Kay Nena na namamalo kapag hindi ako natutulog ng tanghali nung bata pa ako. Sa kanya na masarap magluto. Sa kanya na hindi kumakain ng hindi nya luto pero kapag nakakakita ng pansit palabok ay nakakalimutan ang binitawang prinsipyo. Sa kanya na nagpalaki sa akin at nagpumilit na i-enroll ako sa kinder school maski kalagitnaan na ng taon.
Kay Nena na paulit-ulit ang sinasabi. Sa kanya na naniniwalang hamog ang dahilan ng pagkakasipon ko. Sa kanya na tatlong oras kung maligo.
Kay Nena na naniniwala sa mga kaluluwang langaw at hindi takot sa mga lumilipad na ipis.. Sa kanya na ubod ng kuripot pero mahilig sa choknat. Sa kanya na nagbubukas ng gate ng bahay namin maski disoras ng gabi at hindi man lang ako naamoy na lasing. At kay Nena na hanggang ngayon, kaharutan ko pa din pagdating sa panonoood ng Spongebob.
Maligayang kaarawan , Amma. Antanda mo na, peyborit mo pa din si Squidward. Date tayo sa swelday ko. :D
NB.
Amma is an Ilocano term for grandmother. Amma Nena is now 78. She refuses to have a cake with candles on her birthday. So we made a graham cake instead.

4 palagay:
apong ang tawag ko sa lola ko. im an ilocana ;)
baka naman baby talk lang yung amma na tinuro sa yo. haha.
namiss ko bigla ang lola ko. *sigh*
at pans klab ka rin pala ni de quiroz at evangelista. isa na namang patunay na ikaw ay ako, tatlong taong pabalek. haha.
hoy, saang banda ka? inom tayo!!! wala na kong ibang maisip na mas malapit pa sa katauhan ni holden caulfield bukod sakin kundi ikaw. huhlolz!
sweet
Post a Comment