Ngayong araw na to, eksaktong isang taon ang nakakaraan.
Labing anim na taon ako nun. Walong araw bago ako maging disisyete anyos. Halos magreklamo ang occupants sa kabilang chapel dahil sa mga bisita mo galing sa lahat ng dako ng lipunan. Yung mga kumare mo. yung mga tsismosa nating kapit-bahay. Yung mga inutangan mo. yung mga may utang na loob sa'yo. Nagmistulang family reunion ang lamay mo. Kahit malayo ang Bulacan, convoy ng mga kamag-anakan natin ang nagpuno sa parking lot ng building. At kahit hindi ko nakita ng halos isang taon ang mga kabarkada at kaklase ko nung high school, nabigla ako at natuwa sa pagdamay nila sa akin na maglamay. Libre kasi ang wi-fi sa chapel.
Sagana ka sa pamisa at mga celebrity guests na mga pari at religious dahil sa malakas ako kila padre at kila sister nun. Biruin mo, ikaw pa lang ang hinarana ng mga seminarista. Tinugtugan ka din ng mga kabarkada ko. At dahil ilokana ka, di kami masyadong naglagay ng bulaklak. Sipunin ka din kasi. Allergic ka sa pollen tulad ko. Biglaan ang lamay mo pero naging plantsado lahat ng detalye ng burol at lamay. Hindi naging problema ang mga dapat bayaran. May life plan kang ginamit. Sobrang naging madali ang mga bagay. Provided kasi lahat ng accomodations.
Sa misa ng huling pagbabasbas, dinaig mo pang ang 10:30 am mass sa dami ng fans mo. At ang bespren mong si Kapitan eh napilitan pang magbarong para maringal kang buhatin. Kumpleto ang misa. May sakristan, lektor, cantor, at ang joint choir na bihirang marinig na kumanta sa simbahan eh nandun din. Nakaputi ang lahat. Parang palatastas lang ng isang detergent bar soap.
Nagsalita ako pagkatapos ng misa. At tulad ng promise ko sayo, di ako umiyak.
Malayo-layo ang byahe papunta sa bago mong pwesto. At dahil mataas, tumirik ang jeep na sinakyan ng bespren kong si Louie.
At pagkatapos ng mga iyakan at pagtatapon ng bulaklak, tuluyan kang nagtago sa mga lupa at damo. Malamang, napagod ka din sa mga nangyari sa lumipas na apat na araw.
Ito.
Ito ang dahilan ng pangungulila at katamaran ko ngayong buwan ng Mayo. Ang mga huling ala-ala ko kasama ka. Ang mga pangyayaring pilit kong gusto nang kalimutan. Paulit-ulit ko na lang tong binabalikan, sinusulat, sa pag-aakalang sa pagsusulat nito, makahinga ako ng mas maluwag. Haha. Dahil nga dito, nagiging boring na ako magsulat.
Sigurado akong buong puso mong tinanggap ang mga bagay. Pero ako? Isang taong singkad bago ko tuluyang napagpasyahang tanggapin ang mga nangyari. Pero wag ka nang mag-alala, ayos lang ako. Nagmana ata to sayo.
Tanggap ko na ang lahat. Na-plano ko na din ang mga gagawin ko.
Titigilan ko na ang paglulugmok sa nakaraan. Aayusin ko na ulit ang buhay ko.
Tapos na kong magluksa sa pag-alis mo. Sana kasabay nito ang pagbalik ng dating ako bago ka umalis. Sa totoo lang kasi, kahit di ko gusto, biglaan kong iniwan ang pagkabata para sa mas mataas na layunin. Ang dating batang moymoy, itinulak ng pagkakataon na maging puta sa telepono. Di kita sinisisi o ang Papa. Sarili ko tong desisyon. See? Andami kong natutunan. At sa munti kong paraan, naiibsan ko ang problema sa bahay. Kelangan talaga eh. Kelangan kong magpaka-kuya. Kaya ko namang magsakripisyo muna. Haha. Isasantabi ko muna ang mga big-time pangarap ko. Alam ko ang responsibilidad ko. Yun nga lang, wala na akong matatakbuhan ng problema. Alam mo namang ikaw lang ang pwede kong tabihan kapag may gusto akong sabihin. At ngayong iniwan ko na nga ang mundo ng laruan at ng kamusmusan, nahirati na akong aliwin ang sarili ko sa pag-iisa kasama ang nakakabinging katahimikan. Ayos na ako sa ganto. Kaya ko naman.
Sana sa araw na mabasa to ng mga taong hindi ko kilala sa itim kong pahina, tuluyan na kitang pinalaya sa isip ko. At kasama ng mga ibong chikadee na dumapo sa sanga, na tulad sa kantang tinuro mo sa amin nung mga bata pa kami, ganap nawa kitang hayaang lumipad sa haraya - kung san walang swero at mga syringe na gagapos sayo, at wala na muling mga ambulansyang maingay at manggugulo sa katahimikan mo.
Sa Linggo pa ako makakapunta jan. Pasensya na. Pero ngayon, sisindihan ko muna ang ninakaw kong kandila sa google bilang pagtanda sa nakaraan na iiwanan ko, at sa kasalukuyang pagsisikapan kong harapin.
Isang taon ka na jan. Pa-burger ka naman. :D
Lipad, chikadee, lipad.

10 palagay:
Nakakalungkot pala, ang Mother's Day pa naman ay tuwing buwan ng Mayo.
Hanga ako sa katatagan mo, Yas.
kaya pala. naiintindihan ko na bunso. ibang klase ka din.
saludo ako sayo. parang ikaw dapat ang kuya! ingat lagi
hay naku yas. nagyayaya si bampira ng inuman sa riverbanks ayaw mo naamn.
<*hug*>
this is perfectly written. i know you're trying to inject some humor, but see, you cant hide you loneliness. or..
sorry about the last post. so sa pagbabagong-anyo at pagharap sa hamon ng buhay. kasabay ba nito ang metamorposis ng iyong blog mula sa madilim na kahapon patungo sa maliwanag na hinaharap.
parekoy, nakaka-iyak! nubanaman umagang-uamaga naiiyak ako. hehe
breadwinner ka rin pala pare. galeng! God Bless you! Good morning.
Buti ka pa nagmamature na, ako yata hindi pa, hehe. Biro lang. Maligayang pagsusulat at more power sa blog mo. =)
sinasabi ko na nga ba. isa kang ako. mabuti na lang napadpad ka sa kuta ko. nakikiramay ako sa pagbabalik tanaw sa pagpanaw ng iyong ina. isipin mo na lagi siyang anjan para gabayan ka at pinagmamasdan ang bawat kilos mo...
...kaya wag kang lageng nagtitikol.
@kuya rj: haha. maski ganun ka-lungkot, chill lang. :D dapat mag-move on.
salamat sa pagdaan!
@kuya dan: yeah. thanks. mas matanda ka kaya. kaya ikaw talaga dapat. ehe
@kuya jin: maraming salamat sa pagsubaybay sa buhay ko dito sa blog. yup. ang itlog ay magiging uod na. :D di naman ako magbabago. matututo lang.
@<*period*>; : sweet. thaks!
@kris: warrior is a child, remember?
@mon: loko loko! joke lang to lahat. ehe. joke. :D [ano ba talaga?!!]
good luck sa pagiging kolboys. apir!
@andy: salamat sa paniniwala sa blog ko. mabuhay ka!
@lio: potek, marami ngang mga pagkakaparis, pero sa totoo lang, mas hebigats kayo kesa saken. potek ka. matutuwa na sana ako sa pagdamay mo, biglang singit ng pagtitikol. pakyorsheet!
pero salamat talaga. maraming salamat.
Post a Comment