Bayang Magiliw

by Tuesday, June 16, 2009 15 palagay
Isang siglong malaya.
Malaya saan?

Malaya na ba ang mga ilog natin sa basura?
Malaya na ba ang mga lupa para sa mga magsasaka?
Hindi pa siguro.

Sino ang malaya?
Malaya ang mga politikong artista at mga artistang gustong maging politiko.
Malaya din ang mga buwayang nasa kalsada, nag-aabang ng instant panlaman sa tyan. Mga negosyanteng mapanlamang, mga holdaper sa daan.
Sila ang maituturing mong ganap na malaya.

Nakatira ka sa bansang maraming tele-novela, mga batang lansangan at mga lumilipad na langaw. Wag kang mag-maasim. Realidad yan. Dito ka nakatira. Kung saan ang balita ay tungkol lagi sa mga chismis, sex videos, at away personal ng mga politiko. Kung hindi man ganon, ang balita ay tungkol sa mga nasalanta ng baha, bagyo at landslides. Kung saan ang mga highways ay nagiging fishponds, ang mga overpass ay palengke, at ang mga sidewalks ay may nakaparadang sasakyan.

Ito ang bansang umaasa kay Darna, Kapitan Boom, Krystala, Lastik Man at Zorro. Kung saan ang binoboto ng mga tao ay yung sikat, yung maganda, gwapo, mabango at mayaman. Kung saan ang mga matatalino ay nagpuputa sa telepono, kumakausap ng mga banyagang hilaw. Kung saan ang mga skwelahan ay kulang sa upuan, libro, at mga matitinong guro. Kung saan ang presyo ng pamasahe ay paiba-iba, at mga pangunahing pangangailangan ay kailangan pang iaangkat. Kung saan ang pangangampanya ay sinisimulan sa pamamagitan ng commercials, at ang mga pondo ng ahensya ay nawawala, tinatago, binubulsa.

Naniniwala kang malaya ka?

Isaangdaan at labing isang taon ka na daw malaya. Malayang halayin ng mga bisitang sundalo, malayang babuyin ng mga kung sino ang hindi mo kayang linanging likas na yaman. Isaangdaan at labing isang taon ay napakatagal na panahon. At tayo, nakuntento sa mga nakasulat na pahayag.

Sapat na ba ang sinulat na deklarasyon na aalis na dito ang mga nang-aping dayuhan? Sapat na ba na ituro sa mga paaralan ang nangyari higit isang daang taong na ang nakakaraan?

Hanggang kelan ang mga protesta ng mga mangagawa sa daan?

Hanggang kelan dapat maki-elam ang mga obispo at mga pari para magsimula tayong kumilos?
Hanggang kelan maglalakad ang mga magsasaka ng Sumilao?

Hanggang kelan magtitiis sa masikip na silid-aralan?
Hanggang kelan may mamatay na Pilipino dahil sa gutom?

Hanggang kelan tayo mabubuhay sa utang?
Hanggang kelan may magpuputa, magbebenta ng sariling lamang-loob at mamamasura?
at hanggang kelan tayo magtitiis, makukuntento at maaaliw sa mga kakarampot na bagay na kaya nating paramihin?

Kailangan pa ba natin ng marami pang EDSA revolution?

Ilang Rizal, Macliing-dulag at Ninoy pa ang kailangang mapaslang?
Kailangan pa bang may mamatay ulit para malaman natin ang halaga ng pagiging PIlipino?

Di pa tayo malaya. Hindi pa.



Pero dahil may mga kabataang mangahas at mga matatandang naniniwalang posible pa rin ang pagbabago, may pag-asa.

Ngunit sa ngayon, ang kalayaan ay isa pa ding konsepto.

Isang malaking teorya.

Teoryang sabay sa hangin. walang giting at porma.







(*isinulat ng biglaan, kulang sa porma, ayos at ideya. paumanhin. di ko pa magawang tapusin. buburahin din pagkatapos ng isang araw. :D)

**napagpasyahan kong hindi na burahin dahil na din sa pakiusap ng ilan. bow.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

15 palagay:

RJ said...

Huwag mo itong burahin, 'Yas.

Jinjiruks said...

so ito pala ang sinasabi mo. naniniwala ka ba sa demokrasya natin? corruption in disguise lang ito ng mga kapitalista na umaalipin sa bansa.

manhid said...

musta? salamat at naalala mo ang kamanhiran ko.
may bago ka bang natutunan sa buhay? o may natutunan ang buhay mula sa'yo?
ganunpaman, patuloy lang tayong maglayag patungo sa daang sa tingin natin ay malaya tayong mag isip

<*period*> said...

SABI KO NGA SA POST KO HABANG NAKATAYO SA HARAPAN NG MILYON MILYONG TAO NA NAKATWO PIECE SWIMSUIT NA MAY SUOT NANG SASH NG PHILIPPINES...

'i believe that there's hope..hope for our country...such hope lies deep within our hearts that needs to be unleashed...change can be possible if we all start to realize that yes, indeed, we can'

bampiraako said...

Nasaan nga ba ang kalayaan? hehe

Gusto ko ang entry mo na to bunso. Galing!

Yas Jayson said...

@RJ: bakit? hehe kailangan ko ng malinaw na sagot. :D

@kuya jin: yep. eto nga. di ko pa tinatapos. yuppy yup. etong lahat ay bunga ng kapitalistang sistema ng lipunan at pamahalaan. haay. i miss my political economics class.

@manhid: haha. salamat! mukhang naaalala mo yung post kong tungkol sa langaylangayan.. apir!

@ <*period*>; : yes, there's still hope. akomismo. lol

@kuya dan: sa may malapit sa Rotonda...meron din sa Makati. joke!

haha. salamat po. maski di ako sanay sa gantong post. :D

leroy said...

dami mong tanong. pakyu. haha. para kang mga tibak sa peyups. eew. haha. wasak! :D

Anonymous said...

hindi ka naman narecruit ng npa sa lagay na yan, tatlong taong ako pabalik? huhlolz!

maligayang kaarawan...este, kalayaan pala.

hiatus mode ule. bumisita lang sa mga ka-wavelength.

hmmkeibye.

Yas Jayson said...

@dedpish: matagal na kong may dugong tibak. highschool pa lang mulat na ko. yEy!

@lio: hindi naman. minsan, may pagkakataon lang talagang ganto ako. kabataang mangahas. haha. :D

same same.

iingat lage, ako tatlong taong pasulong.

Anonymous said...

buti naman at 'di mo binura at nabasa ko pa.. :D hehe..maganda naman eeh..though pangit ang lahat ng nabanggit pero kailangang tanggapin at gawan ng solusyon.. :|

Visual Velocity said...

Korek ka jan. Paminsan nga napapa-isip-isip ako: are we ready or do we deserve our independence? Tingnan mo na lang yung gobyerno natin o yung ibang kababayan natin na walang disiplina (tapon ng basura dito, tapon ng basura doon), parang hindi pa tayo handa maging malaya eh.

Jules said...

hm....di naman ata talaga malaya ang pilipinas...

Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

leroy said...

shit. die, tibaks! die! haha! :D

Maria said...

bat mo naman ibubura. wag na! okay na yan dyan. astig nga e

Help naman po sa aking twitter dilemma

Unknown said...

nice blog and have lots of stuff here....

http://www.bollywoodsprings.blogspot.com