigyan na lang lahat ng tig-isa...

kahit kelan di pako nakaranas na magpalipad ng kite...inverted plastic bag lang na may tali na hinihila ko habang tumakbo...yun yung home made kite ko.

arjay said...

pero minsan 'di maiiwasang tangayin ng hangin ang ating saranggola. 'buti na lang at ipinagkalooban tayo ng kakayahang gumawa ng panibago at muling magpalipad ng saranggola. ;)

Anonymous said...

lagi na lang nabubutas saranggola ko, panay tapal n lng.

anyway, ayoko din ng balibol. takot ako sa bola. dati tinamaan ako sa mukha ng bola, sakto nakasuot pa ko ng eyeglasses. parang bumaon yung salamin sa ilong ko. ang saket!!! :'c

wanderingcommuter said...

no.2 sa mga dapat ko'ng gawin ay magpalipad ng saranggola.
no.2 ang maging ramp model o lead singer ng banda. hahaha!
siguro 30(+-) na saranggalo na ang nasira ko kasi hidni ako marunong. kasalanan ko rin kasi nahihiya akong magpaturo.
naiingit talaga ako sa iyo!

Dear Hiraya said...

bakit kaya parang dumarami ang blog entry about saranggola? tsk tsk.. hehehe.. pero iba-iba ang depinisyon nila or siguro pagkakadescribe hehehe..

its just a matter of holding on..

tama ka yas..

http://hiraya.co.nr

Yas Jayson said...

yas to wheng: ahehehe salamat sa pagpuna! uhmmm teka, link mo po?!

[yas]

b3ll3 said...

para sa akin ito ay isang simbolo ng pangarap...malaya tayong mangarap pero may mga panahon na lalagpak tayo...

ang galing mo magsulat sobra!

wanderingcommuter said...

pangarap ko pa rin magpalipad ng saranggola...balang araw!
nakakainggit ka naman!