Hindi ako masyadong handa sa ginawa kong desisyon na bumalik sa pagiging alipin ng pag-aaral.
AB Philosophy. 18 units. 4 majors. 1 theology subject. 1 lintek na Biological Science.
Sa tuwing makikita ng security guard ang ID info ko sa computer screen, iisa lagi ang tanong nya, "Magpapari ka o magla-Law?". Gusto ko sana syang sagutin ng pabalang na "whatever yaya, you're such a loser.." pero hindi ko kaya. Baka hindi na nya ako papasukin sa susunod.
Galing sa isang sulok sa Marikina, araw-araw babagtasin ang daan ng maalikabok na Maynila. (Salamat sa LRT 2).
Pag-uwi, matutulog ng apat na oras, maliligo, maghahapunan, papasok sa tagong call center sa Pasig. Tatawag sa mga tangengot na Kano, mag-ooffer ng satellite service at federal grants. Kapag tinoyo, palihim na matutulog sa cubicle, pipikit, mangangarap hanggat hindi nahuhuli ng supervisor. Uuwi, matutulog sandali, papasok sa eskwelahan.
Araw-araw. Ganun at ganun ang gagawin. Pikit lang ang pahinga.
"Lord... pahingi ng energy drink. o kaya magic beans. haha."
Sabi ni Tita Yolly, don't wear too much hats at the same time. Sabi naman ng mga madreng pakielamera, isa-isa lang daw. Lintek, di naman pwedeng mag-aral ng hindi nagwowork, panu na lang panggastos ko? Sabi ni Ate Joji, prioritize things... naisip ko oo nga.. kaso nakakatamad.
Ako ang bumubuhay sa sarili kong mga pangarap at desisyon. Hindi na ako umasa kay Papa. Marami rin kasing dapat isipin ang Papa bukod sa akin. Kaya akong igapang ng pamilya ko pero wag na, kung may paa na ako at nailalakad ko na, nosi balasi. Kanya kanyang pagtahak yan. Disisyete anyos pa lang ako pero nakita ko na ang malaking responsibilidad ko sa sarili. Buti na lang at nadadaan pa sa ligo ang mga problema. Hehe.
"Lord, gusto ko pong maging si superman..."
"Hindi pwede anak. Takot ka sa mataas na lugar. Malulula ka."
Bumabalik sa isip ko lagi ang tanong ng nasa registrar... magpapari ka ba?
Lul. Pakyu ka ate. Haha. Pis.
Napapangiti lang ako lagi sa maga ganyang tanong. Ewan. Parang gusto kong sumagot ng Oo na natatakot ako. Sabi nga ni Bro. Utoy sa kanyang malupet na kumento sa isa aking mga entries, bata poa ako at kailangan kong ienjoy ang mga panahong ito. Gusto ko sana syang tanungin ng, "paano, e puppet ako?" haha.
Nung dumaan ako sa seminary nung Nov. 1 para magdaan ng sulat, nakita kong inaayos ang dati naming building. Malaki na ang pinagbago. May nakalagay na "trespassers do not enter" sa may gate pero pinasok ko.. Binalikan ang library na pinagtataguan ko tuwing study periods, ang common sala na tinutulugan ko tuwing siesta, yung chapel kung san naging bahagi na ng buhay ko ang pilitin ang paa kong pasukan yun tuwing umaga, at ang peyborit kong lugar- ang refectory at kitchen. Di na ko na kilala halos ang bihis ng seminaryo. Sa parehong paraan na nakalimutan na nitong dati akong naging ampon.
Student # 200820397 ng mahal kong unibersidad. Student # 3004 ng dati kong pinapasukan. Agent # 00063 ng call center na pinagpupuyatan ko. Estudyante ng buhay. Agent na maraming kawirdohan. Alam ko marami pa akong subjects na kukunin. Marami din akong tatamarang pasukan. Malaki rin ang posibilidad na meron akong ibabagsak. Pasaway ako sa maraming bagay. Sa parehong paraan na matino ako sa kaunting bagay. Aantukin ako. Totoyoin ako. Magcu-cutting, magre-retake ng exams. Pero sa huli, gagraduate din ako. Dala ang mga natutunan ko sa maraming eskwelahan ng buhay, gagawa ako ng sarili kong pangarap.
Pero ngayon, kanya-kanya munang diskarte kung paano makakapasa sa maraming problem solving at essay writing ng buhay.
Minimini mayimo...

10 palagay:
hindi ko alam pero habang binabasa ko yung sulat mo na to, hindi ko maiwasan na ikumpara ko ang buhay mo sa buhay ko.. may pagkakapareho tayo.. meron dina namang hindi pero marami ang pareho..
hmmm..
simple lang daw ang buhay.. pero hindi ko pa rin yun makita sa akin...
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
kelangan ko din ng magic beans hehe
[...parang hate ni Elyas ang Biological Science.]
Nakikita kong alam mo lahat ang mga suliranin, hamon at pagsubok sa iyong buhay. Mabuti. Parang napakalungkot ng pakukwento (siguro dahil lang ito sa tugtog) mo rito, pero natutuwa naman akong may mga diskarte kang ginagawa upang makamit mo ang iyong inaasam na tagumpay.
Nag-aral ka na nga ngayong sem! o",)
hahaha!!! mag-namedrop ba raw.ü
tol, ewan ko pero di kaya ginagawa mo. di naman kita kilala pero worried ako para sayo. himbingan mo na lang siguro ang tulog mong apat na oras at galingan mo na sa subjects mo, lalo na sa biological science.
praying for you, kapatid.
Yas!!!
GUSTO MO SA SUMMER NA LANG?
BORING DITO PAG DECEMBER!
NAWALA PALA CP Q NUNG PAGPUNTA Q JAN..HEHEH..
SIGE!
musta na. nakakatuwa mga post mo. sensya nde ako nakakadalaw madalas. kelangan ko ring malaman kung ano pa ang mga lihim ni hudas.
ola! ako din! parehas kami ni black ranger na walang cp.ahy.
anyway, hwaw.nagaaral na sya. `burger!burger!burger`
naiinggit ako.
gusto ko ng wholesome na course...sa wholesome na skul.para wholesome ang life.weee!haha
ps.
panget ka pa din!haha.
xD
ps(ule)
baka soulmate kayo ni `Fjordan Allego`
haha.anyaaaabang.lol.
xD
susmaryosep!
yun na nalang ang nasabi ko.
tama ka nga. kaya ka siguro nakakita ng pagkakaparehas sa mga pahina natin, dahil talagang may pagkakaparehas nga.
malaki. mlaking malaki. siguro mga 90%? praying for you bro. kaya natin to! :)
andami namang soulmate.haha. tsk.
xD
Post a Comment