(eto ang nangyare...)
Linggo. March 16, 2008. 4:48 pm
Ang tatlong minuto ay naging labinglimang minuto.
Ako ang nalagas.
As much na gusto kitang isama sa next school year sa Cotabato, di ko kayang i-risk kang dalhin dun kasi mas marami ka pang magagawa siguro sa labas ng seminaryo. Di dapat kinukulong sa seminaryo ang tulad mo. See more in your life Elias, baka di ka para sa Oblates.
Sapul.
Marami kang naging accomplishment at tulong na nagawa sa seminary and we thank you for that. (tango.) Pero pagdating sa studies, wala kang effort man lang pero pumapasa kapa. Dean's lister pa. (humility insert here.) Sa sports ganun din. Baka nadadalian ka sa buhay dito. You need pa sigurong mahirapan muna. Wag ka munang sumama sa Cotabato.
Strike two.
Sayang yung skills mo. Di ko naman sinasabing para sa mga bobo ang seminaryo pero mas marami kang magagawa kung nasa labas ka. Ang seminary ay mukang di bagay sayo. Pero kung gusto mong bumalik after one year, apply ka ulit kay Fr. Jacobe at tignan natin kung para ka nga sa seminary.
Awtss....
Akala ko di ako iiyak. Matapang ako eh. Pero I found myself finding it hard to hold back my tears. Ayaw kong nakikita nya akong mahina. Amppss, isusumpa ko yung oras na yun. Umiyak akong parang batang nawalan ng kendi. Walang panyo. Walang tissue paper. Puti yung suot ko. Nosi balasi. Punas na. Bago ako lumabas, nagrerquest ako sa kanya ng dalawang bagay. I-consider ang application ko for next year. Wag sasabihin sa parents kong di ako accepted for next year. Tumanggi sya. Pero ala syang nagawa. Mapilit ako. Ayaw kong malaman nila ang lahat ng nangyare. Ako ang bahalang magsabi sa kanila.
Paglabas, pagkatapos himurin ang mga luha, umupo ako sa sofa kasama ng mga nag-aabang na mga seimnarista. Ngumiti ako. Parang nabunutan sila ng tinik. Pero bigla akong nagsalita: Di ako tanggap. Ayaw nilang maniwala. Bakweeet???? Di ko rin alam eh. Overqualified daw ako para sa seminary. Weeeh?!!!? Ang kulit ng muka nyo ah. Totoo. pwera biro.
Umakyat ako sa dorm. Nandun din si Mark. Parehas kaming tanggal dahil sa walang kwentang pagsusuri at panghuhula. Walang ibang tao. Di na ako umiyak. Di ko na kaya nagmumuka na kong tuta. Nag-empake at lumabas para magmiryenda. Lahat ng makasalubong ko, walang gustong maniwalang tanggal ako. SOBRANG IMPOSIBLE ELIAS, DI AKO NANINIWALA SAYO. Sa ayaw man nila at sa gusto, nangyare ang lahat. Maski wala akong grave offense, tanggal ako. Mini-mini-may-ni-mo.
Ayaw ko nang magkwento.
Di ko kayang magsulat ng maayos.
*It Was Me.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

6 palagay:
malungkot nga yan...pero baka may ibang purpose para sa iyo. just don't lose hope.
brad ito ba dahilan kung bakit dapat kita icongrats!?? ha!?? mukhang malungkot nga ang mga pangyayari.. dont lose hope kasi naconsider pa naman yung para sa next year eh..
hehehe...
try to enjoy ung life sa labas.. enjoy mo muna.. hehehe
God has a Plan!!
wohooo!!
bakit pala sana di na ko desperado!??
Hi Yas, maraming salamat sa iyong pagdaan sa aking blog.
Ako ay nalulungkot at hindi ka natanggap ngayon na year. Nararamdaman ko ang iyong passion at gusto mo talagang maging pari. Talagang napakasayang at hindi ka natanggap, over-qualified nga ika nga.
Pero, kung tama ang nabasa ko, 16 ka pa diba? Bata ka pa? Marami kapang mga bagay na ma-e-experience at mga bagay na matututunan. Huwag kang magmadali. Enjoy life habang bata ka pa at feel God's signs kung ano talaga ang kanyang mission para sayo.
God bless sa you!
Minsan na din ako muntik mag seminaryo. Pinuno kasi dun akg tiyo kong pari. Pero di natuloy. Kasi mas madaming plano ang Diyos sakin. Marahil sayo din.
Ingats sa byahe ng buhay. Wag kakalimutan na lahat ay kasama sa di mawaring plano Nya. Minsan me topak talaga ang Dyos, tapos di Nya papaalam sayo kung ano plano nya. Minsan nasabi ko sa kanya, "Ang hilig nyo po magpatawa, dali na, saan ako pupunta?" Di nya sinabi, pero lahat ng pagkakataon, patungo sa iisang lugar.
isipin mo na lang si maria sa the sound of music (kaya lang pasaway si maria)
siya ay pansamantalang pinaalis ng kumbento... pero happy ending pa rin! hehe
i know how you feel kasi i witnessed it from my brother na naregency for 2 years nga and it was so painful for him. This may 27, 2008, he will be ordained as a priest na tlga.
God will always have a purpose for you no matter what vocation you have.
God bless bro!
Post a Comment