Sa Negra ng Antipolo [o kung paano bumalik ang katinuan ko bilang nilalang sa isang oras na pagtayo sa simbahan ng antipolo]

by Monday, June 29, 2009 8 palagay

(*paumanhin sa mga kaibigan kong agnostics. pati na din sa mga OC. tinamad na naman akong mag-edit)


Umakyat ako ng Antipolo kahapon para sa launching ng 5th Asian Youth Day. Wla talaga akong balak magpunta dahil sa may sakit pa din ako. Salamat na lang at nataon na sinundo kami ng tatay ni Darren, sumama na din ako.

Pagkatapos ng limang oras na boring na program, ang tanging pinaplano ko ay makababa na kaagad at makauwi. Ngunit nakita ko na lang ang sarili kong nagpababa sa katedral ng antipolo kasabay ang sabing di ako sasabay bumalik. Tutal linggo naman, magsisimba muna ako.

Pamilyar na ang itsura ng antipolo sa akin. Di na ako iba sa kanya. Nakakatuwa na tignan ang mga tindera ng suman at kasoy, mga manang na nag-aalok ng makukulay na kandila, at ang dami ng tao na umaakyat para masilayan ang birheng di naiiba ang kulay ng balat sa ordinaryong tao.

Ang katunayan, hiatus mode ang pananampalataya ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang manghina ang paniniwala ko pero alam ko na kahit magsimba at magserve ako sa aming parokya, may iilang puwang pa din ng kawalan sa loob ko. Matagal ko nang nararamdaman ang kulang sa puso ko, isang bagay na pilit kong tinatago sa marami.

Lalo na ngayong panahong ito. Ewan. Galit ako sa maraming tao sa paligid ko.


Marami ang di nakakaalam ng frustrations ko sa Kanya nang sapilitan akong pinalabas ng seminaryo dahil sa mga pulu-pulupot na mga biglaang pangyayare. Walang naka-halata na umabot na ako sa puntong gusto kong murahin ang mundo dahil kailangan kong magpaliban sa pag-aaral at magtrabaho bilang puta katulad ng marami. Frustrated ako sa tatay kong walang trabaho hanggang ngayon, sa mga kapatid kong kailangan kong pag-aralin, sa mga utang na kailangang bayaran, at sa mga pangarap kong hindi ko masimulan ulit dahil nakatali ako sa mga malalaking responsibilidad. At ang laging consolation ko ay ang mag-isa, kasama ng mga mapanglaw na ilaw sa kwarto.

Kaya kahapon, wala talaga ako sa sarili na magsimba. Ang nasa isip ko pa, kapag wala akong naupuan, nainitan o nabahuan sa katabi, uuwi na lang ako.


Hindi ako nakaupo. Sobrang init sa pwesto ko dahil sa sirang wall fan. At may katabi akong manong sa pawisan ang kili-kili. Hellish. Ngunit may kung ano na pimupigil sa reklamador kong paa na huwag umalis sa kinatatayuan ko.

Kilala ko ang nagmisa. Isa sya sa mga kakaunting pari na maituturing kong magaling.
Natigilan ako sa pagbasa.

Lumilipad ang isip ko.

May lumilipad na itim na paru-paro.

At may masungit na usherette akong katabi.

Tungkol sa babaeng dinudugo ng labindalawang taon ang pagbasa - tipikal na karakter upang ilarawan ang marami sa atin. Sawi. Malubha. Mahirap. Nawawalan ng pag-asa.

At katulad ng babaeng yun, ang tanging natitira sa akin ay ang ga-butil kong paniniwala.

Sa loob ng dalawang taon, kahapon lang ulit ako nakinig sa lahat ng sinabi ni monsi. At hindi lang ako nakinig, tinamaan ako.

Alam yung korniness na feeling? Ganun.

Minsan, kailangan mong hanapin ang inspirasyon mo. Minsan, kailangan mong maglakbay para hanapin ang mga nawawalang bahagi ng katinuan mo. At madalas, hindi mo mauunawaan ang isang bagay hangga't di mo ito pesonal na natatagpuan at nararanasan. Okay lang na manlamig at pagdudahan ang mga bagay na pinaniniwalaan mo dahil mas higit mong maiintindihan ang misteryo ng mga kakaunting bagay na pinanghahawakan mo. At kahit ilang taon kang magtago, mamamangha ka sa paraan kung paano mo sya makakabangga sa buhay mo.

Posible pa rin pala ang himalang taglay ng morenang birhen, akala ko'y lumipas na ang taglay nitong hiwaga ilang siglo na ang nakakaraan.

Minsan, kailangan umakyat ng antipolo para manumbalik ang dating katinuan at maniwala ulit sa mga kwento ng pagpaparami ng tinapay at paglakad sa tubig.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

8 palagay:

Yffar'sWorld said...

alam mo nararamdaman ko rin yang nararanasan/naranasan mo. Sawi rin ako sa maraming bagay nitong nakaraang dalawang taon ng buhay ko. Pakshet - yan ang tawag ko sa age na yun. Huling punta ko sa simbahan, hindi ko na tanda. Basta, para akong pinagkaitan ng lumikha noong hindi nya ibinigay ang natatanging bagay na hiniling ko noong sumama ako sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo niting Enero. Pero wala na sa akin yan ngayon. Natututo na akong tumungin sa magagandang bagay sa paligid ko. Totoong maraming "shit" na nangyayari sa akin at marami rin akong gusto na wala sa akin ngayon, pero naisip ko napakarami paring magagandang bagay na maaari kong makita at maranasan sa bawat minuto ng buhay ko. Shit, napahaba ata. Sorry. Nagustuhan ko lang kasi talaga ang mga sinulat mo. Ipagpatuloy mo pare! Apir!

-raf

Jinjiruks said...

"sa mga kapatid kong kailangan kong pag-aralin, sa mga utang na kailangang bayaran, at sa mga pangarap kong hindi ko masimulan ulit dahil nakatali ako sa mga malalaking responsibilidad"

nakaka-relate ako sa parteng ito ng buhay mo yas. hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa kanila at hindi makakilos nang ayon sa aking kagustuhan dahil ako ang panganay ako dapat ang magparaya dapat at unang-unang makaintindi. hay buhay. para akong ibong walang kalayaan na nakakulong sa hawla.

Yas Jayson said...

@kuya raffy: spiritual dryness. yun ata ang tawag sa phase na to. haha glad i am able to get over it, kung hindi naging aetheist na siguro ako.

thanks for sharing your views and shitnesses ng buhay. apir! nakakatuwa! salamat din sa pag punta sa kuta ko. sa uulitin!

@kuya jep: salamat. hha alam kong makaka-relate ka. hamo, dadarating din ang araw at magiging malaya ka na isakatuparan ang bonggang bonggang dream mo. apir tayo jan!

one day, we will fly away. ;D

Visual Velocity said...

Baka kailangan ko ring maranasan ito. Ilang taon na kasi akong hindi naniniwala; ni hindi ko na matandaan kung kelan ako huling pumasok ng simbahan, hehe. =)

Nice post by the way.

RED said...

kadalasan kapag pumapasok ako ng simbahan umuulan ng malakas. parang nadudumihan at kailangan hugasan. kung coincidence hindi ko alam. kung madalas na coincidence ano kayang tawag dun.

gusto ko dati magseminaryo kaya lang walang sponsor at baka hindi lang umulan doon, baka dito sa labas ang buhay ko. kailangan nga lang ng inspirasyon at malimit na paalala.

Anonymous said...

hindi ako makarelate. isa akong agnostic. huhlolz!

ang masasabi ko lang, nirerespeto ko ang paniniwala mo sa birheng maria sa parehong dahilang naniniwala ako sa diyos bagaman at wala itong kongketong hitsura tulad ng dati kong nakagisnan. yeah, i was raised as a devout catholic. past tense.

at yaman din lang na mahaba ang post mong parang post ko rin lang, hahabaan ko na rin ang comment ko. huhlolz!

hindi ko alam kung concidental lang ang pagbibiro kong ikaw ay ako, tatlong taong pabalik. pero ang talatang 'to, habang binabasa ko ang talata mong 'to, nakita ko ang dating ako...

Walang naka-halata na umabot na ako sa puntong gusto kong murahin ang mundo dahil kailangan kong magpaliban sa pag-aaral at magtrabaho bilang puta katulad ng marami. Frustrated ako sa tatay kong walang trabaho hanggang ngayon, sa mga kapatid kong kailangan kong pag-aralin, sa mga utang na kailangang bayaran, at sa mga pangarap kong hindi ko masimulan ulit dahil nakatali ako sa mga malalaking responsibilidad.

ituloi mo lang ang paglalakad mo sa landas na tingin mo eh makakapagbigay sa'yo ng walang hanggang nirvana. pasasaan ba't maaabot mo rin ang hangganan niyan.

apir, tatlong taong ako pabalek!

Jay said...

yas.

just want you to know na
kamasa ka sa prayers ko.
sa blog lang din kita nakilala.

hindi nga talaga magkakilala e.

tatagan mo lang loob mo.

kung ikakaloob ni Lord, na makasapasok ako ng seminary in His time.

sana magkasma tayo. :]

kasama sa Asian Youth Day?
mukang hindi magpapadala ang Bihsop namin ng representative.
pero ttry ko.
kung sakali. meet tayo!

:)

Yas said...

reply reply kelangang magreply.

@andy: darating ang panahong mangyayari din ito sayo. isa, dalawa, tatlo o mas marami pang beses. ang importante, makakalabas ka ng black hole ng buong giting at may natutunan.

maligayang paglalakbay sa buhay!

@stupidient: haha. baka naman signs ang pag-ulan? kelangan mong sumilong... at ang sisilungan mo, kelangan mong hanapin. :D

kung balak mong magpari o magseminarista man lang, ituloy mo. hahanap ng paraan si Mokong para sayo..kung yun talaga ang byahe ng buhay mo. apir!

@lio: nakakatuwang may pananaw ka din pala sa mga bagay na ganito.. ang masasabi ko lang eH, maski isa kang dambuhalang PAST TENSE, ang mahalaga ay naniniwala ka pa din.. maski ang paniniwala mo ay sa mga atomic numbers, sa mga chikas, sa bato o sa mga mapaghimalang kambing, ituloy mo lang. ika nga, para ipagpatuloy ang buhay, kelangan ng inspirasyon. :D

ang totoo lang, umabot talaga ako sa puntong minura ko ang langit. literally. pero walang nangyare, di naman ako kinidlatan. ang natutunan ko? isang bagay. mortal ako at bahagi ng buhay ko ang mga problema.

at pahabol, kung nasaan man ang nirvana, hangad kong mauna kang makarating dun. haha.

ipagpatuloy ang paghahanap sa kasiyahan. isa itong masayang paglalakbay!

@jay: oy antagal mong nawala!

haha. wala akong masabe. sabog nguso ko sa statements mo. apir!

kung hihintayin mo akong pumasok ulit, aba matanda ka na nun! mauna ka na, susunod naq lang ako.

honga pala, maraming salamat sa virtual pagkakaibigan dito sa sangkablogspherohan. mabuhay ka!