isa dalawa tatlo.
gusto kong pumikit sandali-
pagpinid ng mata na magbibigay sa akin ng pagkakataon
mailapat ang katawang pagod sa puyat,
maipahinga kahit papaano ang mga diwang pagal,
at makanakaw ng konteng panaginip,
na tatagal ng limang minuto.
hindi ako robot.
hindi ako isang makinaryang pinapatakbo
ng langis na inaangkat sa malayo.
isa lang akong batang patpat,
may dalawang mata.
may isang utak.
maraming pangarap.
at sa pagpupuyat,
lagi akong nangangarap na balang araw
na ang kape,
ang yosi
ang mga papel,
ang sutana
at ang mga itim na pahina-
ay magbubuklod sa aking mga lihim
sa katotohanan
na hindi ako robot ng mga maling balak,
makinarya ng mga maling pagpapasya,
at na ako ay isang kaluluwa-
malayang naglaro sa haraya.
'yas
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay:
Post a Comment