You Don't Get to Choose.

by Tuesday, January 20, 2009 3 palagay


Archival meeting. 6 PM onwards.

Walang balak umattend si Elyas. Pero dahil sa pangungulit na text nila Ate Tears, Kuya Rai at Tita Mennie, no choice. Maski pagod, kelangan magpunta.

txt: wait. totoothbrush lang ako.

Sa byahe. Parang tanga. Nakatingin sa mga dumadaang jip. Nagbibilang ng buwaya.

Late ako. Kumpleto na ang corum. Pati si Ate Lea na madalang magpakita andun. Tuloy ang meeting. Daming food. Kumain ako ng goto at tokwa't baboy na pagkasarapsarap.

Yosi break. Lumabas ako. Nkita ko sila Phao at Aldrin, jamming sa guard house. Lumapit at nakikanta. Pagkatapos, bumalik sa room, binaba ang temp ng aircon.

Malapit na sanang matapos. Past nine na din kasi. Dumating si Fr. Lito galing sa kung saang kainan. Walang nagawa, diniscuss and bagong line up pastoral council.

[Kung maaalala, nagpaalam ako sa kanya na magle-leave. Si Louigie and papalit sa akin sa MoAS. Akala ko okay na. Pero piningot nya lang ako sabay sabing," Wag kang mamili. That's grace."]

Anak ng nataeng kambing. Nandun pa din ang pangalan ko sa line up, coordinator pa din ng MoAS. Naalala ni padre and sinabi ko nun. Pati sila Ate Joji at tita Yoly, na walang kabalak-balak na mapasama sa listahan eh napasama. Umapela ako. Ayoko. Gusto kong mag-focus sa sarili ko. Sa mga kaepalang plano ko. Pero eto sagot ng magaling na kura:

You don't get to choose. Diba sabi mo si Louigie na sa altar servers? O ikaw na dito sa Youth Ministry. You'll enjoy it. So as, all of you will endure. Marami kang dapat simulan kasi malaki ang expectation sayo ng dating mga youth. Kaya mo yan. Di ka pwedeng magleave. Never.

Natatakot ako. Malaking responsibilidad ang YM sa parokya namin. Sobrang laki. As in napakalaki at importante. YM kasi ang buhay ng simbahan namin. At ako, isang magulong tao, ay hindi karapat-dapat dun.

Natatakot din kasi ako. Dahil alam ko, mahihirapan ako.

Potena... wala akong magawa, pinaglaruan na naman ako ng nasa taas. Kung kelan gusto kong mag-leave, saka ako binigyan ng mas malaking responsibilidad. Napaka labo nga naman ng mundo. Ewan. Bahala na.

Sa ngayon natatakot pa din ako. Sa madaming bagay... sa lahat ng nangyayare.

Pero tulad na ng sabi ng magaling na kura, "endure..."

*tae.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

3 palagay:

Anonymous said...

daandaan ulet elyas!

Kiera Salamingkera said...

BErto:

ola, amigo!


kami ay mga kaibigan ng isdang si 'dedpish'

nandito kami upang mag-promote ng aming mahiwagang blog :

"Berto and Kiera"

isang collaborative blog na alay para sa mga bata, matanda, bakla, tomboy, sawi sa pag-ibig, mga butiki, atbp.

abangan ang pagbubukas nito sa january 28, yep,yep. berdey din yan ni 'dedpish'

salamt! :D

ps.
pinapasabi ni dedpish kung me balak daw kayo makibasa pa din sa blog nya sa pagsasara ng kanyang malansang blog. iwan nyo na lang ang iyong ma-siopao na email :D

ciao!


(:

Kiera:

very well said, berto! actually, nagpapansin lang yan haha!

nais lang namin na makibahagi ka din sa blog namin.

:)

Anonymous said...

hehe... dama ko yung fear mo dun ah. wala eh, ganyan talaga. pero malay mo naman kung anong meron sa future diba? kaya, nyemas, yas, talon na sa bangin! bahala na kung saan mag-landing!

hehe...